18/08/2026
NAKULONG DAHIL UMATRAS SA KASAL? ๐โ๏ธ
Isang bagong desisyon ng Supreme Court ang magandang basahin ng mga nagsasabing:
โWala namang krimen sa hindi pagtupad sa pangakong magpakasal.โ
Tama, pero hindi doon nagtatapos ang usapan.
Sa pinakabagong kaso ng ### v. People of the Philippines, G.R. No. E-00648, July 29, 2026, pinagtibay ng Supreme Court ang conviction ng isang PULIS na lalaki sa Psychological Violence under Section 5(i) of R.A. No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
ANO ANG NANGYARI?
Noong 2019, naging magkasintahan ang isang police officer at isang public school teacher matapos ang apat na buwang panliligaw.
Noong April 2020, nalaman ng babae na buntis siya.
Sa simula, maayos ang kanilang relasyon. Dinadalaw siya ng lalaki at inaasikaso habang nagbubuntis.
Noong May 28, 2020, nagkita ang kanilang mga pamilya at napagkasunduang magpakasal ang dalawa.
Nagplano silang mag-apply ng marriage license noong June 1, 2020.
Pero hindi nakarating ang lalaki dahil umano sa police operation.
Makalipas ang anim na araw, humingi siya ng paumanhin at nag-request ng bagong schedule.
Noong June 11, 2020, matagumpay nilang na-file ang kanilang application for a marriage license.
PERO KINABUKASAN, MAY NALAMAN ANG BABAE.
In-withdraw ng lalaki ang kanilang marriage license application ng palihim.
Nang mag-verify ang babae sa Local Civil Registrar, nakumpirma ang withdrawal.
Ayon pa sa record, sinabi umano ng lalaki na alam ng babae ang kanyang ginawa at hindi pabor ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanilang pagsasama.
Dahil dito, nagsampa ng kaso ang babae.
At hindi lamang sariling testimony ng babae ang naging ebidensiya tungkol sa kanyang emotional condition.
Isang Municipal Social Welfare Development Office officer ang nagpatunay na nanginginig at emotionally distraught ang babae habang ikinukuwento ang kanyang karanasan at na siya ay โnot in a stable psychological and emotional state.โ
Sa psychological testing naman, nakita ang restlessness, suicidal ideation, at depressive symptoms.
ANG DEPENSA NG LALAKI?
Isa sa kanyang pangunahing argumento:
Ang breach of promise to marry ay hindi actionable wrong.
Sa madaling salita:
โHindi naman krimen ang hindi pagtupad sa pangakong magpakasal.โ
At dito nagiging napaka-interesting ng kaso.
TAMA BA SIYA?
Hindi siya pinarusahan dahil lamang hindi natuloy ang kasal.
Malinaw ang Supreme Court:
โThe RTC and the CA did not penalize petitioner for the breach of promise to marry itself.โ
Iyan ang napakahalagang distinction.
Hindi sinabi ng Supreme Court na:
โKapag nangako kang magpakasal at umatras ka, VAWC ka na.โ
HINDI.
Ang tiningnan ng Korte ay ang kabuuang circumstances at ang mismong acts ng lalaki.
Ayon sa Supreme Court, napatunayan ang mahahalagang circumstances:
1. May sexual or dating relationship sila;
2. In-withdraw ng lalaki ang marriage license application WITHOUT NOTICE matapos ang isang PUBLIC COMMITMENT; at
3. Nagresulta ang kanyang ginawa sa emotional anguish ng babae, na sinuportahan hindi lamang ng kanyang testimony kundi pati ng findings ng MSWDO officer at psychometrician.
At ito ang isa sa pinakamahalagang sinabi ng Supreme Court:
Dahil buntis ang babae at ang withdrawal ng marriage application ay ginawa โarbitrarilyโ at โpubliclyโ sa Local Civil Registrar, ang ginawa ay lumampas na sa simpleng heartbreak at pumasok sa realm of โpsychological violence.โ
Mas nilinaw pa ng Court:
Hindi ang breach of promise to marry mismo ang pinarusahan.
Ang pinarusahan ay ang โwillfulโ withdrawal ng marriage license application, habang alam ng lalaki na buntis ang babae at naipaalam na nito sa iba ang kanilang nalalapit na pagsasamaโwhich the Court considered a form of emotional manipulation and public humiliation constituting psychological violence.
KAYA IMPORTANTENG LINAWIN:
Hindi automatic na VAWC ang pakikipag-break.
Hindi automatic na VAWC ang pagbabago ng isip tungkol sa pagpapakasal.
At hindi rin automatic na kriminal ang isang broken promise to marry.
Ang mahalaga ay ang ACTS, CIRCUMSTANCES, EVIDENCE, at kung napatunayan ang elements ng offense sa ilalim ng R.A. No. 9262.
Sa kasong ito, napatunayan iyon beyond reasonable doubt.
ANO ANG NAGING HATOL?
DENIED ang petition ng lalaki.
AFFIRMED ang kanyang conviction for violation of Section 5(i) of R.A. No. 9262, ngunit minodify ng Supreme Court ang imprisonment.
Final penalty:
2 years, 4 months and 1 day of prision correccional, as minimum,
to
9 years and 4 months of prision mayor, as maximum.
Nanatili rin ang fine, mandatory psychological counseling or psychiatric treatment, at awards of moral and exemplary damages.
KAYA SA MGA NAGTATANONG:
โAttorney, ibig sabihin ba nito bawal nang umatras sa kasal?โ
Hindi.
Ang mas tamang lesson mula sa kasong ito ay:
A broken promise to marry, BY ITSELF, was not what the Supreme Court punished.
But when the acts surrounding that withdrawal are proven to have crossed the line into psychological violence contemplated by R.A. No. 9262, criminal liability may arise.
Hindi lahat ng heartbreak ay krimen.
Pero ayon sa Supreme Court, may mga pagkakataong ang isang ginawa ay maaaring โtranscend simple heartbreakโ at pumasok na sa psychological violence.
CASE: ### v. People of the Philippines, G.R. No. E-00648, July 29, 2026, Supreme Court, First Division
Hernando, J.
LEGAL DISCLAIMER: This post is for general legal information and educational purposes only. It does not constitute legal advice. The application of R.A. No. 9262 depends on the particular facts, circumstances, and evidence of each case.