15/06/2026
Appeared for the Respondent.
βοΈ Paano kung walang pangkuha ng pribadong abogado?
Sa ilalim ng 2025 NLRC Rules of Procedure**, kahit hindi abogado ay maaring mag appear sa NLRC, subject to conditions provided under Section 6(c), kung:
- Nirerepresenta mo ang iyong sarili
- Nirerepresenta mo ang inyong legitimate labor organization na kasali sa reklamo (union ang pangkaraniwang tawag)
- Nirerepresenta mo ang isa sa o mga miyembro ng inyong union na kasali sa reklamo
- Ikaw ay authorized sa ilalim ng any legal aid program (certified by SC/IBP)
Kaya kahit walang abogado ay maari mong ipaglaban o hilingin ang sariling mga karapatan sa ilalim ng Labor Code o relevant laws.
Subalit, maigi pa rin na humingi ng payo sa abogado para malaman ang iyong kumpletong mga karapatan sa ilalim ng batas.
Maaring bumisita o magtanong sa mga IBP Chapters (https://ibpncla.my.canva.site/) para sa kanilang free legal advice initiatives or programs, o magpunta sa pinakamalapit na Public Attorney's Office.
Maari ring magsend ng private queries sa page na pwede kong sagutin through general posts. πβοΈ
*https://nlrc.dole.gov.ph/uploads/content/The%202025%20NLRC%20Rules%20of%20Procedure.pdf