02/02/2026
Humble opinion ko lang po. Sa aking pananaw, hindi po ganap na accurate ang pahayag ni Mayor Olaso na: “HINDI PO AKO MAY-ARI, HINDI PO AKO CO-OWNER NG ALESON SHIPPING LINES.”
Bakit po?
Batay sa mga dokumento at sa mismong pag-amin ni Mayor, ang kanyang misis ay may shares sa Aleson Shipping Lines.
Ano ang kahulugan nito?
Dahil sila ay kasal, umiiral ang presumption sa ilalim ng Family Code na ang kanilang mga ari-arian ay bahagi ng community property o conjugal partnership, maliban na lamang kung may malinaw na ebidensiyang nagpapatunay na hiwalay ito.
Samakatuwid, ang shares na nakapangalan sa kanyang misis ay itinuturing na bahagi ng kanilang conjugal property. Ibig sabihin, may direct pecuniary interest si Mayor sa nasabing shares. Sa madaling sabi, may interes din siya bilang may-ari.
Gaya ng sinabi ng Korte Suprema sa kasong Caballero v. Sandiganbayan, G.R. Nos. 137355–58, September 25, 2007:
“…even if these entities were registered in his wife’s name and not in his own name, still [the mayor] would have a direct interest thereon because they remained married to each other and as such their property relations can be presumed to be under the regime of conjugal partnership of gains, in the absence of evidence to the contrary.”
Yun lamang po. Salamat.