Atty. William B. Vizcarra

Atty. William B. Vizcarra Official Page of Atty. William B. Vizcarra
Municipality of Ramon, Province of Isabela

19/08/2026

45TH REGULAR SESSION
AUGUST 19, 2026
MUNICIPALITY OF RAMON, ISABELA

Committee on Agriculture Committee Hearing | August 3, 2026The Committee on Agriculture of the Sangguniang Bayan of Ramo...
05/08/2026

Committee on Agriculture Committee Hearing | August 3, 2026

The Committee on Agriculture of the Sangguniang Bayan of Ramon, Isabela conducted a Committee Hearing on the proposed ordinance regulating the management, utilization, and accountability of the tractors with rotavators owned by the LGU Ramon and awarded to various agricultural cooperatives.

The Committee also discussed the current concerns and challenges faced by the agricultural cooperatives to identify appropriate measures that will strengthen their operations and improve the delivery of agricultural services to our farmers.

The Committee remains committed to promoting accountability, good governance, and the sustainable development of the Municipality's agricultural sector.


Committee Hearing ng Committee on Ways and Means | Hulyo 28, 2026Nagsagawa ang Committee on Ways and Means ng Sanggunian...
29/07/2026

Committee Hearing ng Committee on Ways and Means | Hulyo 28, 2026

Nagsagawa ang Committee on Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Ramon, Isabela ng isang Committee Hearing upang talakayin ang mga panukalang amyenda at recalibration ng Revised Revenue Code of 2025, na naging epektibo noong Enero 1, 2026 at anim (6) na buwan nang ipinatutupad.

Sa pagdinig, inilahad ng mga pinuno ng iba't ibang revenue-generating departments ng Pamahalaang Bayan ang kanilang mga mungkahing pagbabago batay sa kanilang karanasan sa pagpapatupad at sa mga isyung lumitaw sa nakalipas na anim na buwan. Masusing sinuri ng Komite ang bawat panukala upang matiyak na ang anumang pagbabago sa Revenue Code ay magiging makatarungan, makatwiran, at higit na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga mamamayan, kasabay ng pagpapanatili ng kakayahan ng lokal na pamahalaan na makalikom ng sapat na pondo para sa mga programa at serbisyong pampubliko.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binati rin ng Tagapangulo ng Committee on Ways and Means ang mga pinuno ng mga revenue-generating departments sa kanilang dedikasyon at mahusay na paglilingkod na nagbunga upang ang Bayan ng Ramon ay mapabilang sa Top 7 na mga Munisipalidad sa Lalawigan ng Isabela na may pinakamataas na nakolektang kita para sa unang quarter ng taong 2026. Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang sipag, mahusay na pamamahala, at sama-samang pagsisikap na mapatatag ang pananalapi ng ating bayan.

Patuloy na naninindigan ang Committee on Ways and Means sa regular na pagsusuri at bukas na konsultasyon, hangad ng Komite na matiyak na ang ating mga lokal na batas ay nananatiling napapanahon, makatarungan, at kapaki-pakinabang para sa ating bayan.

Pagdinig ng Committee on Agriculture | Hulyo 25, 2026Nagsagawa ang sina Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan ng...
25/07/2026

Pagdinig ng Committee on Agriculture | Hulyo 25, 2026

Nagsagawa ang sina Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan ng Ramon, Isabela ng isang Committee Hearing upang talakayin ang kasalukuyang suliranin ng ating mga backyard hog raisers, partikular ang patuloy na pagbaba ng presyo ng bentahan ng mga buhay na baboy (liveweight).

Layunin ng pagdinig na marinig ang saloobin at mga mungkahi ng mga hog raisers at iba pang mga kinauukulan upang makabuo ng mga konkretong hakbang at naaangkop na mga polisiya na makatutulong sa pagpapanatili ng kanilang kabuhayan at sa pagprotekta sa industriya ng pag-aalaga ng baboy sa ating bayan.

Patuloy na nakikiisa ang Sangguniang Bayan sa paghahanap ng mga makatarungan at pangmatagalang solusyon para sa kapakanan ng ating mga magsasaka at mag-aalaga ng hayop.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas matatag at maunlad na sektor ng agrikultura sa Bayan ng Ramon.


Dumalo si Atty. William B. Vizcarra, Chairman ng Comittee on Agriculture, sa Technical Briefing on Balanced Fertilizatio...
20/07/2026

Dumalo si Atty. William B. Vizcarra, Chairman ng Comittee on Agriculture, sa Technical Briefing on Balanced Fertilization Strategy (BFS) bilang pagpapakita ng kanyang patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng makabagong pamamaraan ng wastong pagpapabunga upang mapataas ang ani, mapangalagaan ang kalusugan ng lupa, at mapabuti ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Patuloy ang kanyang pakikiisa at pakikipag-ugnayan sa mga programang naglalayong mapaunlad ang iba’t ibang sektor ng agrikultura ng ating bayan. 🌱🌾

Nakiisa si Atty. William B. Vizcarra, Chairman ng Committee on Agriculture, kasama ang mga opisyales ng Lokal na Pamahal...
14/07/2026

Nakiisa si Atty. William B. Vizcarra, Chairman ng Committee on Agriculture, kasama ang mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Ramon, sa pamamahagi ng ayuda para sa mga fisherfolks at fish cage operators na naapektuhan ng fish kill, na pinangunahan ng BFAR Regional Director Mr. Angel Encarnacion, Provincial Agriculturist Sir Sergio Galamgam at DSWD bilang patunay ng sama-samang pagkilos ng pambansa at lokal na pamahalaan upang maghatid ng tulong at suporta sa mga apektadong kababayan.

Kasabay ng pamamahagi ng ayuda, isinagawa rin ang isang “Public Dialogue” kasama ang mga fish cage operators at fisherfolks upang pakinggan ang kanilang mga karanasan, mungkahi, at mga suliraning kinakaharap. Ang mga impormasyong ito ang magsisilbing gabay sa pagbuo ng isang makatarungan at epektibong ordinansa na magbibigay ng mas maayos na pamamahala sa ating katubigan, pangangalaga sa kapaligiran, at mas matatag na kabuhayan para sa ating mga mangingisda.

Sa pamamagitan ng bukas na dayalogo at sama-samang pagkilos ng pamahalaan at ng sektor ng pangingisda, layunin nating makabuo ng mga pangmatagalang solusyon na tunay na makikinabang ang buong komunidad. 🐟💦


Nagpakita ng suporta si Atty. William B. Vizcarra, Chairman ng Committee on Agriculture, bilang kinatawan ng LGU-Ramon n...
13/07/2026

Nagpakita ng suporta si Atty. William B. Vizcarra, Chairman ng Committee on Agriculture, bilang kinatawan ng LGU-Ramon na pinamumunuan ni Mayor Giovanni M. Vizcarra, kasama si Mr. Jhimcelle Salvador na kinatawan ng Agricultural Training Institute (ATI)-OIC Regional Assistant Director, sa Pagsasanay sa Good Agricultural Practices (GAP) para sa mga Coconut Farmers bilang pagpapakita ng kanyang patuloy na suporta sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura. 🌴🥥

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng ating mga Coconut farmers sa wastong pamamaraan ng pagtatanim, pangangalaga, at pamamahala ng taniman upang mapataas ang ani, mapabuti ang kalidad ng produksyon, at maisulong ang ligtas at napapanatiling pagsasaka.

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at oportunidad sa ating mga magsasaka, sapagkat sa kanilang pag-unlad ay kasabay ng pag-unlad ng ating komunidad. 🌴

Nakiisa si Atty. William B. Vizcarra, Chairperson ng Committee on Agriculture, sa pamamahagi ng paunang tulong mula sa D...
10/07/2026

Nakiisa si Atty. William B. Vizcarra, Chairperson ng Committee on Agriculture, sa pamamahagi ng paunang tulong mula sa DSWD para sa ating mga mangingisdang naapektuhan ng fish kill. Patuloy nating aalalayan ang ating mga kababayang umaasa sa pangingisda at sama-sama nating ipinapakita na ang malasakit at pagkakaisa ang ating pinakamalakas na sandigan.

Sa bawat hamon, may pag-asang hatid ng pagkakaisa.


On behalf of LGU Ramon and Vizcarra Family, with heavy hearts, we bid farewell to a remarkable man, a cherished member o...
08/07/2026

On behalf of LGU Ramon and Vizcarra Family, with heavy hearts, we bid farewell to a remarkable man, a cherished member of the Four-Decade Duo, a devoted father, and a proud Ramonian.

Your music brought joy, your kindness touched countless lives, and your unwavering love for your family will always be remembered.

May your soul rest in eternal peace. Your legacy will forever echo in the hearts of your loved ones, friends, fellow Ramonians, and everyone blessed to have crossed your path.

You will be deeply missed but never forgotten, Tito Jun Seriales🙏

Address

Cristobal Street
Ramon
3319

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639364944846

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. William B. Vizcarra posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Atty. William B. Vizcarra:

Shortcuts

Share