Order of the Knights of Rizal - Plaridel Chapter

Order of the Knights of Rizal - Plaridel Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Order of the Knights of Rizal - Plaridel Chapter, Lawyer & Law Firm, Casa Real Shrine, Paseo del Congreso St., Liyang, Malolos.

Ginunita ng mga Bulakenyo ang Ika-125 Taong Anibersaryo ng Kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal sa Casa Real de Malolos sa p...
30/12/2021

Ginunita ng mga Bulakenyo ang Ika-125 Taong
Anibersaryo ng Kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal sa Casa Real de Malolos sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando. Dito naganap ang unang paggunita para noong Disyembre 1898 alinsunod sa proklamasyon ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Hinikayat ni Gobernador Fernando ang mga Bulakenyo na sikaping tularan ang pagpapagal ni Dr. Rizal para sa Kalayaan sa kolonyalismo. Ngayon aniya ay dapat lalong magsumikap para sa Kalayaan sa pandemya ng COVID-19. Kinatigan naman ito ni Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian na nagsabing, dapat matandaan ng bawat isa na ang tunay na kabayanihan ay ang tamang pagtupad sa tungkuling itinakda. Taong 1896 nang bitayin si Dr. Rizal sa Bagumbayan.(Shane F. Velasco)

Paglulunsad ng Buwan ni Rizal ng Order of the Knights of Rizal at Pasinaya sa Bagong Halal na Supreme Council 2021-2023K...
15/12/2021

Paglulunsad ng Buwan ni Rizal ng Order of the Knights of Rizal at Pasinaya sa Bagong Halal na Supreme Council 2021-2023

Kapiling ang Punong Mahistrado Alexander Gesmundo ng Kataastaasang Hukuman ng Republika ng Pilipinas

Binuksan ang isang eksibisyon na nagtatampok ng mga Pamana ng mga Kadalagahan ng Malolos sa larangan ng Kaluto, Kabuhaya...
12/12/2021

Binuksan ang isang eksibisyon na nagtatampok ng mga Pamana ng mga Kadalagahan ng Malolos sa larangan ng Kaluto, Kabuhayan, Kasuotan at Kabahayan sa Centro Escolar University (CEU)-Malolos. Inorganisa ito ng Women of Malolos Foundation Inc. (WOMFI) at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos bilang pagdiriwang ng Ika-133 Taong Anibersaryo ng Pag-Apela ng mga Kadalagahan ng Malolos kay Spanish Governor General Valeriano Wayler upang mapayagang makatamo ng edukasyon. Nag-alay din ng bulaklak sa orihinal na lugar sa Kamistisuhan District kung saan naitatag ang paaralang pinasukan ng mga kadalagahan. Sila ang pinadalan ng sulat ni Dr. Jose Rizal bilang pagpupugay sa katapangan na igiit ang kanilang karapatang makapag-aral.(Shane F. Velasco)

https://pia.gov.ph/news/articles/1062750
04/01/2021

https://pia.gov.ph/news/articles/1062750

LUNGSOD NG MALOLOS, Enero 3 (PIA) — Ginunita ng mga Bulakenyo ang Ika-124 Taong Anibersaryo ng Kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal, sa pamamagitan ng pagkakalagda sa Batas Rizal ng Malolos. Ito ang Kapasyahang Panglungsod 87-2020 na buong pagkakaisang pinagtibay ng Sangguniang Panglungsod ng...

Sentro ng paggunita ng mga Bulakenyo sa Ika-124 Taong Anibersaryo ng Kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal ang pormal na pagp...
30/12/2020

Sentro ng paggunita ng mga Bulakenyo sa Ika-124 Taong Anibersaryo ng Kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal ang pormal na pagpapatibay sa Kapasyahang Panglungsod 87-2020 ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos. Tungkol ito sa paglikha ng komite para sa angkop na pamamaraan sa pag-alaala kay Dr. Rizal at ang kanyang kaugnayan sa Malolos alinsunod sa probisyon ng Republic Act 229. Permanente nang aalalahanin sa Malolos ang kanyang kaarawan ng Hunyo 19, Petisyon ng Kadalagahan ng Malolos ng Disyembre 12, Pagsulat ni Rizal sa mga Kadalagahan ng Malolos ng Pebrero 22, Pagdating ni Rizal sa Malolos ng Hulyo at ang Disyembre 30 na kanyang kabayanihan. Sa Casa Real de Malolos ginanap ang kauna-unahang paggunita sa kamatayan ni Rizal, nang ideklara ni noo'y Pangulong Emilio Aguinaldo ang petsang ito bilang araw ng pagluluksa. Kaya't sa lugar na ito ay taun-taong isinasagawa ang pag-aalaala sa kabayanihan ni Rizal sa inisyatibo ng Order of the Knights of Rizal sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Ginugunita natin ngayong Agosto 16, ang Ika-109 Taong Anibersaryo ng Pagkamatay ni Donya Teodora Alonso, ang ina ni Dr. ...
16/08/2020

Ginugunita natin ngayong Agosto 16, ang Ika-109 Taong Anibersaryo ng Pagkamatay ni Donya Teodora Alonso, ang ina ni Dr. Jose P. Rizal. Siya ang unang naging g**o ni Rizal bilang nagturo kung paano bumasa at sumulat. Ang naging karamdaman ni Donya Teodora sa Mata ang naging inspirasyon ni Rizal upang maging isang espesyalista sa mata. Bago siya namatay noong Agosto 16, 1911, tinanggihan niya ang alok ng Pamahalaang Sibil ng Amerika sa Pilipinas na bigyan siya ng pensiyon bilang ina ng isang naging bayani. Sa halip ay hiniling niya na ibaba na lamang ang buwis na sinisingil ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

08/08/2020

For the first time, a new movie will herald the heroism of Paciano Rizal, Jose Rizal’s older brother who has largely been relegated in the shadows of Philippine history and cinema.   

Ngayong araw na ito noong 1892, 128 taon ang nakakaraan, dumating si Dr. Jose P. Rizal sa Dapitan sa Zamboanga nang ipat...
17/07/2020

Ngayong araw na ito noong 1892, 128 taon ang nakakaraan, dumating si Dr. Jose P. Rizal sa Dapitan sa Zamboanga nang ipatapon siya rito ng Pamahalaang Kolonyal ng Espanya. Sa mahabang panahon na pagkakapiit niya rito sa 'kulungang walang rehas', inilaan niya ang kanyang oras sa produktibidad. Ginawa niya ang urban planning ng Dapitan na modelo ng kanyang gustong mangyari sa noo'y ninanais na malayang Pilipinas. Binigyang diin niya rito ang kahalagahan ng pagsasaka at reporma sa lupa na nakikita niyang hahango nang ganap sa kahirapan ng mga Pilipino. Gayundin ang malaking papel ng agham at teknolohiya sa pagsulong ng Pilipinas bilang isang malayang bayan. In Dapitan, Dr. Rizal really practiced what he preached.

19/06/2020
Tagalog News: Pagiging frontliner ni Rizal, patuloy na gawing inspirasyon-NHCP
19/06/2020

Tagalog News: Pagiging frontliner ni Rizal, patuloy na gawing inspirasyon-NHCP

LUNGSOD NG MALOLOS, Hunyo 19 (PIA) — Hinikayat ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP ang mga Bulakenyo na patuloy na gawing inspirasyon ang pagiging isang frontliner ni Jose P. Rizal, sa kanyang panahon bilang doktor ngayong patuloy ang laban sa COVID-19. Sa isang tahimik...

Simpleng ipinagdiwang ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Order of the Knights of Rizal ang I...
19/06/2020

Simpleng ipinagdiwang ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Order of the Knights of Rizal ang Ika-159 Taong Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal sa Casa Real de Malolos. Ito'y sa pamamagitan ng pagtataas sa watawat ng Pilipinas habang inaawit ang Lupang Hinirang at pag-aalay ng bulaklak sa kanyang busto sa bakuran nitong Casa Real. Ayon kay Nett Jimenez, kurador ng NHCP sa Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas dito sa Casa Real, sa lugar na ito unang ginunita ng bansa ang kabayanihan ni Dr. Rizal noong Disyembre 1898. Sa lugar na ito idineklara ni noo'y Pangulong Emilio Aguinaldo na ang Disyembre 30 ay araw ng pagluluksa kay Rizal, sapagkat ang Malolos noon ang kabisera ng unang Republika.

Address

Casa Real Shrine, Paseo Del Congreso St., Liyang
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Order of the Knights of Rizal - Plaridel Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share