01/08/2026
Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon, ang pinakamahirap hanapin ay hindi relationshipโkundi genuine friendship.
Ang tunay na kaibigan ay hindi lang nandiyan kapag masaya ang buhay mo. Nandiyan din siya kapag nagkamali ka. Hindi para ipagtanggol ang mali, kundi para ituwid ka nang may pagmamahal at hindi ka ipahiya.
Ang tunay na kaibigan, kaya kang i-correct in private, pero ipagtatanggol ang pangalan mo in public.
Hindi niya gagawing kwento ang mga sikreto mo. Hindi niya gagawing content ang mga pinagdaanan mo. At hindi niya gagamitin ang kahinaan mo para lang may maipakitang "resibo" kapag nagbago ang samahan ninyo.
Minsan, hindi natin kontrolado kung paano tayo itrato ng ibang tao. Pero kontrolado natin kung anong klaseng kaibigan ang pipiliin nating maging.
Lord, remove every friendship built on convenience, competition, or gossip. Surround me with people who genuinely want to see me grow closer to Youโnot people who only stay when life is easy.
At higit sa lahat, tulungan Mo rin akong maging kaibigan na marunong magtago ng tiwala, magsalita ng totoo nang may pagmamahal, at manalangin para sa iba kaysa pag-usapan sila.
Hindi natin kailangan ng malaking circle.
Kailangan lang natin ng tamang mga taoโthose who choose grace over gossip, truth over pride, and Christ over drama. ๐ค๐