05/05/2026
Ito yung pic na sinend ko sa client ko na nasa abroad now, para ipakita na nasa korte nako. Sa harap ng korte na yan, may hearing din ako. Tapos isa pa sa ibang floor at isa din sa kabilang building, sa RTC.
Pero dito ako naipit, kasi nakiusap si judge and yung mga staff, pati si piskal, na mag de officio ako kasi nasa seminar ang mga Public Attorney (lagi ko sinasabi ito sa mga vlogs ko sa Youtube). 4 cases ung nirelyebo ko.
So time is running quickly. Panay text ng client ko sa RTC, “hinahanap ka na ni judge Atty.” Sa totoo lang, umiikot na yung tumbong ko. Pero ayoko din pahindian si judge na magrelyebo muna ko para madismiss ang mga cases na pinapa handle saken kanina. Mga 80s na kaso pa kasi. May mga accused na umattend, mga lolo at lola na, kinatandaan na nila yung mga kaso. Yung ibang accused and complainant, kinamatayan na yung kaso.
Yung isang hearing ko, sabi ni judge “ok magset na tayo ng 8 hearings for this case”. Meaning, kakain pa ng ilang minuto saken lalo yan kasi mag aaggree pa kame ng kalaban sa mga dates na available kame. Walong dates ang dapat namin pag agreehan. Napilitan nako out of desperation, Sabi ko kay judge, “your honor can i request na sa next hearing na po yung other hearings kasi hinahanap na po ako sa RTC” buti mabait si judge at naintidihan nya ko. “Ah ok go go atty. Sige na”
“Atty. Tayo na lang po ang hinihintay.” takbo nako sa kabilang building. Hinahanda ko na yung apologetic dialogue ko kay judge kasi late ako talaga.
Pag pasok ko sa korte, nasa chamber si judge. Si Atty. BC tumayo agad para sabihin kay judge na dumating nako. Si piskal ang sumimangot saken, paktay ako. “Atty. Where have you been? Next time wag ganyan kasi madami din kaming need gawin.” Panay ang sorry ko kay piskal syempre. Pag pasok ni Judge, all smiles si judge. “Ok call the last case”
“Your honor my sincerest apologies to the honorable court and to my idol distinguished public prosecutor”
Kita ko na si piskal tawa ng tawa, “judge binobola lang ako niyan ni Atty..” ayun ok na si piskal. Pero tuloy ang laban namen, cross examine ako sa witness niya, redirect siya, recross ako. Seryoso kame, walang galit, wala din tawanan.