Atty. Lourdes P. Benipayo

Atty. Lourdes P. Benipayo Hustisya para sa lahat.

10/05/2022

Salamat sa lahat ng tulong at suporta ninyo. Pagpalain kayo ng Diyos.

30/04/2022

TULOY ANG LABAN!!!

26/04/2022

Tara! Maki Marites na! Alamin natin ang mga kaganapan bago at sa araw ng halalan.

Ano nga ba ang mga kaganapan bago ang araw ng halalan.Alamin natin mamaya 7pm.
26/04/2022

Ano nga ba ang mga kaganapan bago ang araw ng halalan.

Alamin natin mamaya 7pm.

Na bitin ba kayo? Abangan ang Part 2 sa Friday.Patungkol sa Vote Buying.
20/04/2022

Na bitin ba kayo? Abangan ang Part 2 sa Friday.
Patungkol sa Vote Buying.

18/04/2022
Beyond words
18/04/2022

Beyond words

Matamang Salamat Sitio Mnaggahan, Brgy Tagumpay, Coron!!
09/04/2022

Matamang Salamat Sitio Mnaggahan, Brgy Tagumpay, Coron!!

Meron inggit sa mga adventures namin kaya gaya ng gaya. Sana patin pag akyat namin sa sineguelas at mangga gayahin na ri...
09/04/2022

Meron inggit sa mga adventures namin kaya gaya ng gaya. Sana patin pag akyat namin sa sineguelas at mangga gayahin na rin! Hahaha!

Saan kayo nakakita ng LUMALABAN for Congress and Lumalaban for Board Member sa Palawan nakaTORA-TORA lang and karay-karay ang mga Kaldero!!! 🤣😂🤣😂😂😉

TeamBenipayo

09/04/2022
Sineguelas adventures in Cuyo!
06/04/2022

Sineguelas adventures in Cuyo!

02/04/2022
02/04/2022

Bago ang plebisito sa paghahati ng Palawan, may nakalaan ng pondo para sa pagpapatayo ng mga bagong kapitolyo at nakahanda na rin ang lupang pagtatayuan.

02/04/2022

Sa panahon ng pandemya kung saan maraming tao ang nagangailangan ng siguradong trabaho, si Cyrile Abueg-Zaldivar ang isa sa mga kongresista na nagpasara ng ABS-CBN at tagapagsulong na hatiin sa tatlo ang Palawan.

02/04/2022

MATAPOS ANG SINDIKATO NG INVESTMENT SCAM SA PALAWAN, TUMULONG NG KAUNTI AT KUMITA NG MALAKI

Ang mga naglipanang investment scam sa Mindanao dinala ni Elgin Damasco mula sa Davao ang business model na pyramid scheme sa Palawan noong 2016? Ang Seven Star, Abrilliance, Infinite Gold, PAL-ECO, My Super Saver, at Innov8 ay mga kilalang investment company na nag-operate sa Palawan na sa kalaunan ay pinasara ng mga otoridad. Ang mga investment companies na ito ay tinatayang nakakuha ng mahigit P300 milyon mula sa mga taga-Palawan.
Ayon sa isang record si Elgin Damasco ay nabigyan ng checke mula sa isang investment company na nagkakahalaga ng mahigit P10 milyon at upang hindi mahalata na kasali sya sa operasyon ng investment scam pinahuli nya ang isang katiwala ng pinasarang investment company na nagtago sa Davao at ibinalik sa Palawan.
Naunang ginamit ni Damasco ang Hugbong bilang front ng kanyang scam upang pangolekta ng pera sa mga indibidwal na ang layunin ay makatulong diumano sa kapwa. Pinalitan ito ng LINGAP kung saan bawat miyembro ay dapat magbigay ng P15 buwanang kontribusyon na ang pondo ay gagamitin sa pangangailangan ng mga miyembro nito.
Ang tinatayang 2,000 miyembro ng LINGAP ni Damasco ay may kontribusyon na hindi bababa ng P30,000 kada buwan at ilang taon ng nagsimula ang ganitong gawain ni Damasco sa Palawan?

02/04/2022

Sa pagtatapos ng termino ni Gob. Jose C. Alvarez umabot ng halos P7 BILYON ang utang ng Palawan? Ang mga inangkin niyang mga proyektong kalsada at hospital na pinondohan ng National Government taong 2009, mga water system na pera ng bawat munisipyo ang ginamit sa pagpapatayo ng proyekto. Ngunit isang malaking UTANG ang iiwan ni Gob. Alvarez at SAAN NAPUNTA ANG PERANG ITO na kung susumahin BAWAT PALAWENYO ay may utang na P11,500 sa bangko na pinag-utangan ni Gob Alvarez sa pakikipagtulungan ni bise Gob. Dennis Socrates at mga kasalukuyang board members ng Palawan. Mawala sila sa puwesto hindi rin sila magbabayad ng mga utang na ito.... sino ang magbabayad?
Ano ang pinagmamalaking proyekto ni Gob. Alvarez bukod sa ginawa nyang pagnegosyo sa gobyerno?

02/04/2022

Sa totoo lang punong-puno ng benepisyo ang mga POLITIKO sa lahat ng panahon kasi karapatan naman daw nila 'yun dahil binoto sila ng mga tao. Ganito ang reyalidad sa politika. Marami sa mga politiko ang ninanais na manatiling mahirap ang ating mga kababayan at ipamukha sa kanila na ang mga proyekto na mula sa gobyerno (mula sa buwis) ay utang na loob ng mga tao sa kanila.

02/04/2022

MAIKLING KWENTO NG MATANDANG BUWAYA

02/04/2022

Bukod sa dumami ang mga lupain sa Palawan, lumaking utang ng Pamahalaang Panlalawigan, lumago din ang iba't-ibang negosyo sa gobyerno...?! Ito ay dahil sa suporta at patuloy na pagsunod sa mga kagustuhan ni Gob. Alvarez nina bise gob. Dennis Socrates at Onsoy Ola kasama ng ilang mga board members at opisyal ng Pamahalaan Panlalawigan.
At dahil halos walang nagawang proyekto si Gob. Alvarez, inangkin nito ang mga water system projects na ang pondo ay mula sa munisipyo, ang pinagkakaperahang 6-line highway na ang pondo ay mula sa DPWH at ang mga hospital na pinondohan ng DOH.

02/04/2022

SINO ITO. Dating kongresista na ginamit at nabuntis ang isang menor de-edad (16 yrs old) na taga-Narra, Palawan? Ang masama hindi umano kinilala ang bata at hindi rin binigyan ng suporta ang anak at ang kawawang babae na kasalukuyan ay nangangailangan ng tulong.

02/04/2022

ALAM NYO BA â•‘ Si Erick Abueg ang nagpanukala upang maisabatas sa kongreso ang RA 11259 o plebisito sa paghahati ng Palawan. Ang pangarap na ito ng mga politiko na magkaroon ng kanya-kanyang sariling politikal na kahariian ay ginastusan ng mahigit P500 miyon.
Si Abueg ay naiulat na biglang yumaman dahil sa mga proyektong kontrolado nila ni DPWH-Palawan Engr. Joel Melgar ng siya ay Kongresista at ngayon ay ipinagpapatuloy ng kanyang kapatid ni si Cong. Cyrill Abueg.

02/04/2022

Sa kombinasyon ng Palawan News at Trolls ni Gob. Jose Alvarez pilit binubulag ang mga Palaweño sa katotohanan sa likod ng mga nangyaring high profile crime sa probinsya. Ngunit matatalino at alam na ng mga Palaweño kung sino ang may kapasidad na gumawa ng mga malalaking krimen at may record ng mga pang-aapi sa ating bayan.
Patuloy na nagpapagamit ang Palawan News upang isulong ang pansariling interes ng ilang mga negosyanteng pulitiko lalo na at papalapit na naman ang eleksyon sa tulong ng kontroladong media, pananakot sa ilang hawak sa leeg na tao at pulitiko.

02/04/2022

Walang katotohanan ang ipinapakalat ng mga tauhan ni Gob. Jose Alvarez na may kakayanan silang malaman o makita sa pamamagitan ng Voters Counting Machine (VCM) ang ibinoto ng isang botante. Bukod sa ito ay hindi nila kayang gawin, bawal at may parusa ang nakikialam sa pribadong impormasyon ng bawat indibidwal sa ilalim ng Data Privacy Act. Kung nangangailangan ng ayuda, tanggapin at iboto ang kursunada. Tulungan natin ang mga kapatid nating katutubo na pinagsasamantalahan ng mga ganid na pulitiko sa ating bayan.

02/04/2022

Sa bawat proyekto ng Department of Public Works and Highway sa mga malalayong barangay ng Palawan, importante na makatipid sa mga graba at ibang materyales ang paboritong kontraktor ng kongresista. Napapansin nyo ba na hindi nila sinasama sa epal post ang totoong pondo na ginastos sa mga proyekto, kung sino ang kontraktor at mga sub-kontraktor. Milyon-milyon ang pinag-uusapan dito at alam na alam ng mga politiko natin kung magkano ang napupunta sa…. hangin?

02/04/2022

Ayon sa isang sikat na komentarista sa radio, itong si Engr. Joel Melgar ng DPWH, ang nag-aayos ng mga dapat ayusin sa mga kontratista na gumagawa ng proyektong kontrolado ng magkapatid na Abueg sa southern Palawan. Dahil sa sipag ni Engr. Melgar bilang tagapangasiwa ng mga proyekto, nakapagpatayo na ito ng mga negosyo na ang iba ay kasosyo umano si dating kongresista Erick Abueg. Pinaganda ang compound ng bahay at pinatayuan ito ng sariling covered court. Dahil din sa diskarte ni Erick Abueg bilang dating kongresista at sa tulong ng kapatid na kasalukuyang kongresista, nagkaroon din ito ng mga sariling negosyo, nakabili ng mga lupa sa mga munisipyo sa southern Palawan at napagawan ng mga apartment ang iba dito. Si Engr. Melgar at ang magkapatid na Abueg ay hindi kilalang negosyante sa Palawan, bagkus mga politiko na ilang taon na sa panunungkulan.

02/04/2022

Muli si Tony "ACA" Alvarez ay namumuhunan upang maipagpatuloy ng kanyang pamilya ang negosyo sa gobyerno? Habang si Egay Salvame ay bago lamang nagsisimulang mamuhunan upang masubukan ang masmadali at malaking kita ng negosyo sa gobyerno?

Address

Roxas
Palawan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Lourdes P. Benipayo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Atty. Lourdes P. Benipayo:

Videos

Share


Other Lawyers & Law Firms in Palawan

Show All