21/08/2026
Hello everyone! May isang buyer ako na nag-forward ng post mula sa isang Tarlac Group tungkol sa isang isyu sa pagbili ng bahay na nagkakahalaga ng 450k (Sabi niya buti nalang nakita daw niya post ko kasi muntik nadin daw siya dati) Kaya naman gusto ko lang magbigay ng kaunting paalala at insight para sa lahat.
Kapag may nag-alok sa inyo ng bahay na kasama na yung lupa na nagkakahalaga ng 300k hanggang 1M pero "rights" lang ang hawak, pwede naman itong maging lehitimo. Pero bilang buyer, kailangan ninyong mag-double check. Siguraduhing Certified ang Rights at alamin kung ang rights na iyon ay pwedeng mapatituluhan sa hinaharap. May mga rights naman talaga na legit, pero napakahalaga ng ibayong pag-iingat para hindi masayang ang inyong pinaghirapan.
Ngayong patuloy na tumataas ang demand sa lupa, gusto ko ring kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat nang malaki sa aming mga naging buyers. Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta mula pa bago mag-pandemic hanggang ngayon!
Sa aming team, nakataya ang pangalan ko, ng aking mga kasamahan, at ng aming broker. Hindi kami nag-o-offer ng basta-basta, lalo na mula sa mga kumpanyang bago pa lamang at hindi pa subok. Makakaasa kayo na ang bawat iniaalok naming Lupa at Bahay dito ay 100% Legit at Safe