Venzon, Ongson & Abcede Law Office

Venzon, Ongson & Abcede Law Office Venzon Law Office is a Bulacan Law Firm that offers a wide range of legal services and consultation since its establishment in 1998.

30/01/2026

Isinantabi ng ang kasong adultery na inihain ng kinatawan ng isang lalaki laban sa kanyang asawa. Muling iginiit ng Korte na tanging ang mismong asawang nasaktan o naagrabyado ang may karapatang magsampa ng ganitong kaso.

Sa isang desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., binaliktad ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang pasya ng Regional Trial Court (RTC) na nag-utos na muling buksan ang kasong adultery laban kina Aurel Ann Chua-Chiba at kapwa-akusado na si Michael Llona.

Nagsampa, sa pamamagitan ng isang kinatawan, ng kasong adultery at grave threats si Jin Chiba laban sa asawa niyang si Aurel at kay Michael.

Hindi pinagbigyan ng Metropolitan Trial Court (MeTC) ang kasong adultery sa dahilang tanging ang mismong asawang naagrabyado lamang ang maaaring magsampa nito.

Binaliktad ng RTC ang desisyon ng MeTC at pinagtibay na tumugon sa mga pamantayang legal ang pagsasampa ng kaso, dahil nakalakip naman sa reklamong inihain ng kinatawan ni Jin ang mismong complaint-affidavit ni Jin.

Hindi ito sinang-ayunan ng Korte Suprema at muling iginiit na ang adultery ay isang pribadong krimen na maaari lamang usigin kung may reklamong inihain mismo ng asawang inagrabyado. Binanggit ng Korte ang Rule 110, Section 5, ng Revised Rules of Criminal Procedure at ang Article 344 ng Revised Penal Code (RPC).

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na umiiral ang kahingiang ito “bilang paggalang sa panig na inagrabyado, na maaaring mas piliing tiisin na lamang nang tahimik ang dinanas na paglabag kaysa humarap sa eskandalo ng isang pampublikong paglilitis.” Pinahihintulutan ng batas ang asawang inagrabyado na magpasya kung dadalhin ba ang usapin sa hukuman o aayusin ito nang pribado.

Sa kasong ito, ang reklamong adultery ay hindi sinimulan ng mismong asawang inagrabyado kundi ng kanyang kinatawan. Bagaman nagsumite si Jin ng sarili niyang complaint-affidavit, ito ay isinama lamang bilang kalakip o annex sa reklamong inihain ng kanyang kinatawan.

Dahil hindi natugunan ang mga kahingian sa ilalim ng Revised Rules of Criminal Procedure at ng Revised Penal Code, itinuring ng Korte Suprema na walang wastong reklamo naisampa at tuluyan nitong ibinasura ang kaso.

Basahin ang kabuuan ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159759

Basahin ang kabuuang teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159743

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159748

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

30/01/2026

Sa sesyon ng En Banc ngayong Miyerkules, ika-28 ng Enero 2026, nagpasya ang Korte Suprema na kapag lampas na sa dalawang taon mula sa administrative reconstitution o muling pagsasaayos ng titulo ng lupa, hindi na kailangan ang paglalathala sa ilalim ng R.A. 26.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, tinanggihan ng Korte ang petisyon na inihain ng Republika ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, na kumuwestiyon sa pagpapatanggal ng annotation sa titulo sa lupa ni Antonio V. Mitra.

Si Mitra ay may-ari ng isang lupain sa Quezon City. Nang ipalagay na nawala o nasira ang kanyang Transfer Certificate of Title (TCT), nagsumite siya ng kahilingan para sa administratibong reconstitution ng titulo.

Alinsunod sa Republic Act (R.A.) Blg. 26, ang batas na namamahala sa reconstitution ng mga titulong nawala o nasira, ang naibalik na titulo ay may anotasyong nagsasaad na ito ay walang paglabag o pagkasira sa karapatan o interes ng sinumang partido na nakatala sa orihinal na kopya noong ito ay nawala o nasira.

Pagkalipas ng dalawampu’t pitong taon, humiling si Mitra sa Regional Trial Court (RTC) na ipabura ang anotasyon, sa dahilang wala namang sinumang nag-angkin o nagpakita ng interes sa ari-arian sa loob ng panahong iyon. Pinagbigyan ng RTC ang kahilingan at iniutos ang pagtanggal ng anotasyon. Pinagtibay naman ito ng Court of Appeals, na nagpasya na hindi na kailangan ang publikasyon at pagpapaskil dahil sa mahabang panahong lumipas mula nang ma-reconstitute ang titulo.

Bilang pag-sang-ayon sa Court of Appeals, ipinaliwanag ng Korte Suprema na sa ilalim ng R.A. Blg. 26, kakailanganin lamang ang pagpapaskil at publikasyon kung ang petisyon para ipabura ang kinakailangang anotasyon ay inihain sa loob ng dalawang taon mula sa petsa ng administratibong reconstitution, at kung wala ring inihain na petisyon para maitala ang isang interes na maaaring nakaligtaan sa loob ng panahong iyon.

Basahin ang kabuuan ng Press Briefer sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159902.

Ang buong teksto ng Desisyon sa G.R. No. 264862, Republic of the Philippines v. Antonio V. Mitra, ay ilalathala sa website ng Korte Suprema sa sandaling ito ay maging available.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

Congratulations!
07/01/2026

Congratulations!

03/01/2026

Naglabas ang ng mga gabay sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan ng may-ari o gumagamit sa isang 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa mga kasong kriminal.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol sa isang indibidwal (###) dahil sa nagawa nitong psychological violence sa ilalim ng Section 5 (i) ng 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘪𝘰𝘭𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘞𝘰𝘮𝘦𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘛𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘊𝘩𝘪𝘭𝘥𝘳𝘦𝘯 (𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘈𝘞𝘊) 𝘈𝘤𝘵 laban sa dating kasintahan (AAA) sa pamamagitan ng mapanlait na 𝘱𝘰𝘴𝘵 sa 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬.

Hinatulan si ### ng hanggang walong taong pagkakakulong at pinagmumulta ng PHP 100,000. Ipinag-utos din nitong sumailalim si ### sa 𝘱𝘴𝘺𝘤𝘩𝘰𝘭𝘰𝘨𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘴𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 o 𝘱𝘴𝘺𝘤𝘩𝘪𝘢𝘵𝘳𝘪𝘤 𝘵𝘳𝘦𝘢𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵.

Binigyang-diin ng Korte na sa mga kasong kriminal, dapat patunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati na rin ang pagkakakilanlan ng nagkasala.

Sa mga krimeng ginawa sa pamamagitan ng social media, sabi ng Korte, kailangang isaalang-alang ang mga katangian ng platform gaya ng 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬. Paliwanag ng Korte, madaling makagawa ng 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa Pilipinas, kahit ang mga nagpapanggap na labintatlong taong gulang na may 𝘦𝘮𝘢𝘪𝘭 𝘢𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴 at 𝘮𝘰𝘣𝘪𝘭𝘦 𝘯𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳. Dahil sa mga pekeng 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵, madali ring kumalat ang pekeng impormasyon, pagnanakaw ng pagkakakilanlan, o krimen.

Para matukoy ang pagmamay-ari o pagkakakilanlan ng may hawak ng 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵, kailangan patunayan ang alinman sa mga sumusunod:

1. Pag-amin ng pagmamay-ari o pagiging may-akda;
2. May nakakitang ginagamit ang account o sinusulat ang 𝘱𝘰𝘴𝘵;
3. Paglalaman ng impormasyon na alam lang ng nagkasala o ng iilang tao;
4. Lenggwaheng naaayon sa katangian ng maysala;
5. Mga rekord mula sa 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘯𝘦𝘵 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘷𝘪𝘥𝘦𝘳, 𝘵𝘦𝘭𝘦𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘢𝘯𝘺, o 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘴𝘪𝘵𝘦, at mga resulta sa 𝘥𝘦𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘯𝘴𝘪𝘤 𝘢𝘯𝘢𝘭𝘺𝘴𝘪𝘴 na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa maysala;
6. Mga kilos na naaayon sa mga dating 𝘱𝘰𝘴𝘵; o
7. Iba pang mga bagay na nagpapakita ng pagmamay-ari, pag-access o pagiging may-akda.

Gamit ng mga gabay na ito, napatunayan ng Korte na may ilang elemento nagpapakita na si ### ang nagsulat ng 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘱𝘰𝘴𝘵. Buong pangalan niya ang nasa 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘦 at kasama niya sa 𝘱𝘳𝘰𝘧𝘪𝘭𝘦 𝘱𝘩𝘰𝘵𝘰 ang anak niya sa kanyang kasalukuyang kinakasama.

Nakatanggap din ang kapatid ni AAA ng mga mensahe mula sa kaparehong 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa loob ng ilang taon. Magkapareho ang sitwasyon ng mga mensahe na nagtuturo kay ### bilang siyang gumagamit ng 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵.

Basahin ang Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158535.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158446.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


31/12/2025

The Bangko Sentral ng Pilipinas on Tuesday warned the public anew against fraudulent schemes offering financial products and services using falsified documents that bear the central bank’s name, logo, and the purported signature of an official.

In an advisory, the BSP said scammers have been circulating forged “assurance letters,” one-time password renewal requests, beneficiary bank confirmations, loan contracts, and certifications covering loans, deposits, withdrawals, fund transfers, credit cards, money changing, and investments or insurance.

Read more:
https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/970508/bsp-warns-of-scams-using-fake-documents-logos-and-signature/story/

31/12/2025
May the magic of Christmas bring hope, peace, and love to each and everyone. MERRY CHRISTMAS!
25/12/2025

May the magic of Christmas bring hope, peace, and love to each and everyone. MERRY CHRISTMAS!

22/12/2025

Nagpasya ang na bagama’t nananatiling pribado ang mga detalyeng pinansiyal ng mga deposito sa bangko, pinahihintulutan ng Cybercrime Prevention Act ang pagbubunyag ng impormasyon ng mga may-ari ng bank account para sa mga imbestigasyon kaugnay ng mga kasong cybercrime.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, tinanggihan ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng EastWest Rural Bank (EastWest) na kumukwestiyon sa warrant to disclose computer data (WDCD) na inisyu ng hukuman at sa kasunod na Disclosure Order na inilabas ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na nag-aatas sa kanila na ibunyag ang impormasyon ng may-ari ng isang EastWest bank account.

Nais ng mga otoridad na makuha ang impormasyon tungkol sa may-ari ng EastWest bank account kung saan inilipat ang pera ni Leonard Vendiola matapos siyang maloko ng isang tumawag na nagpapanggap na empleyado ng bangko.

Iniulat ni Vendiola sa PNP-ACG na naloko siya ng tumawag na nagpakilalang empleyado ng bangko na nangako ng gantimpala kapalit ng pagbibigay ng kanyang email at one-time password. Nang suriin niya ang kanyang bank account, nalaman niyang na-transfer ang halagang PHP 10,000 sa isang EastWest account.

Nag-apply ang PNP-ACG para sa isang WDCD para matukoy ang may-ari ng EastWest account na sangkot sa umano’y scam. Pinahintulutan ito ng Regional Trial Court, na nagbigay pahintulot sa PNP-ACG na pilitin ang EastWest na ibunyag at panatilihin ang datos na may kaugnayan sa may-ari ng account. Alinsunod dito, nag-isyu ang PNP-ACG ng Disclosure Order sa EastWest.

Hinamon ng EastWest ang warrant at nangatwiran na mahigpit na nagbabawal sa mga bangko ang Bank Secrecy Law na magbunyag ng anumang impormasyon tungkol sa mga deposito dito kabilang ang pagkakakilanlan ng may hawak ng account. Nanindigan ito na nananatiling may bisa ang panuntunang ito dahil hindi ito pinawalang-bisa ng Cybercrime Prevention Act.

Iginiit din ng EastWest na hindi ito dapat sumailalim sa mga panuntunan sa pagsisiwalat ng Cybercrime law dahil isa itong institusyong pinansiyal sa halip na isang communications service provider.

Tinanggihan ng Korte Suprema ang mga argumentong ito at kinatigan ang bisa ng Warrant to Disclose Computer Data at Disclosure Order.

Nilinaw ng Korte Suprema na bagama’t pinoprotektahan ng Bank Secrecy Law ang pagiging kumpedinsyal ng mga bank deposit at ng kanilang mga detalyeng pinansiyal, hindi nito ipinagbabawal ang pagbubunyag ng mga pangunahing impormasyong pagkakakilanlan kapag pinahihintulutan ng batas. Sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act, maaaring hilingin ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, sa bisa ng isang warrant na inisyu ng hukuman, ang pagbubunyag ng mga computer data na kinakailangan para imbestigahan ang mga krimeng may kinalaman sa cybercrime.

Nagpasya rin ang Korte Suprema na itinuturing ang EastWest na isang service provider sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act dahil ang mga digital banking service nito—tulad ng mga online banking platform, mobile application, at mga awtomatikong abiso sa pamamagitan ng email—ay nagpapahintulot sa mga kliyente na makipag-ugnayan at magsagawa ng mga transaksyon sa pamamagitan ng mga computer system. Bilang isang institusyong pampinansiyal, nagpoproseso at nag-iimbak din ng malaking halaga ng computer data kapwa sa takbo ng sarili nitong operasyon at sa ngalan ng mga kliyente nito ang EastWest, kaya’t saklaw ito ng batas hinggil sa pagbubunyag ng computer data kapag pinahintulutan ng warrant na inisyu ng hukuman.

Basahin ang press release sa http://sc.judiciary.gov.ph/?p=157653

Basahin ang Desisyon sa http://sc.judiciary.gov.ph/?p=157646

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


22/12/2025

Pinagtibay ng ang hatol laban sa tatlong pulis sa kasong murder o pagpaslang sa 17-anyos na si Kian delos Santos (Kian) sa isang operasyon laban sa ilegal na droga sa Lungsod ng Caloocan noong 2017.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, idineklara ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema na guilty sa kasong murder ang mga pulis na sina Arnel Oares (Oares), Jeremias Pereda (Pereda), at Jerwin Cruz (Cruz). Hinatulan sila ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong at inutusan na magbayad sa pamilya ni Kian ng PHP 275,000 bilang danyos.

Gayunman, binago ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals sa pamamagitan ng pagtanggal sa pariralang “without eligibility for parole.” Ipinapataw lamang ang ganitong kondisyon kapag may mga pangyayaring nagbibigay-katwiran sa parusang kamatayan, na hindi naman napatunayan sa kasong ito.

Noong gabi ng Agosto 16, 2017, nakita ng mga saksi na pinigilan at kinapkapan ng mga pulis si Kian sa Baesa, Lungsod ng Caloocan. Matapos umanong makakita ng pinaghihinalaang droga, sinuntok ng mga pulis si Kian na umiiyak at nagmamakaawang pauwiin dahil may pagsusulit pa siya kinabukasan.

Pinilit ng mga pulis si Kian na hawakan ang isang tuwalyang nakatakip sa isang bagay na mistulang baril at pinatayo siya habang nakataas ang kanyang damit para matakpan ang kanyang ulo. Narinig ng mga saksi ang isang pulis na nagtatanong kung dadalhin ba si Kian sa presinto, na sinagot naman ng iba ng, “ibaba na lang natin ito.”

Kinaladkad ng mga pulis si Kian patungo sa isang madilim na lugar malapit sa ilog. Makalipas ang ilang sandali, pinagbabaril si Kian nina Oares at Pereda, habang nakabantay si Cruz.

Hinatulan ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals ang mga pulis ng kasong murder at ipinataw ang parusang reclusion perpetua nang walang karapatang magparole.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol at sinabing napatunayan ang lahat ng elemento ng krimeng murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code.

Sa kasong ito, inamin ni Oares na siya ang bumaril kay Kian. Kinumpirma ng mga saksi at ng ebidensiyang forensic na ang mga pulis ang responsable sa pagpatay. Ipinakita ng pagsusuri sa katawan ni Kian na mayroon siyang limang tama ng bala, dalawa sa mga ito ay sa ulo.

Sinabi ng Korte Suprema na may kasamang treachery ang pagpatay. Tumestigo ang isang medico-legal officer na malamang na nakaupo o nakaluhod nang barilin si Kian batay sa mga tama ng bala. Pumasok ang mga bala mula sa tagiliran at likod ng kanyang ulo na nagpapakitang malamang ay hindi niya nakita ang mga umatake sa kanya at wala siyang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Natuklasan din ng Korte Suprema na sadyang dinala ng mga pulis si Kian sa isang liblib na lugar at inilagay siya sa isang kalagayang walang kalaban-laban, na nagbigay-daan para maisagawa ang krimen nang walang hadlang at matiyak ang tagumpay nito.

Hindi pinaniwalaan ng Korte Suprema ang pahayag ni Oares na ginagawa lamang niya ang kanyang tungkulin. Binigyang-diin ng Korte na hindi maituturing na karaniwan sa ganitong operasyon ang pagpatay sa isang menor de edad at hindi rin kasama ang pagpatay sa pagganap ng tungkulin.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158265.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158245.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


14/12/2025

HOW THE SUPREME COURT JUSTICES VOTED IN THE PHILHEALTH DECISION

G.R. No. 274778, Aquilino Pimentel III et al. v. House of Representatives et al.
G.R. No. 275405, Bayan Muna Chairman Neri Colmenares et al. v. Executive Secretary Lucas P. Bersamin et al.
G.R. No. 276233, 1Sambayan Coalition et al. v. House of Representatives et al.

On December 3, 2025, the unanimously ordered the return to PhilHealth of PHP 60 Billion funds previously transferred to the National Treasury and permanently prohibited the transfer of the remaining PHP 29.9 billion fund balance.

In this , see how the Justices voted on the other issues discussed in the ruling.

For more, read the press release and full text of the Decision, and the opinions of the Justices:

Read the full text of the press release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156834

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156755

Read the Separate Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156760

Read the Concurring Opinion of Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156766

Read the Separate Concurring and Dissenting Opinion of Associate Justice Ramon Paul L. Hernando at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156771

Read the Separate Concurring Opinion of Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156776

Read the Separate Concurring Opinion of Associate Justice Rodil V. Zalameda at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156781

Read the Separate Concurring Opinion of Associate Justice Samuel H. Gaerlan at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156786

Read the Concurring Opinion of Associate Justice Ricardo R. Rosario at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156792

Read the Separate Concurring Opinion of Associate Justice Jhosep Y. Lopez at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156797

Read the Separate Opinion of Associate Justice Japar B. Dimaampao at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156802

Read the Separate Opinion of Associate Justice Jose Midas P. Marquez at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156807

Read the Separate Concurring Opinion of Associate Justice Maria Filomena D. Singh at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156812

Read the Separate Opinion of Associate Justice Raul B. Villanueva at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156820

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

Address

Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Venzon, Ongson & Abcede Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Venzon, Ongson & Abcede Law Office:

Share