21/07/2026
As Law Professor sa ayaw at gusto mo kapag estudyante kita magiging humble ka!
"Huwag mayabang."
Iyan ang kalimitang advice ng mga abogado sa mga papasok sa law school. Sabi nila, law school has a way of humbling you. Equalizer daw ito. Hindi mahalaga kung laude ka, top ng batch, o marami ka nang na-achieve bago ka pumasok. Kapag tinawag ang pangalan mo para mag-recite, pare-pareho kayong haharap sa parehong tanong, parehong kaba, at parehong posibilidad na magkamali.
At totoo nga.
Unti-unti ring tumimo sa isip ko na sa law school, walang pakialam ang lahat kung author ako, kung ilan na ang naisulat kong libro, o kung ano pa ang mga naabot ko bago ako umupo sa classroom na iyon. Hindi ka bibigyan ng dagdag na puntos dahil sa pangalan mo. Hindi ka ililigtas ng achievements mo kapag hindi mo alam ang batas. Sa huli, ang mahalaga ay kung gaano ka kahandang matuto.
At sa tingin ko, iyon ang isa sa pinakamagandang leksyon na itinuturo ng law school, ang maging mapagkumbaba o humility.
Humility is acknowledging that no matter how much you've accomplished, there is always more to learn. The moment you think you've already arrived is often the moment you stop growing.
Kaya siguro paulit-ulit tayong pinapababa ng law school—not to break our confidence, but to strip away our pride. Dahil mas madaling turuan ang pusong marunong magpakumbaba kaysa sa isip na naniniwalang alam na nito ang lahat.
At kung may isa mang achievement na dapat nating dalhin hanggang maging abogado tayo, hindi iyon ang dami ng awards o titles. Sana, dala pa rin natin ang puso ng isang estudyanteng handang matuto, handang tumanggap ng pagkakamali, at handang magpakumbaba. Dahil sa propesyong ito, humility is not a sign of weakness. It's one of the foundations of wisdom.
Padayon! ⚖️💜🙏✨️
PS. Featuring this cutie pen holder made by my professor (IG) 💜 Thank you po, Atty. Alex 😍