Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan

Call Directions Contact the business

Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan SANDIGAN is a grassroots organization of domestic workers, families, and advocates. SANDIGAN PH Office: 4 Oxford St, Cubao, Quezon City (UCCP Cubao)

Naganap kanina ang konsultasyon sa mga opisyales ng balangay sa Taguig. Nagkaroon ng talakayan sa mga isyus na kinakahar...
10/10/2026

Naganap kanina ang konsultasyon sa mga opisyales ng balangay sa Taguig. Nagkaroon ng talakayan sa mga isyus na kinakaharap ng mga OFWs at plano para sa nalalapit na asembliya ng Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan sa Nobyembre 2026.

Nagagalak kami na naging bahagi ng Church and Migrant advocates para sa mahigpit na tulungan sa pagbibigay ng serbisyo s...
09/10/2026

Nagagalak kami na naging bahagi ng Church and Migrant advocates para sa mahigpit na tulungan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga OFW at migranteng Pilipino sa labas ng bansa.

09/10/2026
Nakiisa ang Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan sa pagkilos  sa ikatlong taon pag alala sa mga nasawi partikular sa ka...
07/10/2026

Nakiisa ang Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan sa pagkilos sa ikatlong taon pag alala sa mga nasawi partikular sa kababaihan at mga bata sa gera ng US- Israel sa bansang Palestine.

Itigil ang gerang agresyon ng US!
US troops out now!

Usapang migrante sa Tanay Rizal na inorganisa ng Sandigan kasama ang Harris Memorial College at dinaluhan ng dating OFWs...
03/10/2026

Usapang migrante sa Tanay Rizal na inorganisa ng Sandigan kasama ang Harris Memorial College at dinaluhan ng dating OFWs mula sa ibat ibang brgy.

Nagkaroon ng mabungang talakayan kaugnay sa kalagayan ng migrante at pag alam sa karapatan at kagalingan ng mga migrante sa loob at labas ng bansa.

Nakapagbahagi din ang mga dumalo ng kanilang mga karanasan noong sila ay nasa labas ng bansa. Isa sa tumampok na usapin ay kung sana nga ay mayroon trabaho dito sa Pilipinas hindi nila nanaiisin na mahiwalay sa kanilang pamilya at matagal silang naging OFW (5 years to 16 years) ngunit wala silang nakuhang benepisyo kahit malaki ang kanilang naiambag sa ekonomiya ng Pillipinas.

Nagkaisa sila na buuin ang kanilang samahan para makatulong sila sa iba pang mga kapwa OFW sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman at sama samang pagkilos.

Mahigpit at mainit na yakap kaming sinalubong ni MaryJane Veloso, nanay Celia at Tatay Cesar    sa aming pagkikita upang...
01/10/2026

Mahigpit at mainit na yakap kaming sinalubong ni MaryJane Veloso, nanay Celia at Tatay Cesar sa aming pagkikita upang makiisa sa pagtitipon upang pasalamatan ang lahat ng mga sumuporta mula sa umpisa ng kanyang kampanya noong April 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Ang laban ni Maryjane ay laban ng sambayanan lumalaban para sa kapakanan ng mga migranteng pilipino.

Trabaho sa Pinas, hindi sa labas!
Labor export program, ibasura!

28/09/2026

Pakikiramay sa naiwang pamilya ni OFW Fatima.

Nanawagan kami na magkaroon ng masusing imbestigasyon lalo na ang kanyang employer at recruitment agency na nagpaalis sa kanya. Dapat silang mapanagot sa pagkamatay ni OFW Fatima.

Hangga't may labor export program na tinataguyod ng gobyerno maraming Fatima pa rin mangangarap na mangibang bayan, umaasang ang pag aabroad ang aahon sa kanila sa kahirapan katulad ng nangyari kay Julibee Ranara, JennIfer Alvarado at marami pang OFWs na hindi pinalad at malamig na bangkay ng iniuwi sa ating bansa.

Nangangarap kami ng isang lipunag kailanman hindi na kailangan maghiwalay para lang mabuhay.

Hustisya sa lahat ng biktima ng karahasan!
Proteksyon hindi koleksyon!
Trabaho sa Pinas hindi sa labas!
Sahod itaas,presyo ibaba!

Kuhang larawan sa inilunsad na citizen journalism workshop  kasama ang Altermedia at inimbihan din si Cathy Estavillo ng...
28/09/2026

Kuhang larawan sa inilunsad na citizen journalism workshop kasama ang Altermedia at inimbihan din si Cathy Estavillo ng AMIHAN para idiskas ang PAX SILICA, magiging epekto nito sa Pilipinas.

Sa aktwal na pagsasanay, ikinongkreto dito ang isyu ng pax silica kaugnay sa kawalan ng trabaho, pagkawing sa isyu ng mga migrante- hindi pax silica ang sagot sa LEP at ang magtatatlong taon ng nawawalang OFW na si Divina Yap sa Saudi Arabia.

Katuwang si Ms. Kat ng Asia Pacific Mission for Migrants (APMM), ipinaliwanag niya any background ng citizens journalism at ang nabuong website ang Sama-sama, sangha sangha. Layunin ng pagtitipon lalo na sa mga dumalo na makapag ambag ng mga kwentong OFW, isyu sa kanilang komunidad, magamit ito para sa propaganda sa social media at panghuli regular na makapag ambag Sama-sama Sangha-sangha website.

Mula sa Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan nagpapasalamat kami sa lahat ng mga dumalo sa ginanap na pagsasanay hinggil sa journalism.

Trabaho sa Pinas,hindi sa labas!
Sahod itaas, presyo ibaba!
Pax Silica, hindi sagot sa LEP!
Reject Pax Silica!
Lupa para sa magsasaka!

26/09/2026

Address

4 Oxford Street , Cubao
Quezon City

Telephone

+639352536515

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan:

Shortcuts

Share