Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo - Sentra

Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo - Sentra A non-government institution that provides free legal services to farmers, fisherfolks, and indigenous peoples

Maligayang Kaarawan sa aming mahusay na volunteer lawyer, Atty. Nina! Patuloy sa paglilingkod at pakikibaka hanggang sa ...
18/03/2026

Maligayang Kaarawan sa aming mahusay na volunteer lawyer, Atty. Nina!

Patuloy sa paglilingkod at pakikibaka hanggang sa tagumpay!

Ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, kaisa ang Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA) sa pan...
08/03/2026

Ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, kaisa ang Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA) sa panawagang VAT Tanggalin! Korap Panagutin!

Ang mga panawagang ito ay umuugat sa mahabang karanasan ng kababaihan sa patung-patong na kahirapang dinaranas sa lipunan.

Sa kanayunan, ramdam na ramdam ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin, utilities, at ang dagdag pahirap na 12% VAT. Ang gastos ng produksyon ng bigas ay umaabot na sa mahigit Php 60,000 at ang malaking salik dito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Dagdag pa rito ay ang barat at hindi makataong presyo ng palay na sumasadsad na sa Php 10- 20 kada kilo lamang. Bunsod ito ng patuloy na liberalisasyon sa agrikultura at pagpapabaya ng gobyerno sa ating lokal na produksyon.

Sa kabila ng lahat ng danas na ito ng mga magsasaka, laluna ng mga kababaihang magsasaka na nangunguna sa pagbabadyet at pagtataguyod ng kanilang pamilya, walang nakasasapat na suporta ang gobyerno para sa kaliwa't kanang gastusin at pasanin ng kababaihang anakpawis. Sa totoo lang, kinukurakot pa ng gobyerno ang buwis ng mamamayan. Sa halip na ilaan ito sa mga basic social services, subsidyo at suporta sa agrikultura, ibinubulsa ito ng mga buwaya sa pangunguna ng amo nilang si Marcos Jr.

Kaya hindi na kataka-kataka na ang mga kababaihang anakpawis ay nag-oorganisa at kumikilos laban sa mga anti-mamamayan at anti-kababaihan na mga polisiyang nagbabaon lalo sa kanila sa kahirapan.

Ngunit sa kabila ng pagigiit ng kababaihan at mamamayan para sa kanilang demokratikong karapatan ay patuloy ang pasismo ng estado. Sa kasalukuyan ay mayroong 135 na babaeng bilanggong pulitikal na nasa piitan dahil sa mga gawa-gawang kaso na isinampa sa kanila. Makikita natin na pilit pinatatahimik ng estado ang mga kababaihang mulat at nais ng tunay na pagbabago.

Kaya ang hamon sa atin ngayong Marso 8, laluna sa mga kababaihan, na palakasin at palawakin pa ang hanay ng mga kababaihan, magsasaka, at mamamayang lumalaban. Paigtingin ang kampanya laban sa dagdag pahirap na VAT! Panagutin lahat ng kurakot, mula sa baba hanggang sa tuktok!

Happy Birthday sa aming mahusay at masipag na Executive Director, Atty. Zoe Caballero!
02/03/2026

Happy Birthday sa aming mahusay at masipag na Executive Director, Atty. Zoe Caballero!

LAYA NA SI KA LINO AT KA W***Y.Ngayong araw ay ganap ng nakalaya ang political prisoners at farmer leaders na sina Lino ...
02/03/2026

LAYA NA SI KA LINO AT KA W***Y.

Ngayong araw ay ganap ng nakalaya ang political prisoners at farmer leaders na sina Lino Baes at W***y Caparaño matapos ang halos anim na taong pagkakulong sa gawa-gawang kasong illegal possession of explosives and fi****ms.

Si Ka Lino at Ka W***y ay mga lider magsasaka ng Southern Tagalog. Inakusahan silang mga leaders ng NPA ng military at pulis at tinamnam ng baril at granada.

Noong February 27, ngayong taon, ang Regional Trial Court, Branch 60, Lucena City ay nagpawalang bisa ng kanilang kaso matapos nitong paboran ang Demurrer to Evidence nila Ka Lino at Ka W***y.

Maituturing itong tagumpay subalit hindi nito mapawi ang inhustisyang dinanas ni Ka Lino at Ka W***y.

Halos anim na taong silang nakulong dahil sa walang saysay na kaso at pangingipit ng estado.

Si Ka Lino at Ka W***y ay hindi mga kriminal. Sila ay walang mga kasalanan. Subalit dahil sa kanilang paglaban sa inhustisyang panlipunan na dinaranas ng mga magsasaka, sila ay ginipit, at kinulong.

Hindi kasalanan at hindi krimen ang tumulong sa mga magsasaka.

Hindi kasalanan at hindi krimen ang ipaglaban ang karapatan sa lupa, kabuhayan, at hustisyang panlipunan!

Kaya kami sa Sentra ay handang tumulong sa mga tulad ni Ka Lino at Ka W***y.

Ipaglaban ang tunay na repormang agraryo!

Lupa para sa mga magsasaka!

Palayain ang mga bilanggong pulitikal!

Pagbasura sa kaso laban kay Pao Colabres - Tagumpay ng masang anakpawis!Malugod na sinasalubong ng Sentro para sa Tunay ...
01/03/2026

Pagbasura sa kaso laban kay Pao Colabres - Tagumpay ng masang anakpawis!

Malugod na sinasalubong ng Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA) ang pagbasura sa kasong "Obstruction of Justice" na isinampa kay Paolo Colabres noong Agosto 2020.

Inaresto si Paolo madaling araw ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) noong Agosto 11, 2020, habang masugid na nagbabantay laban sa mga iligal na aksyon ng kapulisan sa bangkay ni Ka Randy Echanis tulad ng pag-delay at pagkakait sa karapatan ng mga kapamilya na makita at makuha ang bangkay ni Ka Randy.

Matataandang si Paolo ay nagsilbing paralegal matapos brutal na paslangin ang Anakpawis Party-list President na si Randall “Ka Randy” Echanis noong Agosto 10, 2020.

Malinaw sa desisyon ng korte na walang batayan ang pagkulong at isinampang kaso kay Paolo. Ito ay isang matibay na halimbawa ng panggigipit at paniniil ng estadong walang paggalang sa karapatang pantao.

Sa kabila ng tagumpay na ito, marapat lang na paigtingin natin ang ating paglaban para sa tunay na kalayaan at demokrasya. Napakarami pang bilanggong pulitikal na nasa piitan dulot ng mga gawa-gawang kaso na isinampa sa kanila ng estadong takot sa mamamayang lumalaban.

Magsilbi nawa itong dagdag inspirasyon sa paglaban para sa pagpapaigting ng kampanya para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal at mga magsasakang pinagkakaitan ng kanilang karapatan sa lupa.

Ngayon higit kailanman ay mas malaki ang pangangailangan ng mamamayan na mag-organisa at kumilos. Sa huli, makakamit lamang ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mamamayan laban sa karahasan at pagpapahirap ng estado.

Free all political prisoners!
Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!
Tuloy ang laban!


Maligayang kaarawan kay Alex Labado, ang National Legal Coordinator ng SENTRA!Salamat sa iyong walang humpay na paglilin...
27/02/2026

Maligayang kaarawan kay Alex Labado, ang National Legal Coordinator ng SENTRA!

Salamat sa iyong walang humpay na paglilingkod sa uring magsasaka at patuloy na pagsulong ng tunay na repormang agraryo!✊🌾

Happy birthday to Sentra warrior-lawyer Atty. Abegail Joy Landicho Aman!Thank you for your service to our farmes and the...
25/02/2026

Happy birthday to Sentra warrior-lawyer Atty. Abegail Joy Landicho Aman!

Thank you for your service to our farmes and the oppressed and marginalized.

Continue being one of the best lawyers that money cannot buy!

Padayon!

15/01/2026

PANOORIN:

Mensahe ni Amanda Echanis, kasama si Atty. Zoe Caballero ng Sentra, sa kanyang paglaya matapos ang higit limang taong pagkapiit sa kulungan dahil sa mga gawa-gawang kaso isinampa sa kanya.

Buong lakas na nagpapaabot ang SENTRA ng pagpupugay sa mga pesante, kababaihan, peasant advocates, at sambayanang Pilipino na walang humpay na nangampanya para sa pagpapalaya ni Amanda Echanis.

Ang kanyang paglaya at pagbabasura ng mga gawa-gawang kaso na isinampa sa kanya ay isang patunay na hindi kailanman mananaig ang pandarahas ng reaksyunaryong estado sa mamamayang walang ibang nais kundi makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya.

Sa kabila ng tagumpay na ito, kailangan ipagpatuloy ng laban para palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal na patuloy na pinagkakaitan ng kanilang karapatan at panagutin ang estadong pilit na pinapatahimik ang mamamayang api.

Ang paglaya ni Amanda ay binhi ng umiigting na paglaban ng mga pesante, kababaihan, at mamamayan para sa lupa at hustisya.

Bilanggong pulitikal, palayain!
Defend peasant women!

15/01/2026

"Amanda had no actual or constructive possession of the firearm and the explosive. Witnesses testified that she was holdng her son while the searching team conducted the search. The sack where the fi****ms and the hand gr***de was not found in her possession or the room where she was staying."

https://kodao.org/on-the-acquittal-of-amanda-echanis/

JUSTICE PREVAILED!We at Sentra, the counsel of Amanda Echanis welcome her acquittal of the crimes of illegal possession ...
14/01/2026

JUSTICE PREVAILED!

We at Sentra, the counsel of Amanda Echanis welcome her acquittal of the crimes of illegal possession of firearm and explosive. Amanda has spent five years behind bars due to charges widely condemned by rights advocates as fabricated and politically motivated. This ruling affirms what Sentra, several people’s organizations, and legal rights defenders have long asserted: that she is innocent of the crimes charged against her, that the cases were fabricated, and the supposed evidence were planted. Amanda should not have been deprived of liberty on the basis of unsubstantiated accusations or evidence of questionable integrity.

The prolonged detention of Amanda on allegations linked to state security forces reflects a disturbing pattern that undermines due process, erodes public trust in institutions, and chills legitimate dissent. While we recognize the court’s decision as a crucial step toward justice, we emphasize that true accountability requires a broader review of the circumstances that led to this wrongful prosecution and detention.

We call on authorities to ensure that similar cases are re-examined with urgency, that any officials responsible for abuse of power are held accountable, and that policies enabling the weaponization of the justice system against human rights defenders are dismantled.

The acquittal of Amanda is a victory for justice, but it must also serve as a reminder: defending human rights and serving the farmers, the poor, and the oppressed is not a crime. The government must guarantee that activists, community leaders, and advocates can continue their work without fear of harassment, surveillance, or arrest.

We stand in solidarity with all those who continue to struggle for human rights, social justice, genuine freedom and democracy, and accountability.

May bagong mga abugado na naman ang Sentra! Mabuhay
07/01/2026

May bagong mga abugado na naman ang Sentra! Mabuhay

Last December 13, Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo - Sentra had its Board Meeting and Christmas Party!After ser...
15/12/2025

Last December 13, Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo - Sentra had its Board Meeting and Christmas Party!

After serving for more than 20 years as Executive Director of Sentra, Atty. Jobert Pahilga officially turned over the position and welcomed Atty. Zoe Caballero as Sentra’s new Executive Director, while Atty. Pahilga remained as Chair of its Board of Trustees.

During the Board Meeting, Sentra’s Board of Trustees- Dr. Romeo Quijano; Dr. Chito Medina; Dr./Prof. Marion Tan; Dean Lito Manalili; Father Holgado Te Ravida; Prof. Revelation Velunta; Former Congressman and Pamalakaya Chair Fenando Hicap Andy Hicap, Sentra’s Vice Chair of the Board; Atty. JS Sanchez, Board Treasurer; Atty. Cesar Arellano, Board Secretary; and Sentra’s Executive Officers - Atty. Luchi Perez, its Deputy Executive Trustee; Atty. Phoebellyn Carreon, its Auditor; Xela Red Alexander Labado, National Legal Coordinator; with Sentra core of lawyers Atty. Aji Aman and Atty. Kath Vera - reaffirmed their commitment to continue serving the poor and the oppressed farmers, the indigenous peoples and fisherfolk though Sentra’s various programs.

Also discussed in the Board meeting are the accomplishments, missed opportunities, challenges, and plans of Sentra for 2026 onwards.

The Board meeting was graced by Hon. Antonio Tinio of Act Teachers Partylist. Cong. Tonchi discussed Burukarata Kapitalismo: Krisis ng Estado in relation to the massive corruption in the government.

Also present in Sentra’s Board meeting is Sentra’s Adviser - former Anakpawis Congressman and DAR Secretary Ka Paeng Rafael Mariano and Sentra’s volunteers, friends and allies.

Address

Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo - Sentra posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

What is SENTRA?

Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo Inc. (SENTRA) or Center for Genuine Land Reform is an institution established in 1989 rendering legal services to the broad peasantry (farmers, fisher folks, indigenous people) confronting agrarian, land related, and other legal problems. The high-profile land case of Hacienda Luisita is handled by SENTRA.

The organization operates nationwide with retainer lawyers and paralegals. As an institution for the broad peasantry, it derives its fund from the contribution of the peasants they are serving.