26/09/2026
𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗨𝗦𝗢, 𝗔𝗕𝗢𝗧-𝗞𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗡𝗔 🧡
Hindi dapat maging dagdag na pasanin ang paghingi ng tulong. Mahalaga ang inyong oras, pamasahe, at bawat araw na dapat sana’y para sa trabaho at pamilya.
Kaya inilalapit natin ang serbisyo sa inyo sa pamamagitan ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗔𝗽𝗽!
Gamit ang inyong cellphone, mas madali nang humingi ng tulong para sa medikal, edukasyon, libing, kabuhayan, at legal na pangangailangan. Maaari rin ninyong makita ang status ng inyong request—para mabawasan ang pabalik-balik sa opisina at mas mabilis kayong makatanggap ng update.
Para sa mga pamilya sa Hermosa, Orani, Samal, at Abucay, ito ang Serbisyong May Puso: mas madaling lapitan, mas malapit sa inyo.
📲 Hanapin at i-download ang Serbisyong May Puso App sa Google Play.
𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼, 𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗔.