30/09/2026
ALHAMDULILLAH WA ALLAHUMMA BARIK!
Isang Maluwalhating Pagbati para sa mga Bagong Huffaz!
Ang pamunuan ng Annorain Center For Holy Qur'an Memorization ay buong-pusong bumabati at nagpupugay sa ating mga minamahal na mag-aaral sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa pagsasaulo ng buong Banal na Qur'an. Idinadalangin namin sa Allah (SWT) na maging tanglaw at gabay nila ito sa Dunya at Kabilang Buhay, at mapabilang sila sa mga pinagpala ng Kanyang Salita.
📜 Mga Pinarangalang Hafiz:
• Jamil T. Akil
• Amiruddin M. Badal
• Ruhidin Muhammad
• Ajid Asakil
• Faisal Guibar
• Abdulrahman Hasnal Caida
📍 Lokasyon: Purok Cadina de Amor, Barangay Balimbingan, Labangan, Zamboanga del Sur.
📅 Petsa: Setyembre 30, 2026