06/08/2026
ANG MANG MANG AT ANG MGA HANGAL.
madali lang makilala ang diyos yan ang sabi ng mga hangal. dahil ang salita ng diyos ay nagtataglay ng karunungan ukol sa tama at kabutihan.
Pero ang pagsunod sa utos ng diyos, ay hindi kayang unawain at sundin ng mga hangal. Kagaya ng utos na gaya nito
"huwag kayong humatol, upang kayo ay hindi hatulan ng diyos. Sapagkat kung paano kayo humatol sa inyong kapwa, sa ganoon din kayo hahatulan ng diyos."
at ang utos na tulad nito.
huwag kayong humusga, sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa panghuhusga sa inyong kapwa, ay yon din ang panukat na gagamitin ng diyos laban sa inyo"
at ito pa
"huwag ninyo gantihan ng masama ang masama. Sa halip ay daigin ninyo ng kabutihan ang kasamaan"
sabi ng mang mang, kung madali makilala ang diyos sa kanyang mabubuting salita at gawa. Mas madaling malaman at makilala ang mga hangal sa kanilang pananalita at gawa sa pamamagitan ng tatlong utos na ito ng diyos. Na ipinahayag ng panginoong jesus ipinangaral at itinuro sa mga tao.
Ang binibigkas ng mga hangal ay salita ng diyos, pero ang pang unawang itinuturo ng mga hangal nagmula sa kanilang sariling kaalaman. At ipinagpapalagay ng mga hangal sa kanilang mga sarili na sila ay napaka runong sa salita ng diyos, at inaakala nila sa kanilang sarili na sila lang ang totoong may nalalaman ukol sa salita ng diyos.
Sa kanilang pagmamarunong ang mga hangal ay hindi nalalaman na sila ay mga nagmamataas sa diyos. Dahil sa pagmamarunong nila at pagmamataas ay hindi nila nakikita at nalalaman na ang pagpapakilala sa diyos na pinagmumulan at nagmamay ari ng salitang ginagamit nila sa pangangaral, pagtuturo,at ang pang aakay ay siyang dapat makilala, parangalan, at papurihan.
Pero sa halip na itaas sa diyos ang pagpapakilala, pagpupuri, para sa pagbibigay ng karangalan. Ang ginagawa ng mga hangal ,ipinapahayag nila una , ay ipakilala ang kanilang sariling pangalan antas ng kaalaman at titulo bilang tagapagpahayag sa salita ng diyos. kasunod ay ipapakilala ang pangalan ng kanilang simbahan at pangalan ng kanilang grupo. Pagkatapos ipakilala ang sariling pangalan, kaalaman, titulo, pangalan simbahan at grupo na kanyang kinabibilangan. Siya ay magbabasa ng mga tinatawag na talata, kasunod ay bibigkasin niya ang salita ng diyos. Pagkatapos niya bigkasin ang salita ng diyos, ipapaunawa niya ang kahulugan ng salita ng diyos na kanyang binigkas mula sa sarili niyang kuro kuro. Pagkatapos magbigay ng kanyang sariling kuro kuro o kaunawaan, ay saka niya sasabihin na yon ay mula sa diyos. At pagkatapos niya sabihin na iyon ay mula sa diyos. Hihiling siya ng palakpakan , at ibig niyang siyay purihin at pasalamatan at siyay makilala na mahusay at marunong sa salita ng diyos. At sa huli ang mga nakinig sa kanyang kuro kuro at sariling unawa, ay nais niyang magsi alis sa mga dating kinaaanibang simbahan at grupo upang magsilipat sa kanyang grupo at simbahan kung saan siya kabilang at kaanib. At sasabihin ng mga hangal na nag kuro kuro mula sa sariling kaunawaan, kami ang tunay na relihiyon, kami ang tunay na nakakaalam sa aral at salita ng diyos. Kaya ang aming grupo at simbahan ang totoong makakapagligtas sa mga tao. At sa pinaka huli ang gagawin ng mga hangal upang makasig**ong lilipat sa kanyang grupo ang mga nakinig sa kanyang mga kuro kuro ay lalaitin niya simbahan at grupo na dati niyang kinaaaniban. At kapag ang mga nakinig ay hindi naniwala sa kuro kuro ng mga hangal, sasabihin niyang hindi kayo maliligtas. Kami lang.
Matapos mapakinggan ng isang mang mang ang pahayag ng isang hangal. Pinakinggan naman niya ang sinabi ng panginoong jesus. At ito ang itinuro ng panginoong jesus sa mang mang. " HINDI AKO NAPARITO SA SANLIBUTAN, UPANG MAGDULOT NG PAGKAKAWATAK WATAK, PAGKAKABAHA BAHAGI, PAGKAKAROON NG PAGKAKA GALIT GALIT. SA HALIP AKO AY NAPARITO UPANG MAGSILBING ILAW. AKO ANG ILAW NG SANLIBUTAN , ANG LUMALAPIT SA ILAW AY MAGKAKAROON NG KALIWANAGAN. ANG AYAW SA KALIWANAGAN AY NANANATILI SA KADILIMAN, AT SA KANYA AY PURO KADILIMAN AT WALANG KALIWANAGAN. nakinig pa ang mang mang sa panginoong jesus at muli nagsalita ito sa mang mang at sinabi: AKO ANG DAAN, ANG BUHAY AT ANG KATOTOHANAN. WALANG SINUMAN ANG MAKAKAPAROON SA DIYOS, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO. at narinig pa ng mang mang ang sinabing ito: AKIN ANG KAPURIHAN AT KARANGALAN, WALANG SINUMAN ANG MAKAKAANGKIN NITO. AT HINDI KO ITO IBIBIGAY KANINUMAN.
Matapos mapakinggan ng mang mang ang mga salitang ito NG PANGINOONG JESUS AY AGAD NAGSAGAWA NG PAGSASALIKSIK ANG MANG MANG AT NAGBASA NG BIBLIYA. AT DITO AY NALAMAN NIYANG SI JESUS PALA AY NAGMULA SA DIYOS. KAHIT ITO AY NAMUHAY BILANG TAO, ANG KATOTOHANAN SI JESUS AY BUNGA NG ESPIRITU. AT DITO NAPAGTANTO NG MANG MANG, KUNG MERON MAN SIYANG ITUTURING NA TOTOONG PARI AT PASTOR WALANG IBA KUNDI ANG PANGINOONG JESUS. KUNG MERON MANG MAGPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS MANGARAL AT MAGTUTURO SA KANYA WALANG IBANG DAPAT ITURING NA G**O KUNDI ANG PANGINOONG JESUS. WALANG IBANG DAPAT PANIWALAAN PAKINGGAN UKOL SA SALITA NG DIYOS KUNDI ANG PANGINOONG JESUS. DAHIL KUNG MAY LUBOS MANG NAKAKAALAM SA DIYOS NA MAKAKAPAG SABI NG TOTOO TUNGKOL SA DIYOS, YON AY WALANG IBA KUNDI ANG PANGINOONG JESUS.
MULA NOON , ANG MANG MANG AY HINDI NA NAKIKINIG AT NANINIWALA SA MGA TURO AT ARAL NG MGA HANGAL NA MAS INAANGAT ANG SARILI MAS PINAPAHALAGAHAN ANG SARILING GRUPO AT SIMBAHAN KESA IBAHAGI ANG SALITA NG DIYOS PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT NG TAO. MAS IPINAKIKILALA ANG SARILI, KESA IPAKILALA ANG PANGINOONG JESUS PARA SA KARANGALAN NG DIYOS. INAAGAW AT INAANGKIN NG MGA HANGAL ANG PAGKILALA SA PANGINOONG JESUS BILANG G**O AT ANG PAURI AT KARANGALANG PARA SA DIYOS.
BITBIT NG ISANG MANG MANG ANG PANINIWALA NA WALANG IBANG G**O KUNDI ANG PANGINOONG JESUS. NAGING BAON NIYA ARAW ARAW ANG ISANG SALITA MULA SA PANGINOONG JESUS NA LABIS NIYANG PINANIWALAAN AT PINAGKATIWALAAN. YON AY ANG SINABI NG PANGINOONG JESUS NA SIYA ANG DAAN, ANG BUHAY AT ANG KATOTOHANAN. ITINURING NG MANG MANG NA G**O AT PANGINOON ANG PANGINOONG JESUS SA PAMAMAGITAN NG PAKIKINIG SA MGA SALITANG ITINUTURO AT IPINAPANGARAL MISMO NG PANGINOONG JESUS. WALA NG IBANG SALITA O TURO NA PINAKINGGAN AT PINANIWALAAN ANG MANG MANG KUNDI ANG KANYANG TUNAY AT NAG IISANG G**O LAMANG, ANG NAG IISANG PANGINOONG JESUS.
SA PAG LIPAS NG PANAHON, ANG NAG IISANG SALITA, MULA SA NAG IISANG PANGINOON, NA BINAON NG MANG MANG SAN MAN SIYA MAGPUNTA AY NATANIM SA KANYANG PUSO AT ISIPAN AT KATULAD NG ISANG BINHING ITINANIM,TUMUBO AT YUMABONG. PINASAGANA SA KANYA NG DIYOS ANG PAGKA UNAWA SA KANYANG SALITA. AT MULA SA NAG IISANG SALITA NA PARANG BINHI AY UMANI ANG MANG MANG NG SAGANANG SALITA MULA SA MGA IPINAPAHAYAG AT ITINUTURO SA KANYA NG PANGINOONG JESUS. KAYANG ANG NAG IISANG SALITA NA BINABAON NIYA ARAW ARAW AY NADAGDAGAN PA.
SA PAGYABONG NG MGA SALITANG ITINURO NG PANGINOON NA PINAKINGGAN AT PINANIWALAAN NG MANG MANG. ANG MANG MANG AY UNTI UNTI ITONG IPINAMUMUHAY. HANGGANG SA ARAW ARAW NA NIYANG PINAGSISIKAPANG MAGAWA ANG TURO AT ARAL NG PANGINOONG JESUS. AT SA KANYANG PAGSISIKAP NA MAISAKATUPARAN ITO SA GAWA , MARAMING BESES SIYANG NABIGO, MARAMING BESES SIYANG HINIHILA PALAYO SA SALITA NG DIYOS, ARAW ARAW AY INAALIPIN SA NG KAAWAY NG DIYOS SA KAHALAYAN AT KASAMAAN.
PERO ANG MANG MANG AY NANATILI SA KANYANG PAG KA MANG MANG. KAHIT SIYA AY MARAMI NG NALALAMAN AT NAUUNAWAAN. HINDI NIYA KAILANMAN INAGAW SA PANGINOON AT SA DIYOS ANG PAGKILALA AT KARANGALAN. IBINAHAGI NIYA ANG MGA SALITANG IPINAUNAWA SA KANYA SA PANGALAN NG PANGINOON, AT SA KARANGALAN NG DIYOS.
DAHIL SA PAGSISIKAP NIYANG MATUPAD AT MAGAWA ANG TURO AT UTOS NG KANYANG PANGINOON.ANG MANG MANG AY INATAKE NG KAAWAY NG DIYOS AT INALIPIN ITO NG HUSTO. AT ANG MANG MANG AY HINAYAAN NG DIYOS NA MAALIPIN NG KANYANG KAAWAY HANGGANG SA PAGSAWAAN ITONG ALIPININ NG KANYANG KAAWAY. NOONG BITAWAN NG KAAWAY NG DIYOS ANG MANGMANG SA KANYANG PANG AALIPIN.
NATAGPUAN NG MANG MANG ANG KANYANG SARILI NA NAG IISA NALANG. WALA NA ANG ASAWA NIYA AT MGA ANAK NIYA. WALA NA ANG ITINUTURING NIYANG MGA KAIBIGAN. WALA NA SIYANG MATAWAG NA MAMA AT PAPA, AT WALA NG MAITURING NA KAPATID. WALA NA SIYANG MAPUNTAHAN, WALA NA RIN LAHAT NG MGA TAONG MINAHAL NIYA AT PINAHALAGAHAN. WALA NA SIYANG MATULUYAN. NARANASAN NIYA ANG SOBRANG KAWALAN SA LAHAT, WALANG PERA, WALANG MAKAIN, WALANG MAINOM LAHAT NG ITO AY PINAG TIISAN NIYA HINDI LAMANG ISA DALAWA O TATLONG BESES KUNDI MARAMING BESES AT ITO AY PAULIT ULIT NIYANG NARARANASAN AT PAULIT ULIT NIYANG TINITIIS NG NAG IISA.
PERO ANG DIYOS AY TUNAY NGANG HINDI INIIWAN ANG MGA TAONG TOTOONG MAY PAGSISIKAP PARA TUPARIN ANG KANYANG SALITA. SA KABILA NG PAG IISA NG MANG MANG SA KABILA NG KANYANG KAHIRAPAN AT KAWALAN. ANG MANGMANG AY NANINDIGAN PARIN SA SALITANG PINANGHAWAKAN NIYA MULA SA PANGINOONG JESUS. DAHIL DITO AY LUBOS SIYANG KINALUGDAN AT KINAHABAGAN NG DIYOS. KAYA ANG IPINANGAKO NG PANGINOONG JESUS SA MGA TAO NA IPAPADALA NIYA ANG BANAL NA ESPIRITU BILANG KAPALIT NIYA , AY IPINADALA NG DIYOS SA MANG MANG.
NGAYON , ANG MANG MANG AY TATAWAGIN NG ANAK TAO. AT SA PAMAMAGITAN NG PATNUBAY AT GABAY NG BANAL NA ESPIRITU ANG DUGO NG MANG MANG AY ITINAKDA NG DIYOS BILANG HULING HANDOG AT ALAY SA IKALILINIS AT IKAAALIS NG MGA KASALANAN NG MGA TAO.
NATUPAD SA MANG MANG ANG NASUSULAT, ANG NAGPAPAKABABA AY ITINATAAS NG DIYOS. AT ANG MGA NAGMAMATAAS AY IBABA NG DIYOS. SA PAMAMAGITAN NG MANG MANG AT MATUTUPAD ANG SINABI NG DIYOS, DARATING ANG PANAHON NA ANG KARUNUNGAN NG SANLIBUTAN AY AKING HIHIYAIN.
Ang mangmang ay kakaunti ang nalalaman kaya walang maipagmarunong at walang maipagyabang.
Ang hangal ay walang nalalaman pero sobra ang kayabangan at inaakala sa sariling siya ay napaka runong. Pero sa kanyang pagsasalita ay makikita ang resulta ng pagka hangal at kawalan ng totoong pag kaalam sa diyos.
ANG MGA MANG MANG AY TUNAY NA KAKAUNTI ANG KAALAMAN. ANG MGA HANGAL NAMAN AY NAG AASTANG MATATALINO PERO KAHIT KAUNTI AY WALANG NALALAMAN. KAYA,T NASUSULAT , ANG MERON NA AY BIBIGYAN PA, PERO ANG WALA, KAHIT ANG KAKAUNTING NASA KANILA AY AALISIN PA.
KAYA ANG MAIPAPAYO NG MANG MANG SA MGA HANGAL AY PILIIN ANG MAGING MANGMANG.MAS KALULUGDAN NG DIYOS ANG MANG MANG, DAHIL AYAW NG DIYOS SA MAPAG MARUNONG NA WALANG ALAM AT MAPAG MATAAS.
AT HIGIT SA LAHAT AY DAPAT MALAMAN AT MAUNAWAAN NG MGA HANGAL, NA WALANG MAKAKAPIGIL SA DIYOS AT WALANG MAKAKAPAGSABI SA DIYOS KUNG ANO AT SINO ANG DAPAT PILIIN NG DIYOS NA MAKAUNAWANG GANAP SA KANYANG SALITA AT SA KANYANG MGA PLANO AT LIHIM. KAHIT SA PINAKA ABANG KALAGAYAN NG MGA MANG MANG AY KAYA NIYANG KUMUHA AT GAWING ANAK NI ABRAHAM KAGAYA NG NASUSULAT.