Legal Tips for Pinoys

Legal Tips for Pinoys Welcome to Legal Tips for Pinoys! Our mission is to make the law understandable, relatable, and useful for every Filipino. Follow and share!
(2)

We believe that knowledge of the law is power — and that every Filipino deserves access to justice and truth.

ATTENTION ! Effective na TODAY! Paalala sa ating mga manggagawa at employers sa Metro Manila: ​Epektibo na simula ngayon...
25/07/2026

ATTENTION ! Effective na TODAY!

Paalala sa ating mga manggagawa at employers sa Metro Manila: ​

Epektibo na simula ngayong araw ang dagdag-sahod para sa NCR Minimum Wage earners!

MAY DAGDAG-SAHOD NA ANG MGA MINIMUM WAGE EARNERS SA NCR

Magandang balita para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ₱85.00 na dagdag sa arawang minimum wage para sa mga pribadong manggagawa sa NCR, na ipatutupad sa dalawang tranche.

MAGKANO ANG MINIMUM WAGE NGAYON?

Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa NCR ay:

▪︎ ₱695.00 kada araw para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector; at

▪︎ ₱658.00 kada araw para sa mga manggagawa sa agriculture sector, retail at service establishments na may 15 o mas kaunting manggagawa, at manufacturing firms na may mas mababa sa 10 manggagawa.

MAGKANO NA ITO PAGKATAPOS NG WAGE INCREASE?

Unang Tranche

Simula 19 July 2026

Non-agriculture sector: ₱755.00

Agriculture sector, retail and service establishments na may 15 o mas kaunting manggagawa, at manufacturing firms na may mas mababa sa 10 manggagawa: ₱718.00

Ikalawang Tranche

Simula 20 January 2027

Non-agriculture sector: ₱780.00

Agriculture sector, retail and service establishments na may 15 o mas kaunting manggagawa, at manufacturing firms na may mas mababa sa 10 manggagawa: ₱743.00

Ayon sa DOLE, inaasahang makikinabang dito ang humigit-kumulang 1.1 milyong manggagawa sa pribadong sektor sa NCR.

LEGAL TIP
Ang minimum wage ay hindi simpleng rekomendasyon lamang.

Ito ay isang mandatory minimum labor standard na itinatalaga sa pamamagitan ng wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).

Hindi maaaring magbayad ang employer ng sahod na mas mababa sa itinakdang minimum wage maliban sa mga pinahihintulutan ng batas.

Kung sa tingin mo ay hindi mo natatanggap ang tamang minimum wage, maaari kang lumapit sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE o magsampa ng reklamo sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA).

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.





16/07/2026

ANO ANG WRIT OF KALIKASAN?

Habang pinagmamasdan natin ang kagandahan ng ating mga lawa, kabundukan, at iba pang likas na yaman, mahalagang malaman na kinikilala ng ating Saligang Batas ang karapatan ng bawat isa sa isang balanced and healthful ecology.

Bilang proteksyon sa karapatang ito, ipinatupad ng Korte Suprema ang A.M. No. 09-6-8-SC (Rules of Procedure for Environmental Cases), na nagtatag ng Writ of Kalikasan bilang isang espesyal na legal na remedyo.

ANO ANG WRIT OF KALIKASAN?

Ang Writ of Kalikasan ay isang espesyal na legal na remedyo na maaaring ihain sa Korte Suprema o Court of Appeals upang maprotektahan ang constitutional right to a balanced and healthful ecology.

KAILAN ITO MAAARING IHAIN?

Para maibigay ang Writ of Kalikasan, dapat magkasabay na umiiral ang mga sumusunod:

▪︎ May aktuwal o bantang paglabag sa constitutional right to a balanced and healthful ecology;

▪︎ Ang paglabag ay nagmumula sa labag sa batas na kilos o kapabayaan ng isang public official o employee, o ng isang pribadong tao o pribadong entidad; at

▪︎ Ang aktuwal o bantang paglabag ay nagdudulot o maaaring magdulot ng pinsalang pangkalikasan na may lawak o tindi na makaaapekto sa buhay, kalusugan, o ari-arian ng mga naninirahan sa dalawa o higit pang lungsod o lalawigan.

(Rule 7, A.M. No. 09-6-8-SC,
Rules of Procedure for Environmental Cases; G.R. No. 211010, March 7, 2017
[Per J. Caguioa, En Banc])

BAKIT ITO MAHALAGA?

Sa pamamagitan ng Writ of Kalikasan, maaaring mag-utos ang hukuman ng mga nararapat na hakbang upang mapigilan o matigil ang mga gawaing nagdudulot ng malawakang pinsala sa kalikasan at maprotektahan ang karapatan ng publiko sa isang balanseng at malusog na ekolohiya.

Hindi lamang ito tungkol sa pagprotekta sa kalikasan. Ito rin ay tungkol sa pagprotekta sa buhay, kalusugan, kabuhayan, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

LEGAL TIPS

Ang Writ of Kalikasan ay hindi para sa lahat ng environmental cases. Ito ay isang extraordinary remedy na ginagamit lamang kapag ang pinsalang pangkalikasan ay may malawakang epekto na umaabot sa dalawa o higit pang lungsod o lalawigan.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.

MAY DAGDAG-SAHOD NA SA BARMM!Magandang balita para sa mga manggagawa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ...
15/07/2026

MAY DAGDAG-SAHOD NA SA BARMM!

Magandang balita para sa mga manggagawa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nilagdaan na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) ang bagong Wage Order na magbibigay ng ₱50 dagdag sa arawang minimum wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa BARMM.

Ang wage increase ay ipatutupad sa dalawang tranche:

▪︎ Unang tranche – Agosto 2026
▪︎ Ikalawang tranche – Disyembre 2026

Layunin ng staggered implementation na mabigyan ng sapat na panahon ang mga employer na makapag-adjust.

Kasalukuyang minimum wage sa BARMM:

▪︎ Cotabato City
₱411/araw – Non-Agriculture
₱386/araw – Agriculture

▪︎ Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur (kasama ang Marawi City), Basilan (kasama ang Lamitan City), Sulu, at Tawi-Tawi
₱386/araw – Non-Agriculture
₱366/araw – Agriculture

▪︎ Special Geographic Area (SGA)
₱391/araw – Non-Agriculture
₱366/araw – Agriculture at Retail

LEGAL TIP

Ang minimum wage ay nagkakaiba depende sa rehiyon, lugar ng trabaho, sektor, at wage classification. Mahalagang alamin ang wage order na naaangkop sa inyong lugar ng trabaho upang malaman ang tamang minimum wage na dapat matanggap.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.

INILIPAT KA BA MULA NCR PAPUNTA SA PROBINSYA? PWEDE BANG BAWASAN ANG SAHOD MO?Kasunod ng paglabas ng Wage Order No. NCR-...
13/07/2026

INILIPAT KA BA MULA NCR PAPUNTA SA PROBINSYA? PWEDE BANG BAWASAN ANG SAHOD MO?

Kasunod ng paglabas ng Wage Order No. NCR-27, marami ang nagtatanong:

"Dati po akong nagtatrabaho sa NCR at tumatanggap ng NCR minimum wage. Inilipat ako ng employer sa probinsya. Pwede na ba nilang bawasan ang sahod ko?"

Ang sagot ay: Depende sa mga pangyayari.

Bilang pangkalahatang tuntunin, ang NCR minimum wage ay naaangkop lamang sa mga minimum wage earners na aktuwal na nagtatrabaho sa National Capital Region.

Kaya kung ang isang empleyado ay validly transferred sa isang lugar na hindi na saklaw ng NCR Wage Order, hindi na awtomatikong maaangkop sa kanya ang mga susunod na NCR minimum wage increases.

Subalit, hindi rin nangangahulugan na maaaring basta na lamang bawasan ng employer ang dati niyang sahod.

HALIMBAWA

Si Ana ay nagtatrabaho sa Quezon City at tumatanggap ng ₱695 na minimum wage kada araw. Simula Hulyo 25, 2026, magiging ₱755 kada araw ang minimum wage sa NCR sa ilalim ng Wage Order No. NCR-27.

Bago sumapit ang Hulyo 25, 2026, VALID siyang inilipat ng employer sa isang branch sa Bulacan.

Sa Region III (kabilang ang Bulacan), ang kasalukuyang minimum wage para sa non-agriculture sector ay hanggang ₱600 kada araw, depende sa uri ng establisyemento at sa applicable wage classification sa ilalim ng Wage Order RBIII-26.

Tanong: Maaari ba niyang i-claim ang ₱755/day sa ilalim ng Wage Order No. NCR-27?

Sagot: Bilang pangkalahatang tuntunin, HINDI, sapagkat hindi na siya nagtatrabaho sa NCR. Gayunman, hindi rin awtomatikong maaaring ibaba ng employer ang dati niyang sahod dahil lamang sa kanyang paglipat sa ibang rehiyon.

BAKIT HINDI AWTOMATIKONG MAAARING BAWASAN ANG SAHOD?

Article 100, Labor Code provides:

Nothing in this Book shall be construed to eliminate or in any way diminish supplements, or other employee benefits being enjoyed...

KAILAN UMIIRAL ANG NON-DIMINUTION OF BENEFITS?

Sa pangkalahatan, ang mga empleyado ay maaaring magkaroon ng vested right sa mga benepisyong kusang-loob na ipinagkaloob ng employer kapag natugunan ang mga rekisito ng non-diminution of benefits doctrine.

Ang prinsipyong ito ay nakabatay sa Konstitusyon na nag-uutos sa Estado na pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa, itaguyod ang kanilang kapakanan, at bigyan sila ng ganap na proteksiyon sa ilalim ng batas.

Sa G.R. No. 176985, April 1, 2013 [Per J. Peralta, Third Division], ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang non-diminution of benefits ay karaniwang naaangkop kung:

▪︎ Ang benepisyo ay nakabatay sa express company policy, written contract, o naging established company practice;

▪︎ Hindi ito bunga ng pagkakamali sa paglalapat o interpretasyon ng batas;

▪︎ Hindi ito pansamantala o minsanan lamang; at

▪︎ Ang benepisyo ay unilaterally na inalis o binawasan ng employer.

LEGAL TIPS

Kung ikaw ay inilipat mula NCR papunta sa ibang rehiyon, tandaan:

▪︎ Ang mga susunod na NCR minimum wage increases ay hindi awtomatikong maaangkop sa iyo.

▪︎ Hindi rin awtomatikong maaaring bawasan ng employer ang dati mong sahod dahil lamang sa iyong paglipat sa ibang rehiyon.

Bawat kaso ay may sariling mga pangyayari at hindi lahat ng sitwasyon ay pare-pareho. Ang magiging karapatan ng empleyado ay nakadepende sa employment contract, terms ng transfer, company policy, collective bargaining agreement (kung mayroon), at sa aplikasyon ng batas at umiiral na jurisprudence.

Kung sa tingin mo ay labag sa batas ang pagbabawas ng iyong sahod o benepisyo, makabubuting kumonsulta sa DOLE o sa isang abogado upang masuri ang iyong partikular na sitwasyon.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.

SINO ANG MANANAGOT SA NASIRANG BAHAY O SASAKYAN MO DAHIL SA NATUMBANG PUNO NG KAPITBAHAY?Sa gitna ng malakas na ulan at ...
10/07/2026

SINO ANG MANANAGOT SA NASIRANG BAHAY O SASAKYAN MO DAHIL SA NATUMBANG PUNO NG KAPITBAHAY?

Sa gitna ng malakas na ulan at hangin dulot ng bagyo, marami ang nagtatanong:

"Kapag natumba ang puno ng kapitbahay at nasira ang aming bahay o sasakyan, obligado ba siyang magbayad?"

Ang sagot ay: Depende sa mga pangyayari.

Kung ang puno ay bumagsak dahil lamang sa isang fortuitous event, gaya ng napakalakas na bagyo, at walang kapabayaan sa panig ng may-ari, maaaring wala siyang pananagutan sa ilalim ng Article 1174 ng Civil Code.

Ngunit kung mapapatunayang ang puno ay bulok, patay, tagilid, o matagal nang delikado, at sa kabila nito ay hindi ito inaksyunan ng may-ari, maaari siyang managot sa pinsalang dulot ng pagbagsak nito.

Sa G.R. No. 157906, November 2, 2006 [Per J. Quisumbing, Third Division], ipinaliwanag ng Korte Suprema na maaaring magkaroon ng pananagutan kapag ang taong may responsibilidad sa isang puno ay nagpabaya sa kabila ng malinaw at nakikitang panganib na dulot nito.

LEGAL BASIS

▪︎ Article 483, Civil Code – Inaatasan ang may-ari na putulin at alisin ang punong nagbabanta ng panganib.

▪︎ Article 2176, Civil Code – Ang sinumang, sa pamamagitan ng kanyang kapabayaan, ay nagdulot ng pinsala sa iba ay maaaring managot sa pagbabayad ng danyos.

▪︎ Article 1174, Civil Code – Walang pananagutan kung ang pinsala ay dulot lamang ng isang fortuitous event at walang kapabayaan.

LEGAL TIP

Kung sa tingin ninyo ay may punong bulok, patay, tagilid, o anumang punong maaaring bumagsak, mas mabuting maagapan ito.

▪︎ Kunan ng litrato o video ang puno bilang dokumentasyon.

▪︎ Ipaalam agad sa may-ari ang kalagayan ng puno at hilinging ipaayos o ipaputol ito kung kinakailangan.

▪︎ Kung walang ginawang aksiyon at nananatiling delikado ang puno, maaari ninyo itong ireport sa inyong Barangay upang maagapan ang posibleng aksidente at magkaroon ng maayos na dokumentasyon ng inyong reklamo.

Mas mabuting umiwas sa panganib kaysa maghabol ng danyos pagkatapos ng sakuna.

Manatiling ligtas at mag-ingat sa gitna ng bagyo.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.

SINO ANG SAKOP NG BAGONG NCR MINIMUM WAGE INCREASE?Narito ang dapat ninyong malaman tungkol sa Wage Order No. NCR-27.Mar...
09/07/2026

SINO ANG SAKOP NG BAGONG NCR MINIMUM WAGE INCREASE?

Narito ang dapat ninyong malaman tungkol sa Wage Order No. NCR-27.

Marami ang nagtatanong:

"Contractual lang po ako. Kasama ba ako?"
"Probationary pa lang po ako. May umento rin ba ako?"
"Agency worker po ako. Sakop din ba ako?"

Basahin natin mismo ang Section 4 ng Wage Order No. NCR-27:

The wage increase prescribed herein shall apply to all minimum wage earners in the private sector within the region, regardless of their position, designation or status and irrespective of the method by which their wages are paid.

Ano ang ibig sabihin nito?

Kung ikaw ay isang minimum wage earner sa pribadong sektor sa NCR na saklaw ng Wage Order, ang wage increase ay ipatutupad ANUMAN ang iyong:

▪︎ Posisyon
▪︎ Designation
▪︎ Employment status (regular, probationary, casual, contractual, project-based, at iba pa)
▪︎ Paraan ng pagbabayad ng sahod (daily, monthly, piece-rate, at iba pa)

Hindi maaaring gamitin ng employer ang alinman sa mga ito bilang dahilan upang hindi ibigay ang itinakdang minimum wage increase.

ANO ANG MANGYAYARI KUNG HINDI ITO SUSUNODIN?

Ayon sa Section 6 ng Wage Order No. NCR-27, ang sinumang employer na tatanggi o mabibigong magbayad ng itinakdang wage increase ay mananagot alinsunod sa Section 12 ng Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act), na inamyendahan ng Republic Act No. 8188 (An Act Increasing the Penalty and Imposing Double Indemnity for Violation of the Prescribed Increases or Adjustments in the Wage Rates).

I-SAVE at I-SHARE ang post na ito upang mas marami pang manggagawang Pilipino ang malaman kung sino ang sakop ng bagong minimum wage increase.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.



TUMUTULO BA ANG TUBIG-ULAN MULA SA BUBONG NG KAPITBAHAY PAPASOK SA LOOB NG BAKURAN NINYO?Napakalakas ng ulan at kulog ng...
07/07/2026

TUMUTULO BA ANG TUBIG-ULAN MULA SA BUBONG NG KAPITBAHAY PAPASOK SA LOOB NG BAKURAN NINYO?

Napakalakas ng ulan at kulog ngayong gabi.

Pero bukod sa lakas ng ulan, baka ang nagpapabahala sa inyo ay ang tubig-ulan mula sa bubong o alulod ng kapitbahay na direktang bumabagsak sa inyong bakuran o pader.

ANO ANG SABI NG BATAS?

Article 674, Civil Code of the Philippines

The owner of a building shall be obliged to construct its roof or covering in such manner that the rain water shall fall on his own land or on a street or public place, and not upon the land of the neighbor.

Sa madaling salita: Ang may-ari ng bahay ay may obligasyong tiyaking ang tubig-ulan mula sa kanyang bubong ay babagsak sa sarili niyang lupa o sa isang pampublikong lugar, at hindi sa lupa o bakuran ng kanyang kapitbahay.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.



Kung kayo ay isang Minimum Wage Earner, basahin ang post na ito at i-check ang inyong payslip. May kinakaltas bang tax s...
07/07/2026



Kung kayo ay isang Minimum Wage Earner, basahin ang post na ito at i-check ang inyong payslip. May kinakaltas bang tax sa inyong sahod?

l-share ang post na ito upang mas marami pang manggagawang Pilipino ang magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa kanilang tax exemption sa ilalim ng batas.

KAPAG TUMAAS BA ANG MINIMUM WAGE SA NCR DAHIL SA BAGONG WAGE ORDER, AWTOMATIKO NA RIN BANG MAGKAKAROON NG INCOME TAX ANG MGA MINIMUM WAGE EARNERS?

Una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa ating tanong noong Biyernes at sa mga nag-private message ng kanilang mga sagot.

Ang sagot ay HINDI.

Ayon sa Republic Act No. 9504, na nag-amiyenda sa National Internal Revenue Code (NIRC), at sa Republic Act No. 10963 o ang TRAIN Law, ang mga Minimum Wage Earners (MWEs) ay hindi nagbabayad ng income tax sa kanilang statutory minimum wage.

Ang Minimum Wage Earners (MWEs) ay tumutukoy sa mga manggagawa sa pribadong sektor na tumatanggap lamang ng minimum wage na itinakda ng batas para sa kanilang rehiyon.

Ayon sa BIR Revenue Regulations No. 8-2018, hindi lamang ang kanilang basic minimum wage ang exempt sa income tax kundi pati ang kanilang:

▪︎ Overtime Pay
▪︎ Holiday Pay
▪︎ Night Shift Differential Pay
▪︎ Hazard Pay

PAANO KUNG MAY BAGONG WAGE INCREASE?

EXEMPT pa rin po.

Kapag ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ay naglabas ng bagong Wage Order na nagtataas ng minimum wage, ang bagong halaga ng minimum wage ang siyang magiging bagong statutory minimum wage.

Kaya kung ikaw ay nananatiling isang Minimum Wage Earner matapos ang wage increase, mananatili rin ang iyong pagiging income tax-exempt.

HALIMBAWA SA NCR:

▪︎ Kasalukuyang minimum wage:
₱695 kada araw

▪︎ Simula July 19, 2026:
₱755 kada araw

▪︎ Simula January 20, 2027:
₱780 kada araw

Ang mga halagang ito ay mananatiling exempt sa income tax para sa mga minimum wage earners.

Hindi ibig sabihin na dahil tumaas ang minimum wage ay awtomatiko nang magkakaroon ng withholding tax deduction ang mga minimum wage earners.

I-SHARE ang post na ito upang mas marami pang manggagawang Pilipino ang magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan at benepisyo sa ilalim ng batas.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.


KAPAG TUMAAS BA ANG MINIMUM WAGE SA NCR DAHIL SA BAGONG WAGE ORDER, AWTOMATIKO NA RIN BANG MAGKAKAROON NG INCOME TAX ANG...
06/07/2026

KAPAG TUMAAS BA ANG MINIMUM WAGE SA NCR DAHIL SA BAGONG WAGE ORDER, AWTOMATIKO NA RIN BANG MAGKAKAROON NG INCOME TAX ANG MGA MINIMUM WAGE EARNERS?

Una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa ating tanong noong Biyernes at sa mga nag-private message ng kanilang mga sagot.

Ang sagot ay HINDI.

Ayon sa Republic Act No. 9504, na nag-amiyenda sa National Internal Revenue Code (NIRC), at sa Republic Act No. 10963 o ang TRAIN Law, ang mga Minimum Wage Earners (MWEs) ay hindi nagbabayad ng income tax sa kanilang statutory minimum wage.

Ang Minimum Wage Earners (MWEs) ay tumutukoy sa mga manggagawa sa pribadong sektor na tumatanggap lamang ng minimum wage na itinakda ng batas para sa kanilang rehiyon.

Ayon sa BIR Revenue Regulations No. 8-2018, hindi lamang ang kanilang basic minimum wage ang exempt sa income tax kundi pati ang kanilang:

▪︎ Overtime Pay
▪︎ Holiday Pay
▪︎ Night Shift Differential Pay
▪︎ Hazard Pay

PAANO KUNG MAY BAGONG WAGE INCREASE?

EXEMPT pa rin po.

Kapag ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ay naglabas ng bagong Wage Order na nagtataas ng minimum wage, ang bagong halaga ng minimum wage ang siyang magiging bagong statutory minimum wage.

Kaya kung ikaw ay nananatiling isang Minimum Wage Earner matapos ang wage increase, mananatili rin ang iyong pagiging income tax-exempt.

HALIMBAWA SA NCR:

▪︎ Kasalukuyang minimum wage:
₱695 kada araw

▪︎ Simula July 19, 2026:
₱755 kada araw

▪︎ Simula January 20, 2027:
₱780 kada araw

Ang mga halagang ito ay mananatiling exempt sa income tax para sa mga minimum wage earners.

Hindi ibig sabihin na dahil tumaas ang minimum wage ay awtomatiko nang magkakaroon ng withholding tax deduction ang mga minimum wage earners.

I-SHARE ang post na ito upang mas marami pang manggagawang Pilipino ang magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan at benepisyo sa ilalim ng batas.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.


Magandang umaga sa inyong lahat, mga Ka-Legal Tips! Isang taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat dahil umabot na tayo s...
06/07/2026

Magandang umaga sa inyong lahat, mga Ka-Legal Tips!

Isang taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat dahil umabot na tayo sa 30,000 followers.❤️

Mula sa simpleng layunin na magbahagi ng kaalaman sa batas, nabuo ang isang komunidad ng mga Pilipinong gustong matuto, magtanong, at ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, pag-share ng ating mga posts, at sa pagbabahagi ng inyong mga kwento at karanasan.

Patuloy po tayong mag-aaral ng batas, magbabahagi ng tamang impormasyon, at magiging boses ng mga nangangailangan ng kaalaman at gabay.

30,000 followers is not just a number. It means 30,000 opportunities to educate, empower, and serve.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat.🫶

Mamaya pong hapon ay sasagutin natin ang ating tanong tungkol sa income tax exemption ng mga minimum wage earners.

Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.

Address

Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Legal Tips for Pinoys posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share