12/06/2026
🇵🇭 Happy Philippine Independence Day!
Noong Hunyo 12, 1898, idineklara ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, bilang tanda ng pagpapahayag ng ating bansa ng kasarinlan.
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang katapangan, pagkakaisa, at determinasyon ng sambayanang Pilipino na sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagsisikap ay nahubog ang kalayaan at pagkakakilanlan ng ating bansa. Nawa'y hindi natin hayaang masayang ang kanilang mga pagsisikap.
Mabuhay ang Pilipinas!