Catana Law Office

Catana Law Office Provide expert legal services, with years of experience and a client-first approach.

15/02/2026

To be the best version of yourself for the world, you first have to be the best version of yourself for you. 💜

This Valentine's Day, remember that the most enduring relationship you will ever have is the one with yourself. Give it the care, patience, and love it deserves. ✨

15/02/2026

Good morning, everyone and belated Happy Valentine's day.

Send a message to learn more

09/12/2025
07/11/2025

Will be posting more updates soon as Admins are still trying to recover the hacked original law page . Thank you for your understanding!

Electronic filing and service SC Update
07/10/2025

Electronic filing and service SC Update

The has approved the “2025 Transitory Rules on Electronic Filing and Service in the Supreme Court.”

The new rules will take effect on October 30, 2025, following their publication in the Official Gazette, in two newspapers of general circulation, and on the Supreme Court website.

Read the full text of A.M. No. 25-09-16-SC here:
https://sc.judiciary.gov.ph/25-09-16-sc-2025-transitory-rules-on-electronic-filing-and-service-in-the-supreme-court/

26/09/2025

Iginiit ng na maaaring managot ang mga bangko para sa moral damages na dinanas ng mga depositor dahil sa kapabayaan kahit na walang katibayan ng bad faith o malice.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang Banco de Oro (BDO) na bayaran sina Remedios at Angelita Antonino (Antonino) sa nalikom ng kanilang time deposit, kabilang ang PHP 100,000 bilang moral damages.

Mga U.S. green card holder na naninirahan sa ibang bansa ang mga Antonino na gumawa ng tatlong time deposit placement na may kabuuang halaga na higit sa USD 150,000 sa BDO San Lorenzo Branch sa Makati City (BDO San Lorenzo). Nakipag-ayos sila sa manager ng sangay na kung hindi ma-withdraw ang mga deposito kapag nag-mature ang mga ito, awtomatiko silang i-roll over sa mga savings account na may interes. Hindi na-redeem ang mga time deposit certificate (TDC) at itinago ang mga ito sa isang deposit box sa Banco Filipino.

Nang maglaon, nagdeklara ng pagkalugi ang Banco Filipino at tinake-over ito ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC). Itinigil ng BDO San Lorenzo ang operasyon at nagsara nang hindi nag-abiso sa mga Antonino na natuklasan lamang ang pagsasara noong sinubukan nilang bawiin ang kanilang mga investment.

Nagpadala sila ng ilang demand letter sa BDO ngunit sinabi ng bangko na na-withdraw na ang mga deposito at binanggit ang demand draft na pinirmahan umano ni Angelita. Itinanggi ni Angelita ang pagpirma sa dokumento.

Nagsampa ng reklamo ang mga Antonino laban sa BDO para bayaran sila sa kanilang time deposit.

Sa pagpasya pabor sa mga Antonino, binanggit ng Korte Suprema ang Section 9 ng mga tuntunin at kundisyon ng BDO para sa mga placement ng time deposit na nag-aatas ng pagsuko ng mga TDC kapag nag-withdraw ng mga deposito. Dahil mayroon pa ring mga sertipiko ang mga Antonino, sinabi ng Korte na hindi na-withdraw ang mga pondo.

Binigyang pansin ng Korte na sinabi ng eksperto sa PNP na posibleng peke ang lagda sa demand draft. Ipinakita rin sa mga tala ng imigrasyon at pasaporte na hindi nagpunta si Angelita sa bansa para pumirma sa draft. Dagdag pa, nabigo ang BDO na beripikahin ang pagkakakilanlan ng taong nag-withdraw ng pondo.

Dagdag pa nito, nagpakita ang mga lapses na ito ng kabiguan ng BDO na gamitin ang required diligence, lalo na kung malaking halaga ang nasasangkot.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152203.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152187.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


26/09/2025
12/09/2025

Nilinaw ng na dapat pagpasiyahan ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), dating Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), at hindi ng Regional Trial Court (RTC) ang mga alitan hinggil sa mga kontrata sa condominium.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinawalang-bisa ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang naging pasya ng RTC na may sibil na pananagutan sa isa't isa sina Vivien M. Cadungog (Cadungog) at Sung Ha Jung (Sung) dahil sa isang kontrata ng pagbebenta na kinasasangkutan ng isang condominium unit.

Sa ilalim ng kontrata, pumayag si Cadungog, isang developer ng isang condominium building sa Cebu City, na ilipat ang unit kay Sung kapag nakumpleto na niya ang pagbabayad ng PHP 3.5 milyon. Nagbayad si Sung ng PHP 175,000 na paunang bayad, at nasundan ng PHP 3 milyon. Ang naiwang balanse ay PHP 258,950. Dahil sa hindi nabayarang halaga, tumanggi si Cadungog na ilipat ang unit.

Nagsampa si Sung ng reklamong kriminal laban kay Cadungog dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. (PD) 957 o ang Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree.

Pinawalang-sala ng RTC si Cadungog sa kasong kriminal ngunit iniutos pa rin sa kanya na ilipat ang unit kapag nabuo ang bayad ng presyo ng pagbili o ibalik ang halagang nabayaran na ni Sung. Kwinestiyon ni Cadungog ang desisyong ito at iginiit niyang walang hurisdiksyon ang RTC sa sibil na aspeto ng kanyang kaso na hawak dapat ng HLURB.

Nagdesisyon ang Korte Suprema pabor kay Cadungog at idineklara nito na walang bisa ang desisyon ng RTC sa usaping sibil ng kaso.

Ipinaliwanag nito na habang maaaring mapagpasyahan sa isang kasong kriminal ang pananagutang sibil, hindi ito nalalapat kapag ang pananagutan ay nagmula sa isang kontrata, tulad ng sa kasong ito.

Binigyang-diin ng Korte na nag-ugat sa kanilang kontrata sa pagbebenta ang civil dispute nina Cadungog at Sung.

Dagdag pa ng Korte, sa ilalim ng PD 957, as amended, may eksklusibong hurisdiksyon ang HLURB (ngayon ay HSAC) sa mga kaso na kinasasangkutan ng kontraktwal at legal na mga obligasyon sa pagitan ng mga mamimili at mga developer ng mga proyekto sa real estate. May awtoridad ang HLURB sa mga ganitong kaso mula nang magsampa ng reklamo si Sung.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=151440.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=151432.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

P. J. Burgos Street Ellian Tower 2nd Floor, Room 100
Mandaue City
6014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catana Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share