21/07/2026
Kapag may inissue sa iyo n Tsekeng tumalbog, maaari itong pumasok sa BP 22 o ang Bouncing Check Law. Narito ang mga hakbang na maari mong gawin:
*Kunin agad ang bank proof of dishonor
Hingin sa presenting o depositing bank ang returned-item document o printout with check images at dahilan at date ng dishonor.
*I-secure ang record ng reason at date.
Important na malinaw ang dahilan at kailan na-return o na-dishonor.
*Magpadala ng WRITTEN notice or demand ng Notice of Dishonor sa nag-issue.
*Dapat written at may proof of actual receipt .
*Dapat personal service na may receiving copy, o registered mail o courier na may proof of delivery.
*Kailangan mapatunayan ang receipt; kulang kung naipadala lang.
*Bigyan ng 5 banking days mula sa pagtanggap ng notice.
*May 5 banking days ang issuer from receipt para magbayad o mag-arrange ng full payment; kung hindi, puwedeng umusad ang BP 22 case.
*Kung walang bayad o arrangement:
Pwede mong ihanda at isampa ang BP 22 complaint
*Attach: bank dishonor documents, copy of notice o demand, proof of receipt, affidavit, supporting docs ng utang o transaction.
Tandaan: madalas bumabagsak ang BP 22 kapag hindi napapatunayan ang actual receipt ng notice.