09/06/2022
“Pagkatapos mo d’yan, isunod mo ito ah”
“Oh eh ayusin mo naman pag plantsa mo!”
“Ano ‘yan? Ulam ba tawag mo diyan?”
We disrespect them.
We don’t appreciate them.
Dinadaan-daanan lang natin sila na para bang basahan.
And because of that, they feel useless, na para bang they are not good enough, na laging may kulang sa kanila, and guys, please…
THEY DON’T DESERVE THAT… EVER!
Any woman, mapa-girlfriend pa lang o asawa na, if we decide to pursue them, be consistent, hindi lang habang nanliligaw o bagu-bago pa lang ang relasyon. Paano natin gagawin ito?
MAG OFFER TAYO NG TULONG
“Okay ka lang ba? Gusto mo ako na diyan?”
“Magpahinga ka na, bukas na ‘yan”
“Ano pa kailangang gawin baka kaya ko na ‘yan”
Tumulong naman tayo. Hindi porke pinapakita nilang okay sila at malakas ay hindi na tayo magtatanong.
Ang mga babae, strong ‘yan eh, hinding hindi magpapakita ng pagod, PERO deep inside, may mga moments na gusto naman nila maramdaman na may karamay sila at matatawag kahit anong oras.
HUWAG SILA IKAHIHIYA O YUNG GINAGAWA NILA
Sabihin na nating sila ang gumagawa ng mga gawaing bahay, hindi ba tayo ang sumusuporta at tayo pa dapat ang proud na proud?
Hindi “LANG” ang kanilang ginagawa ah. Mahirap kaya yun. Buong araw walang tigil? Sabay sabay pa ginagawa?
Baka kung tayo yun, isang chore pa lang, hingal na hingal na tayo at mainis sa pagod. Haha. Yan ang tunay na SUPERWOMAN!
Kaya no matter what they do. Little or big things… ALWAYS be proud of them.
Want more tips? Get the Happy Wife Happy Life + FREE Pera ni Mister, Pera ni Misis. Now available at Shopee Mall! https://shopee.ph/chinkshop_official