22/02/2026
Lupa Serye 103
Atty. may binebenta po ako ng property bale rerentahan po niya tapos pwede niya bilhin pagkatapos niya mabayaran ang downpayment kasabay ng renta, nagrequest din po siya na iannotate sa titulo ang contrata at yung righ to purchase, tama po ba?
Lets discuss:
1. Contract to Sell - Ito ay isang kasunduan kung saan ang nagbebenta ay nangangakong ibebenta ang ari-arian sa bumibili, pero ang ownership (titulo) ay hindi lilipat hangga't hindi nababayaran nang buo ang napagkasunduang presyo.
Layunin: Direktang pagbili ng property sa pamamagitan ng installments.
Ownership: Nanatili sa seller ang titulo. Lilipat lang ito kapag full payment na at nakagawa na ng Deed of Absolute Sale.
Obligasyon: May obligasyon ang buyer na bayaran ang installments. Kung hindi makabayad, pwedeng ma-kansela ang kontrata (sa ilalim ng Maceda Law kung residential ito).
Downpayment: Karaniwang nangangailangan ng malaking downpayment sa simula.
2. Lease to Purchase (Rent-to-Own)
Ito ay isang contract of lease (arkila) na may kasamang "option" para bilhin ang property sa loob ng itinakdang panahon.
Layunin: Mag-arkila muna (rent) na may pagkakataong bilhin ang unit sa huli.
Ownership: Ang nakatira ay itinuturing na "lessee" o tenant (nangungupahan) lamang, hindi pa owner o buyer.
Option Period: Bibigyan ang tenant ng halimbawa ay 2 hanggang 5 taon para magdesisyon kung bibilhin ang property. Kung hindi niya binili pagkatapos ng term, mananatili itong arkila lang.
Rent Credit: Minsan, ang bahagi ng binabayarang renta ay ibinabawas sa kabuuang presyo ng bilihin kung itutuloy ang pagbili.
Ukol naman sa pagannotate sa titulo, pwede naman iannotate ang naturang transaksyon sa RD.
This is not a legal advice. For legal concerns, please send us a direct message.