Caluag Law Offices

Caluag Law Offices CALUAG LAW OFFICE (CLO) is a full-service firm. Litigation+Consultancy

Maituturing pa rin bang cyber libel kahit hindi napangalanan?Para sa cyber libel, libel, or slander (paninirang puri gam...
13/06/2025

Maituturing pa rin bang cyber libel kahit hindi napangalanan?

Para sa cyber libel, libel, or slander (paninirang puri gamit ang binigkas na salita), hindi kailangang pangalanan ang offended person para masaklaw ng krimen. Kung mapapatunayan sa korte na kahit hindi napangalanan ay tukoy na tukoy ang isang tao na siya ang subject ng mapanirang puri na mga salita, pwede pa rin itong masaklaw ng mga nabanggit na krimen.
cttocheldiokno

Follow us at LINKEDIN
14/04/2025

Follow us at LINKEDIN

CALUAG LAW OFFICES | 2 followers on LinkedIn. A full service firm catering both litigation and consultancy services | We are a full service firm handling General Consultation, Real Estate Transactions/Property Issues, Court Representation and/or Litigation (Civil, Criminal, Administrative), Taxation...

Krimen ba ang di pagbibigay ng sustento sa anak?Sa Anti-Violence Against Women and their Children Act (RA 9262), ang hin...
28/11/2024

Krimen ba ang di pagbibigay ng sustento sa anak?

Sa Anti-Violence Against Women and their Children Act (RA 9262), ang hindi pagbibigay ng sapat na sustento sa anak ay itinuturing na karahasan at pinaparusahan bilang krimen.

Economic Abuse
Sa Section 5(e), ang ‘di pagbibigay ng nararapat na sustento ay may parusa na. Ayon sa Korte, “Deprivation or denial of support, by itself, is already specifically penalized.”

Mental or Emotional Anguish
Sa Section 5(i) naman, ang ‘di pagbigay ng tamang sustento ay pinaparusahan bilang causing mental or emotional anguish kung ito ay sadya at nakadulot ng pagdurus.

Ang mga tatay ay dapat responsable para sa kanilang anak- at may batas para siguruhin ang pagharap dito.

Ano ang pwedeng gawin kung sakaling makatanggap ng subpoena mula sa NBI?Kailangan pong ipaliwanag na ang National Bureau...
24/10/2024

Ano ang pwedeng gawin kung sakaling makatanggap ng subpoena mula sa NBI?

Kailangan pong ipaliwanag na ang National Bureau of Investigation o NBI ay isang investigative body. Ibig sabihin ito ay nag-iimbestiga sa mga posibleng maisampang criminal cases, maging base man sa reklamo ng pribadong indibidwal o sa sarili nilang initiative.

Kung makatanggap ng subpoena mula sa NBI, maaaring ang taong nakatanggap nito ay magiging witness o siya mismong respondent sa posibleng kasong kriminal na isasampa.

Kung makatanggap nga ng subpoena, una, iminumungkahing kumuha agad ng abogado. Mainam ipaliwanag na sinumang paksa ng isang imbestigasyon ng pulis o NBI ay may karapatan na magkaroon ng tulong mula sa isang abogado, at walang pananakot o bantang maaaring gamitin para itanggi ang karapatang ito.

Pangalawa, huwag pupunta sa NBI nang mag-isa. Mas mainam kung ang abogado ninyo ang pupunta para sa inyo.

Pangatlo, kung may ka-contact o bibisita sa inyong NBI agent: (i) hingin ang ID at pangalan. Isulat ito, o kung papayagan, kuhanan ng litrato ang ID; at (ii) magalang pero mariing sabihing hindi mo puwedeng sagutin ang mga tanong nito hanggang wala ang abogado mo.

Huli, dapat agad hingin ng inyong abogado ang sangkot na dokumento tulad ng kopya ng complaint at supporting documents mula sa NBI.

SC rules long absence from home as psychological incapacity in marriage.
29/08/2024

SC rules long absence from home as psychological incapacity in marriage.

In an 18-page decision promulgated on April 17, the high court approved a petition granting the nullity of marriage between Leonora de la Cruz and Alfred Lanuza on the grounds of psychological incapacity.

Our firm is committed to helping you with your legal concerns.  If you'd like to schedule a face-to-face meeting or onli...
16/08/2024

Our firm is committed to helping you with your legal concerns.

If you'd like to schedule a face-to-face meeting or online consultation with us, you can message us directly or reach us at [email protected]


May kaso ba ang panduduro?Ang panduduro ay maaaring pumasok sa krimeng slander by deed. Ang mga elemento naman ng krimen...
09/08/2024

May kaso ba ang panduduro?

Ang panduduro ay maaaring pumasok sa krimeng slander by deed. Ang mga elemento naman ng krimeng ito na lahat din ay dapat present ay:

(1) Ang “act” na ginawa ng offender ay hindi kabilang sa iba pang mga crimes against honor (libel, intriguing against honor, slander, at iba pa);
(2) Ang naturang “act” ay ginawa sa presensiya ng ibang tao o mga tao; at
(3) Ang naturang “act” ay nag cast ng dishonor, discredit or contempt sa offended party.

Pwede pong example ng krimen na ito ay ang panduduro, pananampal, panunulak sa publiko hanggang matumba ang tao para ipahiya siya, at anumang actions na makakapagpahiya sa tao na hindi naman masasaklaw ng krimen ng physical injuries. Mayroon itong karampatang parusang kulong and/or multa.

Kung di naman saklaw ng krimeng ito ay pwede ring masaklaw ito ng Unjust Vexation. Ayon sa Supreme Court, ang Unjust Vexation ay krimen na malawak ang saklaw kung saan napapaloob dito ang anumang gawain ng taong nagdadala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa kaisipan ng taong pinatutunguhan ng nasabing gawain. Mayroon din itong karampatang parusang kulong o/at multa.

Ang elements naman nito ay:
(1) Mayroong human conduct ang offender na unjustly annoys or irritates ang biktima;
(2) Ang human conduct na ito ay ginawa ng offender nang walang violence;
(3) Ang human conduct na ito ng offender ay nagdala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa biktima;
(4) Ang paggawa nito ng offender ay ginawa nang may criminal intent o sinadyang gawin para sa purpose na nabanggit
CTTOhttps://cheldiokno.com

Ang krimen na Physical Injury ay naisasagawa sa paraang:(1) Panunugat, (2) Pamamalo, (3) Pang aatake, o (4) pagsasagawa ...
04/06/2024

Ang krimen na Physical Injury ay naisasagawa sa paraang:
(1) Panunugat, (2) Pamamalo, (3) Pang aatake, o (4) pagsasagawa ng injurious substances. Ito ay maaring Serious, Less Serious or Slight Physical Injuries (Articles 263, 265, 266, RPC). Maari din itong magawa ng hindi sinasadya o Simple/Reckless Imprudence resulting in physical injury (Article 365, in relation to 263, etc).

UNA — Kung dahil sa injuries ay naging incapacitated o nangailangan ng medical attendance ang biktima mula 1 hanggang 9 days- itinuturing itong Slight Physical Injuries- na may parusang pagkakakulong hanggang 30 days.

PANGALAWA — Kung dahil sa pananakit, ang panahon naman ng incapacity o medical attendance ay higit 10 hanggang 30 days- Less Serious Physical Injuries naman ito. At ang parusa- pagkakakulong hanggang 6 months.

PANGATLO — Kung talagang grabe ang ginawa ng may sala- at naging incapacitated ang biktima nang higit 30 days-

Itinuturing itong Serious Physical Injuries. At base sa kung gaano kalala ang pinsala- ang parusa para ng pagkakakulong ay mula 6 months hanggang 12 years.
Bukod sa kasong kriminal for physical injuries- pwede ring magsampa ng hiwalay na civil case para humingi ng danyos o damages mula sa may sala.
Ctto

Paano maseseparate ang property ng mag-asawa?Ayon sa ating Family Code, kung walang agreement ang mag-asawa tungkol dito...
16/05/2024

Paano maseseparate ang property ng mag-asawa?

Ayon sa ating Family Code, kung walang agreement ang mag-asawa tungkol dito sa kanilang marriage settlements, hindi pwedeng maseparate ang properties nang walang judicial order. Ibig pong sabihin nito, hindi pwedeng basta lang iwaive ang right sa conjugal property at hindi rin pwedeng daanin sa kasunduan lamang. Kailangan magfile ng petition for judicial separation of property ayon sa mga sumusunod na grounds na nakasaad sa ating Family Code:

(1) That the spouse of the petitioner has been sentenced to a penalty which carries with it civil interdiction;
(2) That the spouse of the petitioner has been judicially declared an absentee;
(3) That loss of parental authority of the spouse of petitioner has been decreed by the court;
(4) That the spouse of the petitioner has abandoned the latter or failed to comply with his or her obligations to the family as provided for in Article 101;
(5) That the spouse granted the power of administration in the marriage settlements has abused that power; and
(6) That at the time of the petition, the spouses have been separated in fact for at least one year and reconciliation is highly improbable

May option din na magsampa ng Petition for Legal Separation, o di kaya ay ipawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng pagsampa ng Annulment case or Declaration of Nullity case.
ctto

Pwede bang magkasundo nalang ang mag-asawa na maghiwalay at hindi na dumaan sa korte para sa annulment?Hindi ito pwede. ...
19/04/2024

Pwede bang magkasundo nalang ang mag-asawa na maghiwalay at hindi na dumaan sa korte para sa annulment?

Hindi ito pwede.
Ang Family Code of the Philippines ay nagtatalaga ng ilang mga paraan o judicial remedies upang mapawalang-bisa ang kasal ng mag-asawa, at ang akmang hakbangin ay magdedepende sa kalagayan at circumstances ng mag-asawa. Nariyan ang (1) Declaration of Nullity of Marriage at (2) Annulment of Marriage. Ang Declaration of Nullity of Marriage ay tumutukoy sa void marriages, at ang Annulment of Marriage naman ay sa voidable marriages.

Ang proseso nito ay magsasampa ng petition ang party na nais magpa-annul or magpadeclare ng nullity ng marraige. Mag-issue ang korte ng summons laban sa respondent or ang asawa ng nagsampa ng petition. Magkakaroon ng ilang hearing at pagdinig para malaman kung present nga ang isa o higit pang grounds ng alinmang petition. After ng mga hearing ay saka lamang maglalabas ng Decree of Annulment or Declaration of Nullity of Marriage ang korte at saka pa lang uutusan ang Local Civil Registrar na i-annotate sa marriage contract ang nasabing decision ng korte. Ang mga gastusin para dito ay magdedepende sa mga bagay tulad ng pagka-kumplikado ng kaso at klase ng opsyon na pipiliin. Depende rin sa option na pipiliin kung anu-anong mga ebidensiya ang kakailangananing ihanda.
ctto

Address

Manila

Telephone

+639777386257

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Caluag Law Offices posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Caluag Law Offices:

Share