08/10/2026
Inaprubahan ng ๐๐ฏ ๐๐ข๐ฏ๐ค ng , sa sesyon nito noong Oktubre 7, 2026, ang mga pagbabago sa ๐๐ถ๐ญ๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ง ๐๐ฐ๐ถ๐ณ๐ต (A.M. No. 25-03-14-SC) tungkol sa petisyon para kilalanin ang diborsyong nadeklara sa ibang bansa, kung saan hindi na kakailanganing patunayan ng asawang Pilipino ang banyagang batas at tanging ang mismong diborsyo na lang ang kailangan patunayan.
Sa ilalim ng mga pagbabago, na magkakabisa 15 araw matapos itong mailathala sa ๐ฌ๐๐๐จ๐๐ฉ๐ ng Korte Suprema, hindi na kailangang patunayan ng mga Pilipinong asawa na naghahain ng petisyon para kilalanin ang isang diborsyong isinagawa sa ibang bansa, alinsunod sa Artikulo 26(2) ng ๐๐๐ข๐๐ก๐ฎ ๐พ๐ค๐๐, kung ano ang naaangkop na batas ng nasabing bansa. Ang kailangan na lamang nilang patunayan ay na talagang naganap ang diborsyo sa ibang bansa.
Ipinakikilala ng mga pagbabago ang Seksyon 48-A ng Rule 39, na nagtatakda ng pagpapalagay na ang diborsyong isinagawa sa ibang bansa sa pagitan ng isang Pilipino at dayuhang asawa ay nagbibigay-daan sa dayuhang asawa na muling magpakasal alinsunod sa batas ng kanyang bansa, maliban kung malinaw na nakasaad mismo sa ๐๐๐๐ง๐๐ ng diborsyo na ito ay isang limitadong uri lamang ng diborsyo.
Sa ilalim ng bagong tuntunin, ang panig na tumututol sa petisyon ang siyang kailangang magpatunay na hindi ganap ang diborsyo.
Ipinapalagay rin sa bagong tuntunin na tama at tumpak ang salin sa Ingles ng isang dokumento ng diborsiyo mula sa ibang bansa, bastaโt pinanunumpaan ng tagapagsalin na ito ay wasto at tumpak.
Maaaring pabulaanan ang mga pagpapalagay na ito sa pamamagitan ng salungat na ebidensiya, alinsunod sa Seksyon 3 ng Rule 131.
Gayunman, hindi pinapalitan ng mga pagbabagong ito ang umiiral na legal na balangkas. Kinakailangan pa rin ang paghahain ng petisyon para sa ๐๐ช๐๐๐๐๐๐ก ๐ง๐๐๐ค๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ng isang diborsiyong ipinagkaloob sa ibang bansa, at nananatiling pareho ang mga kahingiang itinatadhana sa Artikulo 26(2) ng ๐๐๐ข๐๐ก๐ฎ ๐พ๐ค๐๐.
Maaari pa ring tutulan ang pagkilala sa diborsiyong ipinagkaloob sa ibang bansa batay sa mga kadahilanan gaya ng kawalan ng hurisdiksiyon, kakulangan ng pabatid, panlilinlang, o malinaw na pagkakamali sa batas o sa mga pangyayari.
Inaprubahan ang mga pagbabagong ito batay sa rekomendasyon ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, at matapos makipag-ugnayan kina Kasangguning Mahistrado Amy C. Lazaro-Javier at Jhosep Y. Lopez, gayundin sa Sub-Technical Working Group on the Concerns of Overseas Working Filipinos Regarding the Recognition of Foreign Divorce Decrees/Reports (Sub-TWG).
Sa pamamagitan ng mga pagbabagong ito, layunin ng Korte Suprema na alisin ang mga hindi nararapat na balakid at gawing mas madali para sa mga Pilipino ang pagtamasa ng kanilang mga karapatang itinatadhana ng batas.
Basahin ang kabuuang ๐๐ง๐๐จ๐จ ๐ฝ๐ง๐๐๐๐๐ง sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174621.
Ang buong teksto ng ๐๐ฃ ๐ฝ๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ค๐ก๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ ng Korte Suprema, A.M. No. 25-03-14-SC, ay ipapaskil sa ๐ฌ๐๐๐จ๐๐ฉ๐ ng Korte Suprema sa sandaling ito ay maging available.
Sumunod sa ๐พ๐ง๐๐๐๐ฉ ๐ผ๐ฉ๐ฉ๐ง๐๐๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ก๐๐๐ฎ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.