18/03/2023
Mungkahi ng LCSP upang mapabilis ang paglabas ng mga resolutions sa mga kaso sa LTFRB.
Ang ltfrb ay nabuo sa pamamagitan ng Executive Order 202 panahon ni dating presidente Cory Aquino. Mula noon ay ito pa rin ang batas na inaangklahan ng ahensiya na maituturing nating napakahalaga sa panahon ngayon at darating pa dahil ang pinangangasiwaan nito ay public transport.
Ilan dekada na ang nakaraan at napakarami ng nadagdag na public transport pero hindi sumabay ang batas na sana ay napalakas ang ahensiya. Undermanned at underbudget ang ahensiya. Marami ng nagpanukala sa Kongreso na palakasin ang ahensiya ngunit bigong maipasa bilang batas.
Isa sa karaniwang reklamo ay ang usad pagong ng mga kaso na dinidinig ng ltfrb. Ang ltfrb ay may quasi judicial functions maliban sa administrative functions nito. Ibig sabihin sa usapin ng public transport mula sa karaniwang overcharging na kaso, pagbibigay ng prangkisa o labanan sa ruta lahat ay dinidinig ng Board. At tatlong tao lamang sila.
Ang Chairman at dalawang board members. Dalawang beses lamang sa isang linggo nagkaka hearing. At napakarami pa nilang trabaho na administratibo. Ikumpara natin sa iba tulad sa labor. Sa labor cases may NLRC. Pero maliban sa mga commissioners sa En Banc ay may mga labor arbiter na dumidinig ng kaso. Sa DHSUD pagusapin ng subdivisions may mga adjudicators.
Ibig sabihin sa ibang mga ahensiya ay may mga hearing officers na dumidinig ng kaso at nag dedesisyon. Ito ang mungkahi ng lcsp na solusyon upang bumilis ang desisyon sa ltfrb. DAPAT MAY MGA TRANSPORT HEARING OFFICERS na didinig at mag dedesisyon sa mga kaso na kailangan ma desisyunan agad. Tulad halimbawa refusal to convey passengers o overcharging. Sa kasalukuyan ang BOARD pa dapat ang mag desisyon.
Kung may Transport Hearing Officers sa kanila ay mabilis na madedesisyunan agad at mapapatawan ng multa agad ang may sala. Ang BOARD naman ay yun mga FARE ADJUSTMENTS o malalaking kaso na lang ang kanilang personal na didingin. Mas mabibigyan pa ng panahon ang Chairman at Board Members sa mas mahahalagang gawain sa ahensiya.
Sa ngayon ayon sa Revised Rules of Practice ng LTFRB Rule 11 sec. 8
Resolutions. -Upon termination of the proceedings, the Board En Banc shall render/issue a resolution disposing of the merits of the matter eithin its jurisdiction with the concurrence of any two (2) of the composite members and after deliberation and consultation.
Pag may Transport Hearing Officers ay maaring maanendahan itong probisyong ito.
Bibilis ang proseso. Maaaksyunan agad ang mga reklamo ng pasahero at mas magkakaroon ng panahon ang Chairman at Board Members sa mas mahahalagang bagay na hindi naaantala ang mga kaso na puede naman idelegate na sa mga Transport Hearing Officers.
Sana ay mabigyan pansin ang panukalang ito.