09/06/2026
π’ LIBRENG LEGAL CONSULTATION PARA SA MGA MAMAMAYAN NG MULANAY, QUEZON βοΈ
Bilang bahagi ng MONTHLY FREE LEGAL CONSULTATION PROGRAM, si Atty. Capila po ay mag-iikot kada buwan sa iba't ibang barangay ng Mulanay upang magbigay ng LIBRENG legal na konsultasyon sa ating mga kababayan.
π Para sa buwan ng HUNYO 2026, ang libreng legal consultation ay gaganapin sa:
π’ Brgy. Hall, Poblacion 2, Mulanay, Quezon
π
June 12, 2026 (Biyernes)
π Simula 9:00 AM
Kung kayo po ay RESIDENTE NG BRGY. POBLACION 2 at nangangailangan ng payong legal tungkol sa:
βοΈ Mga personal na usaping legal
βοΈ Mga usapin sa lupa o ari-arian
βοΈ Mga reklamo o kasong nais isampa o kinahaharap
βοΈ Pagpapaliwanag ng mga dokumento o karapatang legal
βοΈ Iba pang mga katanungang nangangailangan ng konsultasyon sa isang abogado
Maari po kayong magpalista sa Brgy. Hall ng Poblacion 2.
β οΈ PAALALA:
Mayroon lamang pong 15 SLOTS para sa konsultasyong ito, kaya magpalista na po agad upang masiguro ang inyong puwesto.
π MGA KAILANGANG DALHIN SA ARAW NG KONSULTASYON:
β’ Photocopy ng isang valid Government ID:
- National ID
- TIN ID
- Voter's ID o Voter's Certification
- PhilHealth ID
- Driver's License
- Passport
at
β’ Barangay Indigency Certificate
Kung kayo po ay nangangailangan ng legal na konsultasyon, o may kakilala kayong nangangailangan ng gabay at payong legal, ibahagi po natin ang impormasyong ito upang mas marami ang matulungan.