26/05/2025
LIBRENG LEGAL NA SERBISYO PARA SA LAHAT!
Mga ka-barangay, inaanyayahan ang lahat sa isang mahalagang IBP Seminar and Legal Aid, isang pagtutulungan ng Lupon Tagapamayapa ng Barangay Santa Lucia sa pangunguna ni Kap Aldwin Ilagan at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) RSM-Rizal Chapter.
Ito ay gaganapin sa Hunyo 7, 2025 (Sabado), mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM, sa 2nd floor ng Barangay Hall ng Santa Lucia.
Ang unang bahagi ng programa ay ang IBP SEMINAR mula 9AM hanggang 12NN kung saan tatalakayin ang topic na neighbor and family disputes.
Magkakaroon naman ng LIBRENG LEGAL NA KONSULTASYON ng 1PM-5PM para sa mga sumusunod na usapin:
*Mga kasong sibil
*Small claims cases
*Ejectment o pagpapaalis ng nangungupahan
*Mga alitang pampamilya
*Mga kasong kriminal
*Mga isyung may kinalaman sa paggawa o trabaho
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makakuha ng libreng legal na payo mula sa mga eksperto sa batas! Bukas ito sa lahat ng residente ng Barangay Santa Lucia.
Magdala ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong kaso para mas mapadali ang inyong konsultasyon.
Tayo na't magkaisa para sa isang mas maayos at makatarungang komunidad. Kita-kits, ka-barangay!