04/11/2025
JUST COMPENSATION, HINDI LANG MARKET VALUE! 💡
Iginiit ng Korte Suprema na dapat lahat ng salik — hindi lang market value — ang isaalang-alang sa pagtukoy ng just compensation kapag kumukuha ang gobyerno ng pribadong lupa para sa pampublikong gamit.
👉 Sa kasong City Government of Pasay vs. Arellano University, ibinalik ng SC sa RTC ang kaso para muling suriin kung sapat ba ang kabayarang ibibigay sa unibersidad sa lupang ginawang kalsada (Menlo Street).
⚖️ Ayon sa SC, ang just compensation ay dapat totoo, buo, at patas — hindi puwedeng base lang sa lumang tax assessments. Dapat isaalang-alang ang kabuuang kalagayan ng ari-arian, lokasyon, zonal value, at iba pa.
Basahin pa:
📰 Press Release: https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153762
📄 Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153692
💬 Hiwalay na Opinyon: https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153737
Iginiit ng na dapat na nakabatay sa lahat ng nauugnay na salik at hindi lamang sa market value ang just compensation o ang makatarungang kompensasyon sa mga kaso ng expropriation. Expropriation ang tawag sa pagkuha ng gobyerno ng pribadong ari-arian para sa pampublikong gamit.
Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, ibinalik ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema sa Regional Trial Court (RTC) ang kaso sa pagitan ng City Government of Pasay (Pasay LGU) at Arellano University (University) para muling suriin ang halaga ng just compensation na dapat bayaran sa University.
Nagsampa ng reklamo noong 2015 ang University sa RTC at sinabing kinuha ng LGU ng Pasay ang 805-square-meter na parsela ng lupa nito sa Barangay San Isidro at ginawa itong pampublikong kalsada, na kilala ngayon bilang Menlo Street, nang hindi dumaan sa tamang expropriation proceedings o pagbabayad ng just compensation. Nagkasundo ang magkabilang panig na ipasa ang usapin sa isang board of commissioners na binubuo ng mga opisyal ng LGU ng Pasay.
Gumamit ang board ng base value na PHP200 kada metro kuwadrado (sqm) batay sa 1978 General Revision ng City Assessor’s Office, pagkatapos ay nagdagdag ng 6% na taunang interes mula 1978, ang taon na natuklasan ang kalye, hanggang 2017, na nagresulta sa halagang PHP2,060/sqm.
Hindi sumang-ayon ang University sa kompyutasyon at nagmungkahi ng kabuuang kabayaran na PHP 5,793,664.63 ang University batay sa mga rate na inilathala ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Pinagtibay ng RTC ang base value ng mga commissioner pero naglapat ng ibang interest rate. Inutusan nito ang Pasay LGU na magbayad ng PHP 161,000.00, at ang 12% taunang interes mula 1978 hanggang 2018.
Nagpasya ang CA na ibalik ang kaso sa RTC at sinabing nagbatay lamang ang RTC sa assessment noong 1978 at binalewala ang iba pang mahahalagang salik.
Sumang-ayon sa CA ang Korte Suprema nang makitang batay sa hindi kumpletong datos ang naging desisyon ng RTC.
Sa ilalim ng Article III, Section 9 ng Saligang Batas, hindi maaaring kunin ang pribadong pag-aari para sa pampublikong paggamit nang walang just compensation. Binigyang-diin ng Korte Suprema na dapat na totoo, malaki, buo, at sapat ang just compensation at dapat ang korte ang nagdedesisyon sa pagtukoy sa halagang ito.
Nilinaw ng Korte Suprema na bagamat nagbibigay ng mga appraisal ang mga tagasuri ng lokal na pamahalaan, ang mga ito ay hindi nagkokontrol sa mga kaso ng expropriation. Ang ganitong mga appraisal ay madalas na sumasaklaw sa malalawak na saklaw at hindi isinasaalang-alang ang mga partikular na pagkakaiba sa mga ari-arian. Umaasa ang mga ito sa pangkalahatang paglalarawan at maaaring hindi tumpak. At bagaman maaaring gamiting gabay ang mga tax value, hindi ito maaaring ipalit sa isang masusing pagsusuri para sa just compensation.
Dapat gumamit ang mga hukuman ng “totality of circumstances” approach, na isinasaalang-alang ang lahat ng mga datos tungkol sa kalagayan ng ari-arian, kapaligiran, mga kasalukuyang pagpapabuti, at mga kakayahan. Kabilang dito ang zonal valuation ng Bureau of Internal Revenue, acquisition cost, tax declarations, laki, hugis, lokasyon, at ang kasalukuyang halaga ng mga katulad na ari-arian.
Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153762.
Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153692.
Basahin ang Hiwalay na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153737.
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.