MetrilLaw

MetrilLaw Be informed. Know your law. This is a page which aims to inform the public about any Philippine Laws and Jurisprudence, that may affect our way of life.

17/10/2023

53 Followers, 177 Following, 4 Likes - Watch awesome short videos created by reynaldobhernandez

17/05/2023
21/07/2019

PAANO MAG-APPLY NG "PROTECTION ORDER" AT SAAN MAG-AAPLY?
ABANGAN SANG SUSUNOD NA SIPI NG "VAWC"
DITO LANG SA METRILLAW

21/07/2019

VIOLATION AGAINST WOMEN AND CHILDREN (VAWC)
PART V
TANONG : ANO ANG “PROTECTION ORDER” SA ILALIM NG RA 9262 (VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN)?
SAGOT : Ang “Protection Order” ay isang Utos na nagmumula sa Husgado na ang layunin ay mapigilan ang gawaing karahasan sa kababaihan at kanilang anak sang-ayon sa itinatadhana sa Section 5 ng Republic Act 9262. Ang lunas na ibinibigay ng nasabing Utos ay nagsisilbing proteksyon sa biktima at anak nito upang matigil ang pang-aabuso sa mga ito, mabawasan ang pagkagambala sa pang-araw-araw na pamumuhay ng biktima, at mapabilis and kakayahan nito na magkaroon ng kalayaang makontrol ang sariling buhay.

TANPONG : SINO NAMAN ANG NAATASANG MAGPATUPAD NG NASABING PAG-UUTOS?
SAGOT : Ang mga ahensya ng gobyerno na tagapag patupad
ng batas kagaya ng Pulis at NBI.

TANONG : ILANG KLASE NAMANG MAYROON ANG PROTECTION ORDER?
SAGOT : Ang Protection Order ay mayroong tatlong (3) klase:
a) Barangay Protection Order (BPO);
b) Temporary Protection Order (TPO); at
c) Permanent Protection Order (PPO).

TANONG : ANO-ANONG MGA PROTEKSYON ANG IBINIBIGAY
NG BATAS SA MGA KABABAIHAN AT ANAK NITO?
SAGOT : Ang mga proteksyon na pwedeng ibigay ng Utos ng husgado ay alinman sa mga sumusunod o ang lahat ng mga ito:

a) Pagbabawal sa inirereklamo na takutin ang biktima na gagawin sa kanila, o gawin ng sarili o sa pamamagitan ng ibang tao ang mga paglabag na itinatadhana ng batas sa Section 5 ng RA 9262;

b) Pagbabawal sa inirereklamo na harasin, inisin, tawagan, makipagkita o makipag-usap sa nagrereklamong biktima ng tuwiran o sa pamamagitan ng ibang tao;

c) Pag-aalis o paghihiwalay ng inirereklamo sa nagrereklamong biktima sa kanyang tinitirhan kahit kahit pansamantala lang na may layuning protektahan ang biktima o pangmatagalan kung walang ari-ariang nasasangkot at kung ang biktima ay kailangang alisin ang personal na gamit ng biktima sa kanyang tinitirhan ang hukuman ay uutusan ang tagapag-patupad ng batas na samahan ang biktima na kuning ang kanyang mga gamit at ihatid palabas sa tinitirhang bahay patungo sa bago nitong tirahan;

d) Utusan ang nasasakdal na huwag lumapit sa biktima o sa mga taong miyembro ng pamilya nito na binabanggit sa Utos sa distansyang itinatakda ng husgado at huwag pumunta sa bahay, eskwelahan, pinapasukang trabaho o mga lugar na madalas piuntahan ng biktima o ng mga ahit sino pa ang nagmamay-ari nito miyembro ng pamilya nito na binabanggit sa Utos;

e) Ipag-utos na hayaang gamitin ng biktima ang sasakyang ginagamit nito at mga pangunahing personal na gamit kahit sina pa ang nagmamay-ari nito at utusan ang tagapagpatupad ng batas na samahan sa tirahan nito upang mapangalagaan ang kaligtasan nito at maibalik ang sa kanyan ang dating gamit nito at pangasiwaan ang paglilipat ng mga gamit ng biktima o kaya ay ng nasasakdal;

f) Ipag-utos ang pansamantalang kustudihiya ng anak o mga anak ng biktima sa kanya;

g) Utusan ang akusado na suportahan ang biktima at anak nito kung nararapat bigyan ng sustento. Kahit na may ibang batas tungkol dito, ang Husgado ay pwedeng mag-utos na tanggalan ng karampatang porsiyento ang sahod ng akusado sa kanyang pinapasukang trabaho at direktang ibigay sa biktima. Ang hindi pagbibigay o pag-antala sa pagbibigay ng sustento sa biktima o anak nito ng walang legal na dahilan ay tahasang paglabag sa Utos ng husgado at maaaring managot ang nahahabla o may-ari ng pinapasukan nitong trabaho ng pagsuway sa utos ng husgado at maparusahan tungkol dito;

h) Pagbabawal sa akusado na gumamit of magdala ng baril o anumang sandatang nakamamatay at utusan itong isurender ang mga ito sa husgado para sa karampatang pagpapasya kasama na dito ang pagreboka ng lisensya at pagbabawal na mag-apply ng lisensya o pagdadala ng baril. Kung ang akusado ay isang tagapag-patupad ng batas (Pulis, NBI Agent etc.) ang husgado ay ipag-uutos na isurender nito ang kanyang baril at utusan nakatataas na awtoridad na imbestigahan ang sasabing akusado at magpataw ng kaukulang parusa tungkol dito;

i) Pagbabayad ng aktuwal na danyos sa biktima sa paglabag sa karapatan nito alinsunod sa itinatakda ng Section 5, RA 9262 kasama na dito any pagkasira ng ari-arian, gastos sa pagpapagamot sa biktima at pagkawalan ng kita dahil sa pang-aabuso;

j) Utusan ang Department of Social Welfare and Development (DSSD) o sinumang ahensya ng gobyerno na bigyan ang biktima ng pansamantalang pangangailangan; at,

k) Probisyon na sa tingin ng husgado ay nararapat para maproteksyunan ang kaligatasan ng biktima o sinumang binabanggit sa Utos na miyembro ng pamilya ng biktima basta’t may pagsang-ayon ang mga ito.

Ang anuman sa mga lunas na ibinibigay ng Protcction Order ay pwedeng ibigay kahit walang hatol ng Legal na Paghihiwalay o hatol ng Pagpapawalang –bisa ng kasal ng mag-asawa.

Ang aplikasyon para sa Barangay Protection Order (BPO) kahit na nakabimbin pa lang ito ay hindi hadlang upang manghingi sa husgado ang biktima ng Pansamantalang Protection Order (TPO) o Permanenteng Protection Order (PPO).

TANONG : SINO NAMAN ANG PWEDENG MAG-APPLY NG PROTECTION ORDER?
SAGOT : Ang mga sumusunod ay pwedeng mag-apply o mag-file ng Protection Order:

a) Ang biktima;
b) Magulang o tumatayong magulang ng biktima;
c) Nakatatanda (ascendants) o nakababatang (descendants) malapit na kamag-anak ng biktima;
d) Opisyales ng DSWD o Social Workers ng Local Government Unit (LGU’s);
e) Opisyal ng kapulisan partikular yung nakatalaga sa “Women’s and Children’s Desk”;
f) Punong Barangay o Barangay Kagawad;
g) Abogado, Tagapayo, Therapist o HealthCare Provider ng biktima;
h) Dalawa (2) o higit pa na responsableng mamamayan sa lugar na kung saan ang pang-aabuso sa biktima ay nangyari basta’t may personal silang kaalaman sa nangyaring pang-aabuso.

TANONG : SAAN NAMAN PWEDENG MAG-FILE NG PROTECTION ORDER?
SAGOT : Kung ang hihingin ay Barangay Protection Order (BPO) ito ay dapat i-file sa barangay na sumasakop sa lugar na pinangyarihan ng pang-aabuso sang-ayon sa itinatadhana ng Setion 409 ng Local Government Code.

Kung ang hihingin ay Pansamantalang Protection Order (TPO) o Permanenteng Protection Order (PPO) ito ay dapat i-file sa Regional Trial Court, Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court, Municipal Circuit Trial Court na sumasakop sa lugar na tintirhan ng biktima. Subalit kung may Husgadong Pampamilya (Family Court) sa lugar na tinitirhan ng biktima, ito ay dapat i-file sa naturang Husgadong Pampamilya.

29/06/2019

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN (VAWC)
Part IV
TANONG: ANO ANG KAPARUSAHAN SA PAGLABAG SA NASABING BATAS?
SAGOT :
1. Sa pagtatangka, nabigo, o naisakatuparang pagpatay o pagputol ng anumang bahagi ng katawan nito sa asawa, anak o kinakasama o sa babaeng karelasyon o nakarelasyon o sa anak nito ang parusa ay sang-ayon sa isinasaad sa Kodigo Penal;

2. Kung ang pananakit ay nagresulta ng malubhang pagkasugat na tatagal ng mahigit isang (1) buwan, ang parusa ay pagkabilanggo ng hindi bababa sa anin na taon at isang araw at hindi lalagpas sa labindalawang (12) taong pagkabilanggo;

3. Kung ang pananakit ay nagresulta ng hindi kalubhaang pagkasugat na tatagal ng mahigit sampong (10) araw at hindi lalagpas ng isang (1) buwan, ang parusa ay hindi bababa sa anim (6) na buwan at isang (1) araw at hindi naman lalagpas sa anim (6) na taong pagkabilanggo;

4. Kung ang pananakit ay nagresulta sa bahagyang pagkasugat lamang na tatagal ng hindi lalagpas ng siyam (9) na araw, ang kaparusahan ay hindi bababa sa isang (1) buwan at isang (1) araw at hindi naman lalagpas sa anim (6) na buwang pagkabilanggo;

5. Sa pagbabantang sasaktan ang biktima o ang anak nito, ang parusa ay dalawang (2) grado na mas mababasa sa ipinapataw ng batas sa krimeng pagpatay o pagputol nang anuman bahagi ng katawan sang-ayon sa Kodigo Penal ngunit hindi bababa sa isang (1) buwan at isang (1) araw hanggang anim (6) na buwang pagkabilanggo;

6. Sa pagtatangkang saktan o nabigong pananakit sa biktima o anak nito o kaya ay sa paglalagay sa panganib na masaktan ang mga ito, ang parusa ay hindi bababa sa isang (1) buwan at hindi hihigit sa anim (6) na buwang pagkabilanggo;

7. Sa pagtangka o pagpilit sa biktima o anak nito na gumawa ng mga bagay na may karapatang silang tangihan, o huwag gawin ang mga bagay na may karapatan silang gawin, o limitahan o tangkaing limitahan, ang biktima o anak nito sa malayang pagkilos sa pamamagitan dahas o pananakot na sasaktan o kaya ay pananakot sa biktima o anak nito, ang parusa ay hindi bababa sa anim (6) na taon at isang (1) araw at hindi namn lalagpas sa labingdalawang (12) taong pagkabilanggo;

8. Sa paggawa ng mga bagay, o sa kapabayaan, o pamamagitan ng ibang tao ay gawin ang mga bagay, na magdudulot ng matinding pagkabahala sa pag-iisip ng biktima o anak nito kagaya ng mga sumusunod o kahalintulad nito:

a. Pagmamanman o pagsunod-sunod sa biktima o anak nito sa pribado a pampubliko mang lugar;
b. Paninilip sa bintana o pag ali-aligid sa bahay ng biktima;
c. Pagpasok o pananatili sa bahay ng biktima ng wala itong pahintulot;
d. Pagsira ng mga ari-arian o personal na bagay o pananakit sa alagang hayop ng biktima o anak nito;
e. Paggawa ng anumang uri ng panggigipit (harassment) o pananakit;

ang parusa ay pagkabilanggo ng hindi bababa sa anim (6) na taon at isang (1) araw at hindi naman lalagpas sa labindalawang (12) taon.

9. Sa paggawa ng mga bagay na nagdudulot ng pagdurusa ng isipan (mental anguish), panghihiya sa publiko (public ridicule) o paulit-ulit na panghihiya at pang-aabuso ng damdamin o emosyon at ang hindi pagbibigay o pagkakait sa biktima o anak nito ng suportang pinansyal o kaya ay pagkakait sa kustodya ng menor de edad na anak nito, ang kaparusahan ay pagkabilanggo ng hindi bababa ng anim (6) na taon a isang (1) araw at hindi naman hihigit sa labindalawang (12) taon.

Kung ang kasalanan ay ginawa samantalang ang biktima ay buntis o ginawa sa harap ng kanyang anak, ang parusa ay iyung pinakamabigay sa ipinapataw ng batas para sa nasabing krimen.

Karagdagang parusa sa nagkasala ay: a) pagbayarin ito ng multang hindi bababa sa Isang Daang Libong (P100,000.00) Piso at hindi naman hihigit sa Tatlong Daang Libong (P300,000.00) Piso ; at, b) Utusan ang nagkasala na magpasuri sa isang Psychologist (mandatory psychological counselling) o sumailalim isang gamutang pagkaisipan (Psychiatric treatment) at ipagbigay alam sa husgado ang pagtalima sa kautusang ito.

TANONG : ANONG KORTE NAMAN ANG MAY ORIHINAL AT EKSKLUSIBONG KAPANGYARIHAN NA DINGGIN ANG USAPIN NA MAY KAINALAMAN SA “VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN” O “VAWC”
SAGOT :
Ang Regional Trial Court na inatasan bilang Family Court na sumasaklaw sa lugar na pinangyarihan ng nasabing paglabag sa naturang batas.

07/06/2019

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN(VAWC)
PART III

TANONG: ANO ANG MGA AKTO O GAWAIN NA PINARURUSAHAN NG
“VAWC” (BATAS PAMBANSA BLG. 9262)
SAGOT:
1. Pisikal na pananakit sa biktima o anak nito;

2. Bantang pananakit sa biktima o anak nito;

3. Tangkang pananakit sa biktima o anak nito;

4. Paglalagay sa biktima o anak nito sa panganib na masaktang pisikal.

5. Tangkain o pilitin ang biktima o kanyang anak na gumawa ng mga bagay na may karapatan silang huwag gawin o pigilan ang mga ito na huwag gawin ang mga bagay na may karapatan silang gawin.

6. Tangkaing pigilan o pigilan sa pamamagitan ng dahas o pananakot na sasaktan ang biktima o anak nito na malayang makakilos sa kanilang gawain (freedom of movement or conduct) kagaya ng mga sumusunod o kahalintulad nito:

a. Pagbantaang aalisin o tuluyang alisin sa kostudya ng biktima ang kanyang anak o ang pamilya nito;

b. Tangkaing aalisin o tuluyan alisan ng pinasyal na suporta ang biktima o anak nila o intensyunal na bigyan ng hindi supisyenteng suporta ang mga ito.

c. Alisin o tangkaing alisan ang biktima o anak nito ng mga karapatang legal; at,

d. Pigilan ang biktima na gamitin ang kanyang legal na propesyon, maghanap-buhay, magnegosyo at iba pang aktibidades ng paghahanap-buhay o kontrolin ang biktima sa sariling pera o ari-arian o kontrolin sa pansarili niyang kagustuhan ang pera o pag-aari nilang dalawa.

7. Saktan o tangkaing saktan ang sarili para lang makontrol ang aksyon o desisyon ng biktima;

8. Pagawain o tangkaing pagawain ang biktima o anak nito na makipagtalik ng sekswal na hindi magbubunga ng panggagahasa, pamumuwersa, pananakit o pananakot na sasaktan ang biktima o anak o di kaya ay ang pamilya nito;

9. Intensyunal na gawin, o sa kawalang pag-iingat ay magawa, o sa pamamagitan ng ibang tao ay gawin, ang mga bagay na nakakaalarma o nagdudulot ng malubhang emosyon o pagkaligalig ng isipan (substantial emosyonal or psycholigaical distress) sa biktima o sa kanyang anak kagaya ng mga sumusunod o kahalintulad nito:

a. Pagtugaygay (Stalking) o pagsunod-sunod sa biktima o anak nito sa pribado o pampublikong mga lugar;

b. Pagsilip sa bintana o paikot-ikot sa labas ng bahay ng biktima o anak nito;

c. Pumasok o manatili sa loob ng pamamahay ng biktima o anak nito ng labag sa kagustuhan;

d. Sirain ang ari-arian o personal na gamit o pananakit sa alangang hayop ng biktima o anak nito;

e. Gumawa ng ano mang uri ng pangha-harass o bayolenteng aksyon sa biktima o anak nito.

10. Paggawa ng mga bagay na nagdudulot ng pagdurusa ng kaisipan (mental anguish) panghihiya sa publiko (public ridicule) o pagkapahiya ng biktima o anak nito kagaya ng mga sumusunod o kahalintulad nito:

a). paulit-ulit na berbal at emosyonal na pang-aabuso;

b). Hindi pagbibigay ng suportang pinansyal;

c). Hindi pagbibigay sa kustodya ng bata;

d). Hindi pagpayag na mabisita at makita ng biktima ang kanyang menor de edad na anak o mga anak nito.

04/06/2019

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN (VAWC)

PART II

TANONG: ANO BA ANG KAHULUGAN O IBIG SABIHIN NG MGA KATAGANG ITO SANG-AYON SA BATAS PAMBANSA BLG. 9262?

a. KARAHASAN AT PANG-AABUSO SA KABABAIHAN AT MGA ANAK NITO – ito ay patungkol sa karahasan o pang-aabuso o serye ng karahasan at pang-aabuso ng isang tao sa kanyang asawa, dating asawa, karelasyon, dating karelasyon na kung saan siya ay may anak dito o sa anak ng kanyang kinakasama maging ito man ay kapisan sa bahay o hinde, na nagre-resulta o maaaring magresulta ng pisikal, s*xual, pangkaisipang pagdurusa (psychological harm) o kaya ay pinansyal na pang-aabuso (non-giving of support) kasama na ang pagbabanta tungkol dito, pambubugbog (battery), pagbabanta (threats), pananakit (assault), sapilitang pamimilit (coercion), pangha-harass (harassment) at pagkulong sa loob man o labas ng pamamahay (arbitrary deprivation of liberty). (Sec. 3, RA 9262).

b. PANANAKIT (PHYSICAL VIOLENCE) – ito ay patungkol sa aktual na pananakit sa isang babae o menor de edad na anak nito.

c. PANG-AABUSONG SEKSWAL (SEXUAL VIOLENCE) – ito ay may kinalaman sa pang-aabusong sekswal sa isang babae o anak na menor de edad nito. Kasama dito ang mga sumusunod: panggagahasa, s*xual harassment, pambabastos, pagturing sa isang babae o anak nito bilang isang s*x object, paggawa o pagsasabi ng mga bagay na nagpapababa ng pagtingin o nagpapasama sa rep**asyon ng isang babae, saktan ang ari ng babae, pilitin itong manuod ng malaswang pelikula o pilitin ang babae o anak nito na gumawa ng malaswang gawain o lumabas sa malaswang pelikula o live show, pilitin ang asawa o kabit nito na tumira sa iisang bubong at matulog na magkasama sa iisang kwarto. Pilitin ang biktima sa pamamagitan ng pagbabanta, pananakot at paggamit ng dahas upang mapilitan itong makipag-ugnayang sekswal sa ibang tao at gawing p**a (pr******te) ang biktima o anak nito.

d. KARAHASAN O PANG-AABUSONG MAY KINALAMAN SA PAG-IISIP (PSYCHOLOGICAL VIOLENCE) - ito ay patungkol sa paggawa ng isang bagay, o hindi paggawa nito, na nagdudulot o maaaring magdulot sa kaisipan o emosyonal na pagdurusa (mental or emotional suffering) ng biktima kagaya ng pananakot, pangha-harass, pagtugaygay (stalking), paninira ng ari-arian, panghihiya sa publiko, paulit-ulit na berbal na pang-aabuso. Kasama din dito ang hayagang pagpapakita sa biktima ng pang-aabusong pisikal, sekswal, sikolohikal sa miyembro ng pamilya, o hayagang panunuod ng malaswang pelikula o payagang manuod ng pagmamalupit sa alagang hayop, pagkakait sa kustodya ng anak nila ng biktima o pagbabawal na mabisita ito.

e. PANG-AABUSONG PANGKABUHAYAN (ECONOMIC ABUSE) – ito ay patungkol sa mga gawain na kung saan ang layunin ay mapilitang umasa ang biktimang babae sa kanyang asawa o live-in Partner ng ikabubuhay kagaya ng mga sumusunod o katulad nito:

1. Pang-aalis o paghinto ng suportang pinansyal o kaya ay pagpigil sa biktima na makapag-hanapbuhay ng legal o gamitin ang kanyang propesyon o magnegosyo at iba pang aktibidades na pagkakakitaan, maliban na lang kung ang kanyang asawa o partner ay tutol dito sang-ayon sa mga kadahilanang binabanggit sa Article 73 ng Family Code;

2. Pagkakait o bantang pagkakait sa pinansyal na
Kabuhayan (financial resources) at ang karapatang gamitin at tamasahin ang mga ari-ariang pag-aari nilang dalawa;

3. Pagsira ng ari-arian sa pamamahay;

4. Pag-kontrol sa pera ng biktima o ari-arian nito o pagkontrol sa pera o ari-ariang pag-aari nilang dalawa.

f. PAMBUBUGBOG (BATTERY) – ito ay patungkol sa pisikal na pananakit sa asawa o kinakasama o batang anak nito na nagdulot ng pisikal at pangkaisipan o emosyonal na pagkaligalig (psychological or emotional distress).

g. HNDI NORMAL NA PAG-UUGALI NG BABAE NA KINAKITAAN NG SINTOMAS NG PAMBUBUGBOG (BATTERED WOMAN’S SYNDROME) -– ito ay patungkol sa di normal na pag-uugali ng babae na dala ng madalas na pambubugbog dito.

h. PAGTUGAYGAY (STALKING) – ito ay may kinalaman sa intensyunal na pagtugaygay at pagsunod-sunod ng walang balido o legal na dahilan sa isang babae o anak nito.

i. MAGKA-KASINTAHANG RELASYON (DATING RELATIONS) – ito ay tungkol sa sitwasyon na ang babae at lalake ay nagsasama bilang mag-asawa ng hindi kasal o kaya sy magnobyo sa matagal ng panahon. Ang isang kaswal na kakilala o kaibigan lamang ay hindi maituturing na magkasintahang relasyon.

j. RELASYONG SEKSWAL (SEXUAL RELATIONS) – ito ay tungkol sa minsanang pakikipagtalik na maaaring magbunga o hindi ng anak.

K. ANAK (CHILDREN) – ang tinutukoy nito ay iyung mga batang may edad na mababa sa 18 o kung mataas man ay iyung mga hindi kayang pangalagaan ang sarili alinsunod sa RA 7610.

02/06/2019

RA 9262 – VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

PART I

TANONG: ANO ANG IBIG SABIHIN NG SALITANG “VAWC”?
SAGOT: Ang “VAWC” na ang ibig sabihin sa ingles ay “Violence Against Women and Children” ay isang batas na nagbibigay proteksyon laban sa karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan at sa kanilang menor de edad na anak

TANONG: ANO NAMAN ANG NASASAKLAW NG BATAS NA ITO?
SAGOT: Ang batas na ito ay sumasaklaw sa lahat ng magkarelasyon kasal man o hindi, kasalukuyan, man o nakaraan. Sa ilalim ng batas na ito maaaring kasuhan ang karelasyon o dating nakarelasyon sa mga sumusunod na pang-aabusong pisikal, sekswal, sikolohikal/emosyonal at pinansyal

TANONG: SINO NAMAN ANG PINUPROTEKSYONAN NG BATAS NA ITO?
SAGOT:
a. Babaeng asawa o dating asawa;
b. Babaeng karelasyon (live-in partner) o dating karelasyon;
c. Dati o kasalakuyang kasintahan (girlfriend);
d. Dati o kasalakuyang idine-date nililigawang a babae;
e. Anak ng babaeng biktima na menor de edad lehitimo man o hinde.

TANONG: ANO ANG MGA KARAHASAN AT PANG-AABUSO NA PINARURUSAHAN NG BATAS NA ITO?
SAGOT:
1. PANG-AABUSONG PISIKAL kagaya ng pambubugbog, panununtok, pananampal, paninipa panggugulpi at pananakit.

2. PANG-AABUSONG SEKSWAL kagaya ng panggagahasa, s*xual harassment, pambabastos, pamimilit manood ng malaswang pelikula (x rated movies), pambubugaw sa asawa o kinakasama (live-in partner) o idine-date (girlfriend) o anak ng mga ito.

3. PANG-AABUSONG MAY KINALAMAN SA PAG-IISIP O EMOSYONAL kagaya ng Pananakot, panunutok ng baril o anumang armas na nakamamatay panghihiya sa publiko, madalas na pagmumura at iba pang berbal na pang-aabuso, paninira ng gamit at pangangaliwa.

4. PANG-AABUSONG PINANSYAL kagaya ng hindi pagbibigay ng suporta sa asawa, at mga anak dito, pagpigil sa paghahanapbuhay ng asawa, pagkuha o pagkontrol ng kita ng babae, paninira ng gamit sa bahay.

SUNDAN ANG KARUGTONG SA SUSUNOD NA ISYU
NG “VAWC” DITO LANG SA METRILLAW

Address

Suite 408, CSP Building, 815 Quezon Avenue
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MetrilLaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MetrilLaw:

Share