28/08/2026
Kung may chance akong balikan yung younger self ko, siguro hindi ko na siya bibigyan ng advice kung paano magiging successful. Gusto ko lang siyang pasalamatan.
Salamat dahil hindi ka sumuko.
Ang dami mong pinagdaanan bago ka makarating kung nasaan ka ngayon. There were years na halos walang tulog, nag-aaral habang nagsusumikap, at pinipilit pagsabay-sabayin ang mga responsibilidad. Lalo na yung mga pinagdaanan namin mag-asawa mga challenges na hindi ko na gustong ulitin, pero ngayon, masasabi kong proud ako na nalagpasan namin.
Hindi rin naman naging madali ang journey ko sa real estate. Three years akong naghintay bago ako makabenta. May mga clients na nag-back out, may mga pagkakataong akala ko malapit na pero hindi pala, at may mga araw na mapapatanong ka rin kung para sa’kin ba talaga ito.
Pero pinili kong magpatuloy.
At sa lahat ng iyon, masasabi kong malaking bahagi ng journey ko ang faith ko kay Lord. 🙏🏻 Siya yung gumabay sa akin sa mga panahong hindi ko na alam kung saan ako patungo. Sa kabila ng lahat ng heartaches, disappointments, at challenges, unti-unti Niya akong dinala kung saan ako dapat makarating.
Kaya ngayon, kapag tinitingnan ko yung sarili ko at lahat ng achievements na meron ako, minsan hindi ko rin maiwasang balikan yung babaeng nagsisimula pa lang.
Yung babaeng pagod.
Yung babaeng maraming kailangang isabay.
Yung babaeng ilang beses ding nasubok.
Pero hindi sumuko.
And I think that’s what makes me proud the most. Hindi dahil naging successful ako agad. Hindi dahil naging madali ang journey. Kundi dahil kahit ang daming dahilan para huminto, pinili ko pa ring magpatuloy. ❤️
So, to my younger self: "Thank you. Buti na lang hindi ka sumuko. Dahil kung ginawa mo, hindi ko mararanasan ang buhay at mga blessings na meron ako ngayon."
RNSG Realty Services