14/09/2026
Masaya at buong puso akong nagpapasalamat sa matagumpay na LegisHear sa ating lalawigan.
Mahalaga sa akin ang pagkakataong makasama ang ating mga Local Government Officials, mga kinatawan ng ibaโt ibang sektor, mga ahensya, at ang ating mga kababayan upang direktang mapakinggan ang kanilang mga saloobin, pangangailangan, suhestiyon, at mga pangarap para sa ating lalawigan.
Nakasama natin si House Speaker Faustino โBojieโ Dy III sa mahalagang pagtitipon na ito. Maraming salamat, Speaker Bojie, sa pagpapaunlak sa ating imbitasyon.
Kabilang sa mahahalagang talakayan ang dalawang panukalang batas na may direktang epekto sa kinabukasan ng ating lalawigan: House Bill No. 8627, para sa conversion ng South Cotabato State College (SCSC) bilang South Cotabato State University, at House Bill No. 8342, para sa upgrading ng SOCCSKSARGEN General Hospital bilang SOCCSKSARGEN Regional and Medical Center. Personal nating pinangasiwaan ang Question and Answer upang malinaw na matalakay ang mga panukalang ito at ang magiging benepisyo nito sa ating mga kababayan.
Nagpapasalamat ako kay Gov. Reynaldo Tamayo Jr. sa kanyang suporta, at sa buong Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato bilang ating Host Province.
Gayundin, nagpapasalamat ako sa ating mga kasamahang mambabatas na nakiisa sa ating LegisHear - sina Rep. Javier Miguel Benitez, Rep. Esmael Mangudadatu, Rep. Henry Oaminal Jr., Rep. Ruth Sakaluran, Rep. Steve Chiongbian Solon, Rep. Bella Vanessa Suansing, at Rep. Dibu Tuan - kabilang si House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil.
Nais ko ring pasalamatan ang ating local media at lahat ng volunteers mula sa ibaโt ibang ahensya na naging katuwang natin sa pagtitipon na ito.
Matagumpay na naisagawa ang ika-apat na LegisHear sa South Cotabato, matapos ang mga naunang pagdinig sa Isabela, Butuan City, at Dumaguete. Patuloy pa itong iikot sa ibaโt ibang panig ng bansa upang marinig ang boses at saloobin ng ating mga kababayan.