Atty. Eric Lazarte Cabotage

Atty. Eric Lazarte Cabotage Lawyer/Juris Doctor

28/07/2026
DHSUD: LICENSE TO SELL VS AUTHORITY TO SELLNalilito ka rin ba sa License to Sell (LTS) at Authority to Sell (ATS) na ini...
03/01/2026

DHSUD: LICENSE TO SELL VS AUTHORITY TO SELL
Nalilito ka rin ba sa License to Sell (LTS) at Authority to Sell (ATS) na iniisyu ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) o pinapakita ng isang Developer s aiyo?
Mahalagang maunawaan mo muna ang legalidad nito bago ka bumili ng lupa mula sa isang Developer!

BABALA! HUWAG BIBILI NG LOTE O CONDO KUNG ANG ISANG DEVELOPER AY MAY AUTHORITY TO SELL LANG!
Ang License to Sell ay ang Final Authority ng DHSUD na nagbibigay-daan sa developer o project owner na magbenta, mag-advertise, at tumanggap ng bayad para sa subdivision lots o condominium units.
Kapag may LTS ang proyekto, ibig sabihin:
1. Aprubado ang development plan
2. Kumpleto ang legal, technical, at financial requirements
3. Saklaw ang buyer ng proteksyon ng PD 957 o BP 220

Ang Authority to Sell naman ay isang pansamantala at kondisyunal na pahintulot lamang. Ibinibigay ito kapag ang developer ay hindi pa ganap na kwalipikado para sa LTS, ngunit pinapayagan ng DHSUD na magsagawa ng limitadong selling activities habang tinatapos ang kulang na requirements.
Ibig sabihin, kung ang developer ay nagpapakita lang ng ATS sa buyer:
1. Hindi ito full approval ng proyekto
2. May takdang panahon at kondisyon
3. Mas limitado ang proteksyon ng buyer
WALANG LTS O ATS SI DEVELOPER?
Kung ang proyekto ay walang LTS at walang ATS, ang pagbebenta ay tahasang illegal!
Halimbawa:
Isang developer ang nag-aalok ng lupa at tumatanggap ng downpayment kahit walang anumang permit mula sa DHSUD. Kahit pa may kontrata o resibo, ang developer ay maaaring managot sa:
• Administrative sanctions
• Civil liability
• Criminal liability sa ilalim ng PD 957

PAANO KUNG ANG DEVELOPER AY MERONG ATS LANG?
Ang developer na may ATS lamang ay:
• Hindi pa dapat magsagawa ng full-scale selling
• Hindi ito dapat mag-advertise na parang may LTS sya
• Maaaring managot kung lalampas sa saklaw ng ATS

Kapag ang developer ay:
• Tumanggap ng full downpayment
• Nagbenta na parang may LTS na sya
• Hindi nag-disclose na ATS lamang ang hawak nya
Ito ay maaaring ituring na paglabag sa PD 957 o Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree.

PAALALA SA MGA BUYER
Huwag makuntento sa salitang “may permit naman.”
Alamin kung ito ba ay ATS lamang o may LTS na. Ang pagkakaibang ito ay mahalaga sa batas.
Sa real estate, ang pansamantala ay hindi katumbas ng ganap na pahintulot o authority para magbenta ng lote o condo.

Sana ang post kong ito ay nakatulong. Kung nais mo ng mas malalim na pagtalakay or komento patungkol sa paksang nabanggit, maaring magtanong at kumuha ng legal na advice. Magemail lamang sa [email protected], magbook ng schedule sa https://calendly.com/attycabotage, o magmessage sa fb page na ito at sisikapin kong tugunan ang inyong mga katanungan.












Welcome to my scheduling page. Please follow the instructions to add an event to my calendar.

Address

Sta Mesa Manila
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Eric Lazarte Cabotage posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share