09/09/2023
Ipinababatid po ng PrimeWater-SJDM na muli pong magkakaroon ng scheduled activity ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) sa September 12, 2023 (Martes) simula 11:00 ng umaga hanggang 7:00 ng umaga kinabukasan, September 13, 2023 (Miyerkules). Ito ay ang pagpapatuloy ng naunang proyekto ng nasabing ahensya noong nakaraang August 5, 2023.
Pansamantalang isasara ang MWSS Tunnel 3 na makakaapekto sa Bigte-Novaliches Aqueduct No. 6 (BNAQ6).
Dahil dito, pansamantalang mawawalan ng tubig sa buong Lungsod ng SJDM sa nasabing petsa at oras.
Asahan po ang unti-unting panunumbalik ng supply ng tubig na maaaring umabot ng September 14, 2023 para sa matataas at malalayong lugar. Maaari rin makaranas ng panandaliang paglabo ng tubig sa oras na manumbalik ang supply.
Inaabisuhan po namin ang aming mga konsesyonaryo na mag-ipon ng sapat na tubig na magagamit sa oras ng water interruption.
Manatiling nakaantabay sa aming FB page para sa mga karagdagang anunsiyo hinggil sa nasabing activity.