21/05/2023
PWEDE NGA BA ANG NON-APPEARANCE PAG NAGPAPANOTARYO?
Client: Atty., busy po ako, pwede po ba ipadala ko nalang sa inyo through delivery service ang document then notaryohan and send po pabalik sa akin?
Answer: NO, po.
Ang usual na side comment po ay “ang arte naman ni Atty., tatakan lang tapos kelangan personal appearance pa. Eh busy nga ako.”
Kelangan po natin maintindihan na ang pagpapanotaryo eh hindi simpleng tatak tatak lamang. May mga consequences po yan sa ating batas.
Kapag tayo po ay nagpapanotaryo ng mga Affidavit, mapapansin po natin sa baba nakalagay ang mga katagang:
“Subscribed to and sworn before me….”
na ibig sabihin ay nandoon ka sa harap ni Atty. at nag oath ka na ang lahat ng sinasabi mo sa iyong Affidavit ay katotohanan. Tatanungin ka ni Atty. sa bawat salaysay or sinabi mo sa iyong Affidavit at kapag sinabi mo ba lahat ng iyon ay pawang katotohanan eh saka nya ikaw papipirmahin sa documento, pagkukumparahin nya if pareho ang pirma mo documento at sa iyong valid government ID at saka pa lang nya nonotaryohan ito sa pamamagitan ng paglalagay nya ng kanyang seal at pirma. Irerecord din po ito sa Notarial Register at kayo ay papirmahin din sa naturang register.
Kelangan nyo din mag iwan ng isang orihinal na kopya ng documento kay Atty. at ang kopyang ito ay irereport at isusumite sa korte (RTC). Opo, ang mga pinapanotaryo nyo eh may kopya ang RTC kaya kung kelanganin nyo po ito for any purpose later on eh makakakuha kayo ng kopya sa korte.
Kaya kapag po kayo ay nagpanotaryo at walang dry seal, hindi maintindihan ang pagkakasulat ng Doc. No. or Book No. at hindi kayo hiningan ng orihinal na kopya or phinotocopy man lang para may certified true copy na maiiwan sa records ni Atty. eh medyo magtanong po tayo, baka po mamaya hindi po si Atty. ang mismong nagnonotaryo sa documento ninyo.