Mereria Law

Mereria Law Tara, usap tayo: https://calendly.com/atty-mereria/consult

The Law Office of Atty. Aldrin Carlos Niño A. Mereria, RN, LPT

Kasangga Mo sa Batas.

“No written notice” does not always save a redemption claim.In Azurin, Jr. v. Chua, the Supreme Court denied a co-owner’...
15/05/2026

“No written notice” does not always save a redemption claim.

In Azurin, Jr. v. Chua, the Supreme Court denied a co-owner’s attempt to redeem property after waiting more than 6 years to act.

The petitioners argued that the 30-day period under Article 1623 of the Civil Code never started because they were never formally notified in writing about the sale.

Normally, written notice is required.

But the Court said the surrounding facts already showed that they knew about the transaction long before filing the case.

The property had already been subdivided. A separate title had already been issued in the buyer’s name. There was even an earlier recovery of possession case filed against them.

Despite all these, they still waited years before asserting their redemption rights.

The Supreme Court applied the doctrine of laches — equity does not help those who sleep on their rights.

The Court also clarified that Alonzo v. IAC did not remove the written notice requirement. It only recognized that, in exceptional situations, actual knowledge plus unreasonable delay may make strict compliance inequitable.

Practical takeaway:Even if the law appears to support your position, delay can still defeat your claim.

22/10/2025
We are currently attending the training orientation on RA 9520 or the Philippine Cooperative Code of 2008, hosted by the...
04/10/2025

We are currently attending the training orientation on RA 9520 or the Philippine Cooperative Code of 2008, hosted by the Integrated Bar of the Philippines (Camarines Sur Chapter) and Cooperative Development Authority - Regional Office V.

IBP Legal Mission, CSPC - NabuaWe discussed the Katarungang Pambarangay before the students of CSPC.
06/09/2025

IBP Legal Mission, CSPC - Nabua

We discussed the Katarungang Pambarangay before the students of CSPC.

12/07/2025

Got a “lemon” car? Know your rights! 🚗 🍋

Today, July 12, 2025, from 10-11 AM, join IHAPOT MO KI ATTORNEY on Radyo Natin 107.1 Iriga City as we talk about RA 10642: The Philippine Lemon Law, the law that protects buyers of brand-new vehicles with factory defects.

Our Key Speaker, Atty. Aldrin Carlos Niño Almasco Mereria, will break it down for you in plain language.

Call or text your legal questions live:
0908 666 5021 | (054) 299-4725

Live streaming on Radyo Natin Iriga page.
Know your rights, protect your hard-earned money!

Tayo po ay nasa Radyo Natin Iriga 107.1 DWIR ngayong umaga. You can watch the Livestream by visiting their page...
12/07/2025

Tayo po ay nasa Radyo Natin Iriga 107.1 DWIR ngayong umaga.

You can watch the Livestream by visiting their page or tune in on the radio 107.10 FM.

‼️Ang isang kasunduan sa pagbebenta ng lupa ay may bisa kahit hindi nakasulat kung ito ay bahagya o ganap nang naipatupa...
27/06/2025

‼️Ang isang kasunduan sa pagbebenta ng lupa ay may bisa kahit hindi nakasulat kung ito ay bahagya o ganap nang naipatupad.

---

Nagpasya ang na ang isang kasunduan sa pagbebenta ng lupa ay may bisa kahit hindi nakasulat kung ito ay bahagya o ganap nang naipatupad.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, kinatigan ng Third Division ng Korte ang berbal na pagbebenta ng lupa sa pagitan nina Marcos Batara (Batara) at ng kanyang pamangkin na si Benedicto Ocampo (Ocampo). Bagamat walang nakasulat na kontrata, sinabi ng Korte na may bisa ang pagbebenta dahil natanggap na ni Ocampo ang titulo ng lupa, nakalipat na siya sa ari-arian, at nagtanim ng mga pananim dito.

Nakarehistro ang lupa sa pangalan ni Batara na namatay noong 1974. Nalaman lang ng kanyang mga anak na sina Noblesa at Ernesto ang tungkol sa ari-arian noong 2007. Nakatanggap sila ng notice na magbayad ng hindi pa nababayarang buwis sa real estate at nalaman din na doon nakatira ang kanilang pinsan na si Ocampo.

Sina Noblesa at Ernesto ay nagsampa ng kaso para bawiin ang lupain mula kay Ocampo at sinabing sila ang mga nararapat na tagapagmana.

Sinabi ni Ocampo na binili niya ang lupa kay Batara noong buhay pa siya. Nang namatay si Batara, patuloy na nagbabayad si Ocampo ng hulugan kay Marcelo, kapatid ni Batara at tagapag-alaga ni Noblesa.

Inamin ni Ocampo na ang pagbebenta ay hindi napatunayan ng anumang nakasulat na dokumento dahil namatay si Batara bago pa nila maisagawa ang mga kinakailangan. Pero iprinisenta ni Ocampo ang kopya ng titulo ng lupa ng may-ari bilang patunay na sinasabing ibinigay ito ni Batara sa kanya pagkatapos ng unang pagbabayad noong 1972.

Nagdesisyon pabor kina Noblesa at Ernesto ang Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na nagsabing mas may karapatan sila sa ari-arian dahil nakarehistro ito sa pangalan ng kanilang ama. Dagdag pa rito, walang sapat na patunay ng pagbebenta maliban sa mga pahayag ni Ocampo.

Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon ng RTC at CA.

Sa ilalim ng Civil Code, ang pagbebenta ng lupa ay dapat na nakasulat para maipatupad ito sa korte. Ang nakasulat na dokumentong ito ay nagsisilbing patunay na ang magkabilang partido ay sumang-ayon sa pagbebenta. Pero ang pagbebenta ay itinuturing na may bisa pa rin kahit na walang nakasulat na kontrata kung ito ay ganap na o bahagyang naisakatuparan na. Sa ganitong mga kaso, ang isang berbal na kasunduan ay maaari pa ring magkaroon ng legal na bisa, at ang mga saksi ay maaaring payagang tumestigo upang patunayan na nangyari ang bentahan.

Dagdag pa ng Korte, ang pag-aari ng lupa at pagpapagawa ng mga pagbabago ay matibay na senyales na nagkaroon na ng verbal sale. Kaya ang mga mamimili na nakatira na sa ari-arian ay maaaring gamitin ang kasunduang berbal bilang legal na batayan sa kanilang pagmamay-ari kahit na walang nakasulat na kontrata.

Sa kasong ito, ang pagbebenta ay bahagyang naipatupad dahil bahagyang binayaran ni Ocampo ang lupa, lumipat siya rito, natanggap niya rin ang titulo ng lupa, at nagbayad din ng amilyar. May patunay na may bentahan base sa mga testimonya ni Ocampo at ng kanyang mga testigo.

Pero sinabi ng Korte na hindi si Marcelo ang awtorisadong tumanggap ng bayad sa ngalan ng mga tagapagmana ng kanyang kapatid. Kaya kahit nananatiling wasto at may bisa ang pagbebenta, kailangang bayaran ni Ocampo ang natitirang balanse ng presyo ng pagbili na may kasamang interes kina Noblesa at Ernesto.

Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/msxr7hsd.

Originally published by the Supreme Court Public Information Office.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1C9rLD3doU/

Ipinaalala ng Korte Suprema na habang ang mga nagpapahiram ng pera ay maaaring makakuha ng mga ari-arian na ginagamit bi...
02/01/2025

Ipinaalala ng Korte Suprema na habang ang mga nagpapahiram ng pera ay maaaring makakuha ng mga ari-arian na ginagamit bilang loan collateral, ang pagmamay-ari ay hindi maaaring awtomatikong ilipat sa kanila, maliban kung may hiwalay na kasunduan.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, kinatigan ng First Division ng Korte Suprema ang paglipat ng pagmamay-ari ng lupang pag-aari ng Ruby Shelter Builders and Realty Development Corporation (Ruby Shelter) sa pinagkakautangan nito na sina Romeo Y. Tan (Tan) at Roberto L . Obiedo (Obiedo). Ayon sa Korte Suprema, ang paglilipat na ito ay batay sa isang may bisang kasunduan at hindi lumalabag sa batas na nagbabawal sa awtomatikong paglilipat ng pagmamay-ari ng collateral.

Ang Ruby Shelter ay humiram ng pera kina Tan at Obiedo, gamit ang ilang mga ari-arian bilang collateral. Nang ang natitirang utang ay umabot sa PHP 95 milyon, ang mga partido ay pumirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na ibenta ang mga ari-arian nito kina Tan at Obiedo bilang bayad sa utang.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang bisa ng MOA at sinabing kusang pumasok ang Ruby Shelter sa MOA na ibenta ang mga ari-arian kung hindi makapagbayad. Ipinaliwanag din ng Korte na ang MOA ay hindi bumubuo ng pactum commissorium o isang ipinagbabawal na kasunduan sa ilalim ng Article 2088 ng Civil Code. Ang probisyong ito ay nagsasaad na ang isang tagapagpahiram ay hindi maaaring awtomatikong makakuha ng pagmamay-ari ng collateral kung ang nanghihiram ay nabigong magbayad.

Ang pactum commissorium ay nangyayari kapag (1) ang isang ari-arian ay ginamit bilang collateral para sa isang pautang; at (2) ang kasunduan sa pautang ay may kasamang probisyon na awtomatikong naglilipat ng pagmamay-ari ng collateral sa nagpapahiram kung ang nanghihiram ay nabigong magbayad.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-automatic-transfer-of-collateral-for-loan-repayment-prohibited/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/217368-ruby-shelter-builders-and-realty-development-corporation-vs-romeo-y-tan-et-al/



Ang Pangangaliwa ay Maituturing na Sadyang Pananakit sa Asawa sa Ilalim ng Anti-VAWC ActIpinagpapalagay ng Korte Suprema...
05/09/2024

Ang Pangangaliwa ay Maituturing na Sadyang Pananakit sa Asawa sa Ilalim ng Anti-VAWC Act

Ipinagpapalagay ng Korte Suprema na may “criminal intent” na manakit sa asawa ang pangangaliwa, sapat para ituring na paglabag sa batas na Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC).

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, napatunayang guilty ang lalaki sa pagdulot ng “mental and emotional anguish” sa asawa dahil sa pagkakaroon niya ng ibang babae at anak.

Ayon sa lalaki, wala naman siyang intensyong magdulot ng “mental and emotional distress” sa kanyang asawa nang siya ay mangaliwa.

Pero ayon sa Korte Suprema, likas na mali ang pangangaliwa base sa pamantayan ng ating lipunan, sa ating kultura o maging sa relihiyon.

At dahil mas nilalayong protektahan ng batas ang mga biktima kaysa parusahan ang nagkasala, tinitingnan ng batas ang epekto ng isang pagkakasala sa babae o bata, at hindi ang motibo ng nagkasala.

Paglilinaw ng Korte Suprema, ang desisyon na ito ay hindi maaaring gamitin sa mga hindi tradisyunal na setup ng pamilya o pakikipag relasyon sa iba na may pahintulot ng asawa dahil walang maituturing dito na “mental or emotional anguish.”

Korte Suprema: Ang Pangangaliwa ay Maituturing na Sadyang Pananakit sa Asawa sa Ilalim ng Anti-VAWC Act

Ipinagpapalagay ng Korte Suprema na may “criminal intent” na manakit sa asawa ang pangangaliwa, sapat para ituring na paglabag sa batas na Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC).

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, napatunayang guilty ang lalaki sa pagdulot ng “mental and emotional anguish” sa asawa dahil sa pagkakaroon niya ng ibang babae at anak.

Ayon sa lalaki, wala naman siyang intensyong magdulot ng “mental and emotional distress” sa kanyang asawa nang siya ay mangaliwa.

Pero ayon sa Korte Suprema, likas na mali ang pangangaliwa base sa pamantayan ng ating lipunan, sa ating kultura o maging sa relihiyon.

At dahil mas nilalayong protektahan ng batas ang mga biktima kaysa parusahan ang nagkasala, tinitingnan ng batas ang epekto ng isang pagkakasala sa babae o bata, at hindi ang motibo ng nagkasala.

Paglilinaw ng Korte Suprema, ang desisyon na ito ay hindi maaaring gamitin sa mga hindi tradisyunal na setup ng pamilya o pakikipag relasyon sa iba na may pahintulot ng asawa dahil walang maituturing dito na “mental or emotional anguish.”

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-criminal-intent-to-cause-anguish-presumed-in-marital-infidelity-under-anti-vawc-act/


Address

Gonzales Street
Iriga City
4431

Opening Hours

Monday 8:30am - 5pm
Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mereria Law posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share