CBSP Law Office

Directions

CBSP Law Office Multiservice Law Office

27/08/2026

Sa sesyon nito noong Agosto 26, 2026, pinal na tinanggihan ng En Banc ng ang ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ na inihain ni Datu Pax Ali S. Mangudadatu. Sa pag-aksyon nito sa G.R. Nos. 260219 at 260231, ๐˜‹๐˜ข๐˜ต๐˜ถ ๐˜—๐˜ข๐˜น ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ช ๐˜š. ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ ๐˜ท. ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด, ๐˜š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ง๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฌ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ, ๐˜ˆ๐˜ป๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜. ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜‰๐˜ข๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ˆ. ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ, pinagtibay ng Korte ang nauna nitong desisyon na nagpanatili sa pagkansela ng ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ค๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ค๐˜บ ni Mangudadatu para sa pagka-Gobernador ng Sultan Kudarat at inabandona ang โ€œsecond placer rule.โ€

Ayon sa Korte, dapat punan ng Bise Gobernador ang nabakanteng posisyon.

Tumutukoy ang โ€œsecond placer ruleโ€ sa nakasanayang gawain na ideklarang panalo ang kandidatong nakakuha ng ikalawang pinakamataas na bilang ng boto kapag kalaunan ay napatunayang diskwalipikado o hindi kwalipikado ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.

Muling iginiit ng Korte Suprema na walang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng second placer rule. Binigyang-diin nito na kinikilala ng Konstitusyon bilang nahalal ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.

Paliwanag nito, nagkakaroon ng permanenteng bakante kalaunan kapag napatunayang hindi kwalipikadong manungkulan ang nanalong kandidato. Para sa mga lokal na halal na posisyong saklaw ng ๐˜“๐˜ฐ๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฆ (๐˜“๐˜Ž๐˜Š), pinupunan ang naturang bakante alinsunod sa mga tuntunin sa succession o pagpapalit sa puwesto at hindi sa pamamagitan ng pagdedeklara sa second placer bilang nanalo. Alinsunod dito, ang Bise Gobenador ang hahalili sa posisyon ng Gobernador para sa natitirang bahagi ng termino.

Nilinaw ng Korte Suprema na limitado ang desisyon nito sa mga lokal na halal na posisyong saklaw ng LGC. Hindi nito tinalakay kung naaangkop o hindi ang ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฆ o mga tuntunin sa ๐˜ด๐˜ถ๐˜ค๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ sa mga pambansang halal na posisyon dahil hindi inilatag sa Korte ang mga usaping ito.

Ia-upload sa ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ ng Korte Suprema ang buong teksto ng Resolusyon na may petsang Agosto 26, 2026 sa G.R. Nos. 260219 at 260231 kapag ๐˜ข๐˜ท๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ na.

Basahin ang ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171947.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon ng Korte Suprema na may petsang Abril 25, 2025 sa G.R. Nos. 260219 at 260231 sa http://sc.judiciary.gov.ph/?p=146486.

Sumunod sa ๐˜Š๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ต๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


27/08/2026

Nilinaw ng ang mga tuntunin sa paghahatid ng notice of dishonor sa mga kasong may kinalaman sa Batas Pambansa Blg. 22 (BP 22) o Anti-Bouncing Check Law. Pormal na kinilala ng Korte ang elektronikong paghahatid bilang isang legal na paraan ng paghahatid ng notice of dishonor, habang nagtakda ng mga pananggalang para matiyak na maaasahang mapatutunayan sa korte ang naturang paghahatid.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagtibay ng En Banc ng Korte Suprema ang hatol na nagkasala ang mag-asawang Arnel at Marivic Carlos sa anim na bilang ng paglabag sa BP 22.

Nag-ugat ang kaso nang mag-isyu ang mag-asawa ng anim na tseke para sa Tire Star bilang bayad sa mga gulong ng sasakyan. Kalaunan, hindi binayaran ng bangko ang lahat ng anim na tseke dahil sarado na ang account na pinagkuhanan ng mga ito.

Nagharap ang prosekusyon ng mga ebidensiyang nagpapakitang personal na nagtungo ang messenger ng Tire Star sa opisina ng mag-asawa para ihatid ang notice of dishonor. Tumanggi ang mag-asawa na tanggapin ito at sa halip ay inutusan ang isang empleyado na pumirma para rito.

Iginiit ng mag-asawa na dapat silang mapawalang-sala dahil hindi sa kanila naihatid nang wasto ang notice of dishonor.

Tinanggihan ng Korte Suprema ang argumento ng mag-asawa. Binigyang-diin na hindi maaaring takasan ng akusado ang pananagutan sa ilalim ng BP 22 sa pamamagitan lamang ng pagtanggi na natanggap niya ang notice o ng pagtangging tanggapin ito. Kung hindi, madaling makakaiwas sa pananagutan ang mga nag-iisyu ng tseke sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagtanggap ng notice.

Para maisulong ang pagkakapare-pareho sa pagpapatupad ng mga tuntunin, nilinaw ng Korte Suprema ang mga katanggap-tanggap na paraan ng paghahatid ng notice of dishonor.

Sinabi nito na nananatiling pangunahing paraan ang personal service. Maaaring direktang ibigay ang notice sa nag-isyu ng tseke o, kung isang negosyo ang sangkot, sa awtorisadong kinatawan nito. Kung hindi maihatid ang notice sa opisina ng nag-isyu, maaari itong iwan sa kanyang tirahan at ibigay sa isang nasa hustong gulang na residente sa pagitan ng 8:00 A.M. at 6:00 P.M.

Dapat gumawa ang taong naghahatid ng notice ng affidavit na nagsasaad kung kailan, saan, at paano isinagawa ang paghahatid. Kung praktikal, dapat idokumento ang paghahatid sa pamamagitan ng mga litrato o video recording, na sasailalim sa wastong pagpapatunay sa korte.

Kung hindi praktikal ang personal service, maaaring ipadala ang notice of dishonor sa pamamagitan ng registered mail, o kung walang serbisyong pangrehistro, sa pamamagitan ng ordinary mail. Ang taong naghahatid ng notice ay dapat ding gumawa ng affidavit na nagpapaliwanag kung bakit hindi naisagawa ang personal service at ilakip dito ang mga kaugnay na dokumento mula sa koreo.

Kinilala rin ng Korte Suprema ang elektronikong paghahatid. Pinasiyahan nito na maaari nang ihatid ang notice of dishonor sa pamamagitan ng email bilang pangunahing paraan ng paghahatid kung naibigay na ng nag-isyu ng tseke ang kanyang email address. Maaari ring gamitin ang mga plataporma gaya ng Viber, Facebook Messenger, o mga katulad na aplikasyon, bastaโ€™t mapatutunayang pagmamay-ari ng nag-isyu ang electronic account na ginamit.

Sa kanyang Concurring Opinion, sinang-ayunan ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na hindi lamang dapat magsilbing alternatibong paraan ang elektronikong paghahatid kundi isang pangunahing paraan ng paghahatid na naaayon sa makabagong pamamaraan ng komunikasyon at sa patuloy na digital na reporma ng Hudikatura.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172159.

Basahin ang Desisyon sa https://t.co/ieadvO69YM.

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://t.co/S62XHKoh2g.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


19/08/2026
โš–๏ธ DISMISSED: 4 Counts of Murder & 4 Counts of Frustrated Murder! โš–๏ธStarting strong! We secured a victory at the Prosecu...
18/08/2026

โš–๏ธ DISMISSED: 4 Counts of Murder & 4 Counts of Frustrated Murder! โš–๏ธ
Starting strong! We secured a victory at the Prosecutorโ€™s Office for our very first criminal case since opening CBSP Law Office.

Thank you for trusting us with your defense!

18/08/2026

Inabsuwelto ng ang isang babae sa kasong ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ. Ayon sa Korte, maaaring gamiting depensa ang naunang kasal na walang bisa na mula pa sa simula (๐˜ท๐˜ฐ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฃ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ), kahit wala pang naunang desisyon ng hukuman na nagpapawalang-bisa rito.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, binaligtad ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang mga naunang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) ng Pampanga at Court of Appeals (CA) na humatol kay Ma. Fe Imelda Lapira (Lapira) na nagkasala sa ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ.

Kinasuhan si Lapira ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ sa ilalim ng Artikulo 349 ng Revised Penal Code dahil sa pagpapakasal niya kay Jimmy Fariscal habang kasal pa siya kay Takahiko Sato, batay sa ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ na inisyu ng Office of the Civil Registrar General.

Sa paglilitis, iginiit ni Lapira na walang bisa ang kanyang kasal kay Sato dahil walang isinagawang seremonya at walang naisyung ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆโ€”mga rekisitong kinakailangan para magkaroon ng bisa ang kasal. Kinumpirma rin ng Local Civil Registrar na walang rekord ng aplikasyon para sa ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ nina Lapira at Sato.

Sa pag-absuwelto kay Lapira, ginamit ng Korte Suprema ang naging pasya nito sa kasong Pulido v. People noong 2021. Ayon sa naturang desisyon, maaaring direktang igiit ng isang akusado sa kasong ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ na walang bisa ang nauna nitong kasal bilang depensa, kahit wala pang naunang deklarasyon mula sa hukuman na nagpapawalang-bisa rito.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na isa sa mahahalagang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ ang pagkakaroon ng may bisa na naunang kasal. Kung ang unang kasal ay walang bisa na mula pa sa simula, nangangahulugang wala ang naturang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ.

Sa kasong ito, sapat na patunay ang sertipikasyong inilabas ng Local Civil Registrar na walang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ na naisyu kina Lapira at Sato. Dahil dito, napabulaanan ang pagpapalagay o ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ na wasto ang marriage certificate.

Basahin ang kabuuan ng ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171178.

Basahin ang kabuuan ng ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165698.

Sumunod sa ๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ ๐€๐ญ๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ฒ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

15/06/2026

The (SC) has suspended a lawyer for using vulgar words in a social media post.

In a Decision written by Associate Justice Jhosep Y. Lopez, the SCโ€™s Second Division found Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III guilty of simple misconduct and suspended him from the practice of law for one year.

The case arose from a Twitter post made by Atty. Falcis defending his brother, Nicko, against accusations related to a qualified theft complaint filed by Kris Aquino (Aquino):

โ€œ๐˜ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ. ๐˜š๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜’๐˜ณ๐˜ช๐˜ด, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ? ๐˜—๐˜ข๐˜ฌ๐˜บ๐˜ถ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฌ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด.โ€

Jason Gene Baltao (Baltao), Aquinoโ€™s former business partner, filed a complaint against Atty. Falcis before the Integrated Bar of the Philippines (IBP) for conduct unbecoming of a lawyer.

Atty. Falcis argued that previous SC rulings held that the phrase โ€œ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ขโ€ is often used to express anger or frustration, not to defame. He also claimed that lawyers are entitled to freedom of speech and expression.

The IBP found that Atty. Falcis violated the ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜™๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ˆ๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜บ (๐˜Š๐˜—๐˜™๐˜ˆ) by using offensive language and recommended a penalty of a fine and reprimand.

The SC agreed with the IBPโ€™s findings but imposed a heavier penalty of suspension.

Under Canon II, Section 4 of the CPRA, lawyers must use dignified, gender-fair, child- and culturally-sensitive language in both their professional and personal dealings. They must not use abusive, offensive, or improper language, whether spoken or written, including on social media. Such conduct undermines the dignity of the legal profession.

Section 37 of the same Canon requires lawyers to ensure that their online postsโ€”whether public or shared within a limited audienceโ€”uphold the dignity of the profession, protect it from disrepute, and maintain respect for the law.

Section 36 also requires lawyers to understand the benefits, risks, and ethical implications of using social media.

Ruling that Atty. Falcis failed to meet these standards, the SC stressed that he should have understood the risks and consequences of his statements on social media, including how they can spread widely, reach all kinds of audiences, and influence both lawyers and non-lawyers, including children.

The SC held that the lawyerโ€™s oath and their duties and responsibilities serve as the limit of free speech for lawyers.

The SC also reminded lawyers of the nature of social media, which encompasses a wide audience and may not easily be restricted.

The SC explained that Atty. Falcisโ€™ actions amounted to misconduct, defined as intentional wrongdoing or a deliberate violation of a rule or standard of behavior, whether work-related or not. It is considered simple misconduct if there is no corruption or clear intent to violate the law.

The SC increased the penalty from a fine to suspension due to Atty. Falcisโ€™ prior administrative violations, including direct and indirect contempt, and the seriousness of his use of profane and offensive language.

Read the full text of the press release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=167468

Read the full text of the Decision https://sc.judiciary.gov.ph/?p=167448

Read the Concurring Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=167455

Copying of this content is subject to the SC PIOโ€™s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution

01/06/2026
01/06/2026

Nagpasya ang Korte Suprema na nagkahahadlang sa pagpapatala ng mga marka ang mga pagkakatulad sa disensyo ng ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ o ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ฐ na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mamimili kahit pa may idinagdag na mga bagong salita.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, pinagbigyan ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang mga pinagsamang petisyon ng Starwood Hotels & Resorts Worldwide, LLC (Starwood) at isinantabi ang mga pasya ng Court of Appeals (CA) na nagpapahintulot sana sa pagpapatala ng mga marka ng Oceanic Empire Limited (Oceanic).

Naghain ang Oceanic ng aplikasyon para ipatala ang mga ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ na โ€œW GLOBALCENTERโ€ at โ€œW FIFTH AVENUEโ€ at nauna na nitong nakuha ang pagpapatala para sa โ€œW TOWER.โ€

Tinutulan ng Starwood, na siyang may-ari ng ilang rehistradong ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ na โ€œWโ€ para sa mga hotel at serbisyong panglibangan, ang mga aplikasyon at hiniling ang kanselasyon ng โ€œW TOWER.โ€ Katwiran nito, nakalilito ang pagkakatulad sa kanilang mga ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ ang mga marka ng Oceanic. Sinabi rin ng Starwood na makikinabang ang Oceanic sa kasikatan at reputasyon ng kanilang brand at maaari nitong iligaw ang publiko na maniwala na may kaugnayan sa Starwood ang negosyo ng Oceanic.

Sa pagpabor sa Starwood, ipinaliwanag ng Korte Suprema na naglalayong maiwasan ang kalituhan sa mga produkto at negosyo ang proteksiyon sa ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ. Tanging ang posibilidad lamang, hindi ang aktwal na patunay, ng kalituhan ang kinakailangan para sa proteksiyon sa ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ. Dapat suriin ang bawat kaso batay sa pagkakahawig ng mga marka at sa kaugnayan ng mga serbisyo.

Sa ilalim ng Dominancy Test, binibigyang-diin ang dominante o ang pinakatampok na katangian ng mga marka sa halip na ang mga maliliit na pagkakaiba.

Sa kasong ito, nagpasya ang Korte Suprema na ang titik โ€œWโ€ ang dominante o tampok na bahagi ng mga marka kapwa ng Starwood at Oceanic. Bagamat nakatala ang โ€œWโ€ ng Starwood bilang isang ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ, nilinaw nito na hindi maaaring angkinin ng Starwood ang mismong titik na โ€œWโ€ kundi ang natatangi at naka-istilong (stylized) bersiyon lamang nito.

Binigyang-diin nito na agad na mapapansin ng mga mamimili ang pagkakatulad ng mga markang โ€œWโ€ ng magkabilang panig. Pinanindigan nito na hindi nagpapabago sa katotohanan na pareho silang gumagamit ng iisang estilo na mukhang magkahawig sa paningin.

Inatasan ng Korte Suprema ang Direktor ng Bureau of Trademarks na isantabi ang aplikasyon ng Oceanic para sa pagpapatala ng ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ at pagbigyan ang petisyon ng Starwood para sa kanselasyon ng markang โ€œW TOWER.โ€

Basahin ang ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166975

Sumunod sa ๐˜Š๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ต๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


30/05/2026

Nagpasya ang na ang mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak, kanilang mga anak, at mga anak sa labas ng kasal ay maaaring ituring na โ€œgrossly abusive conductโ€ o labis na mapang-abusong pag-uugali sa ilalim ng Family Code at maaaring magsilbing batayan para sa legal separation.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinagbigyan ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon para sa legal separation na inihain ng isang asawa laban sa kanyang kabiyak matapos ituring na grossly abusive conduct sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang mga kilos nito.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2003 at nagkaroon ng dalawang anak. Pero nakaranas ang asawang lalaki ng ibaโ€™t ibang mapang-abusong pag-uugali mula sa kanyang kabiyak. Ayon sa kanya, kontrolado nito ang kanilang pananalapi at tumangging magbigay ng tulong pinansiyal kahit kailangan niyang magpagamot ng matinding sakit ng ngipin at sumailalim sa root canal procedure.

Sa isang salu-salo, sinabi umano ng kanyang kabiyak sa kanilang mga kaibigan na nais nitong putulin ang kanyang ari dahil hindi na sila nagtatalik. Inakusahan din niya ang asawa ng pagkukuwento tungkol sa kanya sa pamilya at mga kaibigan habang binabaluktot ang mga pangyayari para mapalabas siyang masama.

Tumanggi rin umano ang kanyang kabiyak na sumailalim sa marriage counseling, pinagbawalan siyang makipagkita sa kanyang mga kaibigan, minanipula ang kanilang mga anak para pilitin siyang magbigay ng mas malaking suportang pinansiyal, at nananatili ang โ€œcontrollingโ€ na ugali sa buong panahon ng kanilang pagsasama.

Pinagbigyan ng Regional Trial Court (RTC) ang petisyon para sa legal separation pero binaliktad ito ng Court of Appeals matapos nitong ituring na karaniwang alitan lamang ng mag-asawa ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pasya ng RTC at nilinaw na ang mga gawaing itinuturing โ€œgrossly abusive conduct,โ€ na isang batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code, ay kinabibilangan ng mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak o mga anak.

Binigyang-diin din ng Korte Suprema na kinakailangang suriin ng mga hukuman ang bawat kaso batay sa kani-kanilang mga pangyayari at ebidensiyang iniharap.

Bagaman hindi pinahihintulutan ng Family Code ang absolute divorce, maaaring legal na maghiwalay ang mag-asawa sa pamamagitan ng utos ng hukuman nang hindi napapawalang-bisa ang kanilang kasal. Hindi tulad ng deklarasyon na walang bisa ang kasal, ang legal separation ay hindi pumuputol sa bigkis ng pag-aasawa.

Kabilang sa mga batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang paulit-ulit na pisikal na pananakit o grossly abusive conduct laban sa asawa, kanilang anak, o anak ng asawa.

Dagdag pa ng Korte Suprema, ang interpretasyong ito ay naaayon sa tungkulin ng Estado sa ilalim ng Konstitusyon na pangalagaan ang kasal bilang pangunahing institusyong panlipunan.

Sa kasong ito, napag-alaman ng Korte Suprema na ang pinagsama-samang kilos ng asawa ay lumikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak. Napilitan umano ang asawa na palaging sumunod sa kagustuhan ng kanyang kabiyak, at nabigo rin ang kanyang mga pagsisikap na ayusin ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng counseling at iba pang mga hakbang. Pinagtibay rin ng mga testigo ang โ€œcontrollingโ€ na ugali ng asawa, na sumuporta sa konklusyon na may umiiral na mapanganib na kalagayan sa kanilang tahanan. Dahil dito, nagpasya ang Korte Suprema na may sapat na dahilan ang asawa para humiling ng reassignment sa ibang lalawigan para makalayo sa sitwasyon sa kanilang bahay.

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang legal separation at ibinalik ang kaso sa RTC para sa pagbuwag at paghahati ng ari-arian ng mag-asawa. Inatasan din nito ang RTC na magpasya ukol sa kustodiya at suporta para sa kanilang mga anak.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166927

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164913

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164917

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


18/05/2026

Nilinaw ng na ang mga rule o tuntunin ukol sa mga modifying circumstanceโ€”mga salik na maaaring magpababa o magpataas ng parusa sa krimenโ€”ay naaangkop sa mga kaso ng reckless imprudence resulting in homicide na kinasasangkutan ng mga sasakyang de-motor.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinagtibay ng En Banc ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala laban kay Noli Z. Ilon (Ilon) para sa reckless imprudence resulting in homicide pero ibinaba nito ang ipinataw na parusa dahil kusa siyang sumuko sa mga awtoridad.

Sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code (RPC), tumutukoy ang reckless imprudence sa paggawa ng isang kilos nang walang layuning manakit pero nagdudulot pa rin ng pinsala o pagkamatay ng iba dahil sa malinaw na kakulangan sa pag-iingat.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na inaasahan ang mga motorista na magmaneho sa makatwirang bilis na naaayon sa kondisyon ng kalsada at panahon lalo na kapag papalapit sa mga kanto. Sa kasong ito, inamin ni Ilon na hindi siya nagmenor kahit alam niyang papalapit siya sa isang kanto. Sa halip, lalo pa niyang binilisan ang takbo ng kaniyang sasakyan dahilan para mabangga niya ang trisikad na ikinamatay ni Lee de la Cruz.

Nilinaw rin ng Korte Suprema na dapat kilalanin ang kusang pagsuko ni Ilon bilang isang mitigating circumstance na nagpapababa ng kaniyang parusa. Ipinaliwanag nito na bagamaโ€™t karaniwang pinahihintulutan ng Article 365 ng RPC ang mga trial court na magtakda ng parusa nang hindi inilalapat ang mga tuntunin ukol sa mitigating at aggravating circumstances sa ilalim ng Article 64 ng RPC, hindi ito naaangkop kapag nagresulta ang reckless imprudence sa kamatayan na kinasasangkutan ng isang sasakyang de-motor. Kailangang sundin ang Article 64 sa ganitong mga kaso.

Sinuri rin ng Korte Suprema ang mga amyenda sa Article 365โ€”mula sa Act No. 3992 o Revised Motor Vehicle Law na ipinasa noong 1932 hanggang sa Batas Pambansa Blg. 398 na ipinasa noong 1983โ€”at natuklasang patuloy na pinanatili ng Kongreso ang probisyong nagbubukod sa mga kasong may pagkamatay dulot ng reckless imprudence na kinasasangkutan ng sasakyang de-motor mula sa karaniwang diskresyon na ibinibigay sa mga trial court. Nangangahulugan ito na kailangang ilapat ng mga hukuman ang Article 64 para matukoy ang wastong parusa.

Gayunman, napansin ng Korte Suprema ang isang hindi pagkakatugma: maaaring mapababa ang parusa sa pamamagitan ng mga mitigating circumstance ang reckless imprudence resulting in homicide na kinasasangkutan ng sasakyang de-motor. Samantala, nananatiling nakabatay sa diskresyon ng mga trial court ang mga kasong nagreresulta sa serious physical injuries o damage to property. Dahil nakita ng Korte Suprema na hindi makatarungan ang pagkakaibang ito, inatas nitong padalhan ng kopya ng Desisyon ang Pangulo, Senado, at House of Representatives para maipabatid sa mga kapantay nitong sangay ng pamahalaan ang naturang hindi pagkakatugma at para sa posibleng aksiyong lehislatibo.

Hinatulan si Ilon ng pagkakakulong ng hanggang dalawang taon at apat na buwan at inatasang magbayad ng PHP 629,883.45 bilang danyos sa mga naulila ni de la Cruz.

Sa kaniyang Sumasang-ayon na Opinyon, binigyang-diin ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na nagdulot ng mga hindi pagkakatugma sa batas penal ang paisa-isang pag-amyenda sa RPC. Nanawagan siya para sa pagsasama-sama ng lahat ng probisyong kriminal sa iisang komprehensibong kodigo para matiyak ang pagiging makatarungan, malinaw, at maayos na pagpapatupad ng hustisya.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166162.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166141.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

Poblacion, San Pablo, Isabela
San Mariano
3329

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CBSP Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share