Calapan Law and Accounting Office

Calapan Law and Accounting Office Attorney-at-Law, Notary Public, also handles accounting, bookkeeping and tax preparation services.

05/07/2026
22/05/2026
13/03/2026

TANONG NG BAYAN | Kinakailangan ba o obligado bang gamitin ng mga kababaihan ang apelyido ng kanilang asawa matapos ikasal?

Hindi. Ayon sa agham ng batas, "Hindi tungkulin ng babaeng nag-asawa na gamitin ang apelyido ng kanyang asawa. May karapatan siyang pumili, o manatiling gamit ang kanyang apelyido sa pagkadalaga."

Siya ay may karapatang mamili sa mga sumusunod na opsyon sa paggamit ng apelyido:

βœ… Patuloy na paggamit ng kanyang apelyido sa pagkadalaga; (Hal. Isay Dela Cruz)

βœ… Paggamit ng kanyang apelyido sa pagkadalaga at pagdagdag ng apelyido ng kanyang asawa; (Hal. Isay Dela Cruz-Santos)

βœ… Paggamit ng kanyang unang pangalan at apelyido ng kanyang asawa; (Hal. Isay Santos)

βœ… Paggamit ng buong pangalan ng kanyang asawa, kasama ang salitang nagpapahiwatig na siya ay kanyang asawa, tulad ng "Gng." (Gng. Isko Santos)

Para sa iba pang kahalintulad na impormasyon, mangyaring bumisita sa link na ito: h.ttps://pcw.gov.ph/faq-use-of-maiden-name/


13/03/2026

π“πˆππ†ππ€π: Ibinahagi ni DOLE Assistant Secretary at Spokesperson Lennard Constantine C. Serrano na hinihikayat ng Kagawaran ang pribadong sektor na magpatupad ng alternative work arrangement, kung mapagkasunduan ng mga manggagawa at kanilang mga employer ang setup na mas angkop para sa kanila.

π˜‹π˜‘π˜”π˜” 𝘎π˜ͺ𝘴π˜ͺ𝘯𝘨 π˜—π˜ͺ𝘭π˜ͺ𝘱π˜ͺ𝘯𝘒𝘴 | 6 π˜”π˜’π˜³π˜€π˜© 2026






15/02/2026

Nagpasya ang na puwedeng kilalanin bilang magkatuwang na may-ari ng ari-arian (co-owners of property) ang mga nagsasama na magkapareho ang kasarian, alinsunod sa Artikulo 148 ng Family Code, kung may sapat na patunay na kapwa silang may aktuwal na ambag sa naturang mga pag-aari.

Sa isang desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, pinagbigyan ng Second Division ng Korte Suprema ang reklamo ng isang babae para sa paghahati ng ari-arian at kinilala siya bilang isa sa mga may-ari ng bahay at lupang kanyang pinagsamahan kasama ang kanyang kaparehong kasarian na partner.

Ang Artikulo 148 ng Family Code ang nagtatakda ng mga patakaran sa pagmamay-ari ng ari-arian ng mga magkaparehang nagsasama ngunit hindi maaaring magpakasal ayon sa batas, at kinikilala nito ang pagiging magkatuwang na may-ari batay sa aktuwal na ambag ng bawat isa.

Nagsama ang dalawang babae bilang magkarelasyon. Isang taon matapos ang kanilang relasyon, bumili sila ng isang bahay at lupa, at napagkasunduan nilang isa sa kanila na lamang ang irehistrong pangalan para mapadali ang mga transaksyon sa bangko.

Nang maghiwalay sila, napagkasunduan nilang ibenta ang ari-arian at hatiin nang pantay ang kita. Isa sa kanila ang lumagda sa isang Acknowledgment na nagpapatunay na ang isa pa ay nag-ambag ng halos 50% ng gastos sa pagbili at pagpapagawa ng bahay.

Gayunpaman, kalaunan ay hindi siya pumayag na ibenta ang ari-arian at itinanggi niya na ang dating karelasyon niya ay isa ring may-ari nito.

Para maprotektahan ang kanyang karapatan, ang dating kapareha ay naglagay ng adverse claim sa titulo ng ari-arian at humiling ng paghahati nito. Nang hindi ito magtagumpay, nagsampa siya ng kaso para sa paghahati ng real estate at kabayaran sa danyos, gamit ang Acknowledgment bilang patunay ng pagiging magkatuwang na may-ari.

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang reklamo para sa paghahati ng ari-arian, habang nilinaw nito ang mga probisyon sa Family Code na namamahala sa ugnayan sa ari-arian ng mga magkasintahang nagsasama ngunit hindi kasal.

Ang Artikulo 147 ay naaangkop sa mga magkasintahang hindi pa kasal ngunit maaaring magpakasal ayon sa batas. Ang ari-ariang nakuha habang sila’y nagsasama ay ipinapalagay na pagmamay-ari ng magkatuwang.

Samantala, ang Artikulo 148 ay naaangkop sa mga magkasintahang hindi pinapayagang magpakasal. Tanging ang mga ari-ariang nakuha sa pamamagitan ng aktuwal na ambag ang itinuturing na pagmamay-ari ng magkatuwang.

Dahil ang Family Code ay nagpapahintulot lamang ng pag-aasawa sa pagitan ng lalaki at babae, itinuring ng Korte Suprema na ang mga magkaparehong kasarian ay sakop ng Artikulo 148.

Dito, napagpasyahan ng Korte Suprema na ang nilagdaang Acknowledgment, kung saan inamin ng isang kapareha na nagbayad ang isa pa ng halos kalahati ng gastos sa ari-arian, ay itinuturing na may bisa at sapat na patunay ng aktuwal na ambag. Ito ang nagpatibay sa pagiging magkatuwang na may-ari.

Basahin ang Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160462.

Basahin ang kabuuang teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160431.

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160444.

Basahin ang Concurrence ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160439.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC Public Information Office: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

10/02/2026

⚠️ π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬: SEC warns the public that 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗑𝗧𝗨𝗛𝗔𝗑, an entity owned and operated by BERNABE LLASOS and GINA HACHERO LLASOS in Mountain Breeze Subdivision, Lumbo, Valencia City, Bukidnon, is 𝗑𝗒𝗧 π—Ώπ—²π—΄π—Άπ˜€π˜π—²π—Ώπ—²π—± with the Securities and Exchange Commission as a lending company.

This advisory is based on the information gathered by the Commission showing that PATANTUHAN has been engaged in lending activities without the required authority, offering loan services to the public despite not being licensed by the Commission.

πŸ”— Read the full Advisory here: https://www.sec.gov.ph/advisories-2026/advisory-against-patantuhan/

05/02/2026

BIR tax penalties for failure to file and pay tax form on or before due date are as follows:

Surcharge of 25% or 50%
Interest of 12% or 20%
Compromise of P1,000 to P50,000

Even if you have "Zero Tax Due" (no sales or income), you are still required to file a return. Failure to do so generall...
05/02/2026

Even if you have "Zero Tax Due" (no sales or income), you are still required to file a return. Failure to do so generally results in a flat β‚±1,000 compromise penalty per return.

(Need assistance? We're here to help.)

12/01/2026

BIR Tax Deadline

January 12, 2026 Monday

e-FILING
BIR Form 1601-C (Monthly Remittance Return of Income Taxes Withheld on Compensation) – eFPS Filers under Group D. Month of December 2025

Address

Alae
Manolo Fortich
8703

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calapan Law and Accounting Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category