12/03/2026
naalala n'yo yung student na pumapasok sa school na gutom, then pinapanuod n'ya lang yung mga ka-klase n'ya kumain tuwing recess? tapos nung tinanong s'ya nung teacher n'ya kung anong problema ay naiyak nalang s'ya dahil sa gutom?
this is him now, with all the help and blessing from other people— from the strangers in socmed. grabe, it's always the strangers talaga 'no? i mean, willing sila tumulong kahit hindi ka nila kilala.
before, pumapasok lang s'ya ng gutom, ngayon hindi na s'ya magugutom. dati umiiyak lang s'ya kasi hindi s'ya maka-kain, ngayon umiiyak s'ya dahil sa dami ng blessing na bigay sakanya ng mga tao.
nakaka-tuwa lang na dahil sa pagbabayanihan ay may isang buhay na giginhawa. who could've thought that because of that one video of Ma'am Bee, mababago ang buhay ng student n'ya.