23/11/2021
Namamana ba ng anak ang utang ng namatay na magulang?
May mga naniniwalang kapag namatay ang isang tao, mawawala na rin ang mga utang nito. Ngunit sa ating batas, hindi kinikilala ang doktrinang ito. Ayon sa Article 774 ng Civil Code of the Philippines, ang mga ari-arian, karapatan, at obligasyon ng isang taong namatay ay maaaring ipasa sa mga decedent o tagapagmana nito, kagaya na lamang ng mga anak nito. Ang utang nito ay itinuturing na kaniyang obligasyon at maaari itong ipasa. Ngunit may limitasyon ito. Ayon sa parehong probisyon ng batas, limitado lamang sa natanggap na mana ang utang na naipapasa sa tagapagmana. Hindi ito maaaring singilin ng higit sa nakuha nitong mana. Sa katunayan, ang lahat ng utang ng isang namatay na tao ay dapat sinisingil sa estate niya at hindi direkta sa mga tagapagmana.