30/09/2025
“Jarcia Machine Shop and Auto Supply, Inc. vs. National Labor Relations Commission and Agapito T. Tolentino (G.R. No. 118045, 2 January 1997)"
Demosyon sa Trabaho
Ano Batas Dito
Dear Atty. Boy Cuenco
Nang igiit ko ang aking karapatan na maabisuhan ng demosyon at mabigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang aking panig dahil sa demosyon na ginawa nya sinabi sa akin ng aking amo na ang nasabing mga karapatan ay naaangkop lamang sa pagtatanggal ng empleyado. Tama ba ang aking amo na wala ako ng mga nabanggit na karapatan? – Myra
Myra, Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa kasong “Jarcia Machine Shop and Auto Supply, Inc. vs. National Labor Relations Commission and Agapito T. Tolentino (G.R. No. 118045, 2 January 1997), na isinulat ni Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Teodoro R. Padilla ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Besides, even assuming arguendo that there was some basis for the demotion, as alleged by petitioner, the case records are bereft of any showing that private respondent was notified in advance of his impending transfer and demotion. Nor was he given an opportunity to refute the employer’s grounds or reasons for said transfer and demotion. In Gaco v. National Labor Relations Commission, it was noted that:
While due process required by law is applied on dismissals, the same is also applicable to demotions as demotions likewise affect the employment of a worker whose right to continue employment, under the same terms and conditions, is also protected by law. Moreover, considering that demotion is, like dismissal, also a punitive action, the employee being demoted should as in cases of dismissals, be given a chance to contest the same.”
Batay sa nabanggit na desisyon, ang angkop na proseso na itinatakda ng batas ay hindi lamang naaangkop sa pagtatanggal sa trabaho, kundi pati na rin sa demosyon. Ang demosyon ay nakaaapekto rin sa trabaho ng isang empleyado na ang karapatang magpatuloy sa trabaho ay protektado rin ng batas. Higit pa rito, kung isasaalang-alang na ang demosyon, tulad ng pagtatanggal sa trabaho, ay isa ring parusa, kaya ang empleyadong pinatawan nito ay dapat ding mabigyan ng pagkakataong pabulaanan ito.
Alinsunod dito, mali ang iyong amo dahil mayroon kang karapatan na maabisuhan ng demosyon at mabigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang iyong panig.
DEMOSYON SA TRABAHO OR WORK DEMOTION WITHOUT NOTICE
WORD PAGE9 2024BATASfebMAR
SEPT 27, 2025 610PM