05/10/2025
Simulan na ang pagbuo ng pangarap mong sariling bahay!
Tara na sa National Housing Expo 2025 sa Oktubre 23 & 24 at alamin ang mga handog na abot-kaya at dekalidad na pabahay. 🏡💙
Bilang tugon sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maihatid ang dekalidad at abot-kayang pabahay sa bawat Pilipino, pangungunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), katuwang ang Pag-IBIG Fund (HDMF), National Housing Authority (NHA), Social Housing Finance Corporation (SHFC), National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), at mga partner housing organizations, ang Expo na ito ay magbibigay sa inyo ng iba’t ibang oportunidad at solusyon upang matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan para sa iyo at sa iyong pamilya.
Para sa mga pupunta sa Expo, may onsite Pag-IBIG Housing Loan assistance, display ng libo-libong dekalidad na pabahay, at showcase mula sa 50 na mga nangungunang developers sa bansa!
Bukas po ito para sa publiko. No entrance fee! Kita-kits tayo sa National Housing Expo 2025!