26/08/2026
OO, posible, pero hindi ibig sabihin na pwede siyang basta-basta paalisin.
Kung expired na ang written lease, hindi nangangahulugan na puwede nang basta-basta palabasin ang tenant. Kapag nagpatuloy siyang tumira at patuloy namang tinatanggap ng landlord ang renta, maaaring magkaroon ng implied new lease under Article 1670 of the Civil Code, depende sa mga pangyayari.
Sa kabilang banda, kung ang lease ay talagang natapos na at wala nang legal na dahilan para ipagpatuloy ang possession, maaaring magkaroon ng ground para hilingin ang pagbabalik ng possession. Article 1673 of the Civil Code recognizes expiration of the applicable lease period, nonpayment of rent, violation of lease conditions, and certain improper uses of the property as grounds for judicial ejectment.
Pero hindi ibig sabihin nito na puwede nang self-help eviction.Hindi dapat basta:
❌ Palitan ang lock
❌ Itapon ang mga gamit ng tenant
❌ Putulan ng tubig o kuryente para mapilitan siyang umalis
❌ Pisikal na paalisin ang tenant
Kung ayaw niyang umalis, kailangang sundin ang tamang legal process, na maaaring magsimula sa proper notice/demand and, when necessary, an ejectment case. The Supreme Court has recognized the importance of the demand to vacate as part of the process in appropriate ejectment cases.
At isa pang mahalagang tanong: covered ba ang apartment ng Rent Control Act?
Kung covered ng R.A. No. 9653 (Rent Control Act of 2009) ang residential unit, may mga espesyal na rules tungkol sa ejectment at termination of lease na kailangang isaalang-alang.
Sa madaling salita:
May karapatan ang landlord na bawiin ang possession ng property, pero kailangang sundin ang tamang proseso. Hindi sapat na sabihin lang na “expired na ang kontrata.”
Hindi lahat ng sitwasyon ng landlord at tenant ay pare-pareho. Ang tamang proseso ay depende sa kontrata, dahilan ng pagpapaalis, at mga pangyayari sa bawat kaso.