Danicor Real Estate Finds

Danicor Real Estate Finds I am a PRC Licensed Real Estate Broker. Getting you the best deals in Town. Contact: 0956 128 0258
Email: [email protected]

15/12/2025
AG LORENZO REALTY OPCPart-1
15/12/2025

AG LORENZO REALTY OPC
Part-1

25/11/2025

This was last Oct. 11, 2025 celebrating those October celebrators! Kita nyo nmn ang pagkakahanda ng mesa ha! It's Christmas time! October pa lang yan(courtesy ng magkapatid na Ellaine at Diane). Sabagay, sa Pilipinas, September, basta't "ber" na ay umpisa na ng paghahanda sa Pasko.

Pagdating nga lang sa mesa, wala munang kibuan. Aba, e, nilalasahan muna ang mga nakahain. Makalipas ang ilang sandali...kwentuhan again😄. At doon na nagtatagal ang umpukan. Dapat daw ay malinis and mga buto ng crispy pata(halos kumikinang na😂). Hanggang sa panghimagas, dito pa rin. At, beer pa uli!

Ano ba ang usapan? Maintenance meds, senior discount, LRT/MRT 50% discount, speed ng wifi sa bahay, solar lights, bubong, tubo ng tubig, aircon, repair ng ref...ang dami, di ba?! Kaya't dapat marami ring nakalapag sa mesa. Habang may kwentuhan, may pinapapak.

Sunod nmn daw ay camping. Kahit overnight lang. Ito ang hindi pa matuloy-tuloy. Gusto sariling tent pitching at luto ng pagkain. Baka Jan2026 matuloy na. Abangan.

Kitakits pang Pasko na susunod nito.

Hanggang sa muli!
(Grrrr, late post🤣🤣🤣)

23/11/2025

Kahapon naglakbay.
Tinungo ang opisina ng PRC (Philippine Regulation Commission) malapit sa kanto ng P. Paredes at Morayta sa Sampaloc, Manila. Malapit lang sa FEU kung saan naman nag aral ang aming mga anak kaya't medyo alam ko ang lugar. Sinigurado ko lang kung nasaan dahil doon gaganapin ang board exam ng Real Estate Appraiser.
Kaninang umaga, madaling araw, alas singko ay naroon na ako. Agahan daw at maraming rekusitos pang gagawin bago maumpisahan ang pagsusulit. Pumila na kami sa may pasukan. Kasama ang aking kaklase sa TRIMEX COLLEGES na si Edmar. Sa pila na rin namin nakilala ang isa pang Trimexian at baby rin ni Prof. Mau Maureen Cao na si Elma. Salamat, Prof. Mau sa mga pabaon na iniabot ni Ms. Lorena Cruzado at kanyang kasama.
Eksakto alas otso ay nag umpisa na ang basagan ng bungo at kalkalan ng utak ng kaalaman. Hanggang alas dose ng tanghali ang Pangunahing Kaalaman o fundamentals. Wala ng alisan sa upuan. Doon na rin ang Pananghalian. Ala una hanggang alas singko ng hapon nmn ang Praktikal. Nandito ang mga plus o minus baga.
Kinse minutos bago alas singko nakalabas na ako ng PRC compound. Alas singko nasa LRT-2 na ako to Masinag Antipolo Stn. Alas singko trenta y singko'y nasa SM Masinag na ako (E kasi nmn pagbaba mo from LRT-2 ay SM na😄) Makapag-CR nga muna. Tapos ay picture, picture.
Eto na. Ang hintayan kung nakatawid sa pagsusulit. Well, hindi ko akalain mag e-exam pa ako sa edad kong ito! Waiting. Sana'y hindi mabigo😊 Hanggang sa muli.

12/11/2025

Ito nama'y minsang mag almusal.

Ang aga kong nakatanggap ng tawag. Yun naman pala ay nandito sa Marikina ang aking pinagpupitagang maglulupa (real estate broker) na si Ms. Desiree. May pinaayos siya at waiting. E, nagutom. Mabuti na lang ako ang kanyang "first in mind" when in Marikina😄 Nasama tuloy sa almusal niya.

Si Ms. Desiree ay nag aayos din ng mga documents with regards to real estate. Bilib ako dito. Lahit pa ikot-ikutin mo pa ang pahirap sa papeles, alam niya kung ano ang dapat gawin. Maasahan itong kaibigan ko. Magaling! Patas lumaban. Kaya naman maraming biyayang nadating sa kanya.

Partner, sa susunod, ako naman ang taya☺️

Hanggang sa muli.

12/11/2025

Minsang nag hapunan.

Yan na nga ang mahirap dito sa amin sa Lilac, Marikina e. Aba, malingon ka lang, kainan na! Opo, dumami na po sila. Dumami na silang maghoholdap sa bulsa ko at magpapalaki ng tiyan ko😆 Itong nagpag-tripan ay naghahanda ng Mexican dishes. Hindi nmn obvious, ano po? What's Mex? Open dinning sila at may parking nmn. Medyo pa bandang taas na ito. Nasa kaliwa after Rancho Gate-1 papuntang Chinabank.

Syempre, yung magagandang litrato ay kuha ni Photographer David Ryan. Ako lang ang taga post😊 Minsang makapasyal kami sa iba ay siguradong may litrato rin.

Pasyal kayo dito sa amin, Lilac St., Marikina.

Hanggang sa muli!

10/11/2025

Attended A Brown's gathering of sales partners at their Epic Leisure Farm last October. Almost zero visibility going there due to the cool weather that it was so foggy. Same thing reaching the venue. We were briefed of project updates, ongoing promos and discounts. Of course, of agents' incentives. Saw fellow brokers and agents and had some chit chat regarding the real estate industry.

Adelaida Residences is a literally cool place to spend your retirement or even just to have an escape for a little time for yourself. Still, lots are available.

Drop me a line. I can assist you.

Dan Cortezano
Licensed Real Estate Broker
LicNo.: 0016859 valid until 22May2028
Globe/Viber/WhatsApp: +63 9561280258

P.S.
Passed by Madam Lissa Brillantes to visit and...fetch some malunggay (moringa)! Yummy!

10/11/2025

Hmmm, parang mayroon ditong hindi laruan. Nakikitambay laang😆😆😆

Kuha pala ito sa ng mapadaan kami doon. Matagal na. Oktubre pa pala!

Nakita nyo na yung nakikitambay?😁

Have a part of Shang Summit! An 80 storey edifice at the heart of Quezon City.With a 4,700sqm amenities for unit owners....
08/11/2025

Have a part of Shang Summit!
An 80 storey edifice at the heart of Quezon City.
With a 4,700sqm amenities for unit owners.
All for your exhilarating experience and convenience.

Construction at Shang Summit continues to progress with precision. Concreting works at Basement 2 are nearing completion, while preparations for Basement 1 are now underway — marking another steady step toward realizing this exceptional development.

Your elevated lifestyle starts here at Shang Summit.

Acquire your unit above everybody else'. Let me assist you.

Dan Cortezano
Licensed Real Estate Broker
LicNo.: 0016850 valid until 22May2028
Globe/Viber/WhatsApp: +63 9561280258

PRESENTING!Shang Summit East Tower▪️ 80 Floors (260m in Height)▪️1020 Units▪️16 units per floor▪️2 levels of indoor amen...
24/10/2025

PRESENTING!

Shang Summit East Tower
▪️ 80 Floors (260m in Height)
▪️1020 Units
▪️16 units per floor
▪️2 levels of indoor amenity ( 2,318 sqm)
▪️Outdoor amenity (2,496 sqm)
Target Turnover: Q4 2030

Unit Types:
▪️Studio (37-38 Sqm)
▪️1-Bedroom (51-70 Sqm)
▪️2-Bedroom (88-125 Sqm)
▪️3-Bedroom (160 sqm)
▪️Special Units

Contact us so we can present our Show Suite and assist you all throughout. 😊🙏

Drop me a line,
Dan Cortezano
Licensed Real Estate Broker
LicNo.: 0016850 valid until 22May2028
Globe/Viber/WhatsApp: +63 9561280258

Address

Marikina City
1811

Telephone

+639561280258

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Danicor Real Estate Finds posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Danicor Real Estate Finds:

Share

Category