A.R. Kipli Law Office

A.R. Kipli Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from A.R. Kipli Law Office, Legal Service, Km 6. , Panama Drive, Mampang, Zamboanga City.

30/09/2024

SC: Pang-iinsulto at Masamang Pakikitungo sa Empleyado Maaring Ituring na Constructive Dismissal

Maaaring ituring na constructive illegal dismissal ang pagbitiw ng isang empleyado dahil sa demotion o pagbaba sa ranggo, pang-iinsulto, masamang pakikitungo, at kawalan ng malasakit ng employer.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang empleyado na napilitang mag-resign dala ng hostile work environment.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, sinabi ng Korte Suprema na ang mga kilos ng employer na nagpapakita ng labis na pagkayamot sa empleyado tulad ng demotion, nakakainsultong pananalita, at kawalan ng malasakit o pakialam ay maituturing na constructive illegal dismissal kapag hindi na nakayanan ng empleyado ang kanyang kalagayan at napilitang magbitiw sa pwesto.

Ang pamantayan para malaman kung merong constructive dismissal ay kung ang isang makatuwirang empleyado ay mapipilitang iwanan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang kalagayan.

Bagamat sinabi ng Korte Suprema na hindi talaga maiiwasang may mga matitinding salita na maaaring bitawan sa trabaho dahil sa hindi pagkakaunawaan, hindi ito dapat nakasisira sa dignidad ng mga empleyado.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-employers-insulting-words-hostile-behavior-toward-an-employee-constitute-constructive-dismissal/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/254465-jonathan-dy-chua-bartolome-vs-toyota-quezon-avenue-inc-lincoln-t-lim-esteban-dela-paz-jr-josefina-de-jesus-and-pauline-bacaling/



29/08/2024

Matagal na pagliban ng asawa, maituturing na Psychological Incapacity ayon sa Korte Suprema

Ang matagal ng pagkawala ng asawa sa kanilang pamamahay ay maaring ituring na katibayan ng psychological incapacity na basehan para ipawalang-bisa ang kasal.

Sa Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang kasal nina Leonora at Alfredo matapos mapatunayan na tumanggi si Alfredo na magbigay ng pinansyal na suporta sa kanyang pamilya at tuluyang iniwan si Leonora at kanilang mga anak simula 1994.

Napatunayan ding nagkaroon ng relasyon si Alfredo sa ibang mga babae.

Ayon sa Korte Suprema, nakasaad sa Article 68 ng Family Code na obligasyon ng mag-asawa na magsama, magpakita ng pag-ibig, respeto, at katapatan sa isa't isa, at magbigay ng tulong at suporta.

Ang pangangaliwa ni Alfredo, ang kanyang matagal na pagkawala sa tahanan at ang hindi pagbibigay ng suporta sa kanyang misis at anak ay nagpapakita na hindi nya naiintindihan ang kanyang mga obligasyon bilang asawa at ama.


Address

Km 6. , Panama Drive, Mampang
Zamboanga City
7000

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when A.R. Kipli Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category