Renabor Law Office

Renabor Law Office Your justice, our mission.

05/08/2025

Legal Tip #8:

“RESPETO MUNA BAGO KOMENTO”

Ang bawat mamamayan ay may karapatang magpahayag ng opinyon hinggil sa mga desisyon ng Korte Suprema, kabilang na ang mga isyung may mataas na pampublikong interes gaya ng impeachment ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Subalit, mahalagang tandaan na ang mga desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ay pinal at executory, at bilang bahagi ng rule of law, ito ay nararapat na igalang.

Ang pagpuna sa desisyon ng Korte Suprema ay pinahihintulutan, subalit dapat itong gawin sa paraang may paggalang at nakabatay sa makatotohanang batayan. Ang mga pahayag na lumalampas sa hangganan—gaya ng walang basehang akusasyon ng katiwalian o panlalait sa korte at mga mahistrado—ay maaaring magresulta sa indirect contempt of court, na may kaakibat na legal na pananagutan.

Bottom line:

Maaari kang hindi sumang-ayon sa desisyon, ngunit ang anumang pagpuna ay dapat gawin nang may paggalang at naaayon sa batas.




04/08/2025

Legal Tip #7:

"ASAWA MO SIYA, HINDI MO SIYA PAG-AARI"

Kahit kasal kayo, bawal ang pananakit, pambabastos, at sapilitang pakikipagtalik — may batas laban diyan (RA 9262 o VAWC). At tandaan: hindi rin pwedeng itago o ibenta ng isa ang conjugal property nang walang pahintulot ng asawa.


03/08/2025

Legal Tip #6:

"SA LUPA, PAPEL ANG TUNAY NA HARI"

Bibili o magmamana ka ba ng lupa?

Huwag basta-basta magtiwala sa salita o simpleng kasulatan lang. Siguraduhin na malinaw ang titulo, updated ang tax declaration, at dumaan sa tamang proseso sa Registry of Deeds.

Bakit?

Ang titulo ang ebidensya ng pagmamay-ari. Kahit may kasulatan kayo, kung walang rehistradong titulo, delikado.

Maiiwasan ang double sale o bentahan ng hindi sa kanila. Marami ang nabibiktima ng peke o paulit-ulit na bentahan.

Mas madali ang pagmana at paglilipat. Kung maayos ang titulo, iwas-problema sa mga susunod na henerasyon.

Tandaan: Sa lupa, hindi sapat ang usapan o pirma lang—papel ang panalo.

---

31/07/2025

Legal Tip #5:

"HINDI PORKE HINDI KA NAHULI AGAD, LIGTAS KA NA"

ALAM MO BA?

Prescribed ang ilang krimen pero maraming kaso sa Revised Penal Code ang pwedeng habulin kahit taon na ang lumipas.

WARRANTLESS ARREST:

Pwede ka pa ring hulihin kung nahuli ka in the act (flagrante delicto) o hot pursuit kung kakagawan mo lang ng krimen.

FILING A CASE:

Kahit wala kang alam na may complaint na pala, pwedeng may warrant na labas laban sa’yo.

Pro Tip:
Kung may natanggap kang subpoena o invitation from the police, kumonsulta agad sa abogado. Mas mahirap kung warrant na ang kasunod.

29/07/2025

Legal Tip #4:

BIBILI KABA NG LUPA O SASAKYAN?

Kung 3rd owner ka na — siguraduhin mong lahat ng Deed of Sale ay notarized!"

Bakit?

Kapag notarized, may presumption of authenticity ang dokumento — ibig sabihin, pinaniniwalaan ng batas na totoo ang pirma at humarap mismo ang nagbenta sa notaryo publiko.

Kung hindi notarized ang Deed of Sale ng 1st owner at 2nd owner, mas mahirap patunayan ang chain of ownership — lalo na kung:

1. Patay na ang isa sa mga dating may-ari.

2. Nasa abroad na at hindi na mahanap.

3. Posibleng pineke ang pirma ng original na may ari sa kasulatan na maaaring magpawalang bisa sa kasulatan.

Lesson:

Sa lupa man o sasakyan, siguraduhin na lahat ng kasulatan (mula 1st hanggang latest sale) ay notarized. Ito ang magpapatibay sa karapatan mo bilang bagong may-ari.

23/07/2025

🧠 Legal Tip #3:

"Hindi lahat ng prank ay nakakatawa sa batas." 🎭🚔

Kahit pa katuwaan lang, kung ang prank ay nagdulot ng takot, kahihiyan, o peligro sa iba, pwede ka pa ring makasuhan.

❌ Pranks that may be criminal:

Pagpapanggap na may krimen (bomb joke, fake emergency)

Paglalantad ng private info (doxxing)

Pagbibiro ng pananakot ("Abangan kita sa labas")

Pagpa-prank na may physical contact o damage

📌 Pwede itong pumasok sa Grave Threats, Alarms and Scandal, Unjust Vexation, or even Physical Injuries.

✅ Ang tunay na saya, walang nasasaktan.

22/07/2025

🧠 LEGAL TIP #2

Minsan, hindi pera ang sumisira sa pagkakaibigan—kundi ang kawalan ng malinaw na kasunduan.

Para iwas sama ng loob, ilagay sa papel ang utang o usapan.

📃 Friendship with boundaries is still friendship.


22/07/2025

🧠 LEGAL TIP OF THE DAY

Huwag basta-basta pumirma kung hindi mo nabasa o naintindihan ang dokumento—lalo na kung may kinalaman sa pera o lupa.

Sa batas, ang pirma mo ay ibig sabihin: naintindihan mo at pumayag ka. Kahit sabihin mong hindi mo nabasa, binding pa rin 'yan.

✔️ Basahin muna.
✔️ Magtanong kung may hindi malinaw.
✔️ Mas mabuting kumonsulta sa abogado bago pumirma.

Prevent now, para no regret later.

Visit us at Renabor Law Office!We are located at Room 206, Monsanto Building, 1st East, Tubod, Iligan City.
17/11/2024

Visit us at Renabor Law Office!

We are located at Room 206, Monsanto Building, 1st East, Tubod, Iligan City.

02/10/2024

IN NUMBERS: Day 1 of Filing of Certificate of Candidacy (COC) for Senators and Certificate of Nomination and Acceptance (C**A) for Party-List Groups for the May 12, 2025 National and Local Elections

🗓 1 October 2024
📍Tent City, The Manila Hotel, Ermita, Manila



02/10/2024

𝗪𝗔𝗥𝗥𝗔𝗡𝗧𝗟𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗥𝗥𝗘𝗦𝗧

*𝗜𝗻 𝗳𝗹𝗮𝗴𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗱𝗲𝗹𝗶𝗰𝘁𝗼 “𝗖𝗮𝘂𝗴𝗵𝘁 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗮𝗰𝘁”– A peace officer or a private person may, without a warrant, arrest a person, when in his presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense. [𝗥𝘂𝗹𝗲 𝟭𝟭𝟯, 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟱(𝗮)]

*𝗛𝗼𝘁 𝗣𝘂𝗿𝘀𝘂𝗶𝘁𝘀- A peace officer or a private person may, without a warrant, arrest a person, when an offense has in fact just been committed, and he has probable cause to believe based on personal knowledge of facts and circumstances that the person to be arrested has committed it. [𝗥𝘂𝗹𝗲 𝟭𝟭𝟯, 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟱(𝗯)]

*𝗘𝘀𝗰𝗮𝗽𝗲𝗱 𝗣𝗿𝗶𝘀𝗼𝗻𝗲𝗿 - A peace officer or a private person may, without a warrant, arrest a person, when the person to be arrested is a prisoner who has escaped from a penal establishment or place where he is serving final judgment or temporarily confined while his case is pending, or has escaped while being transferred from one confinement to another. [𝗥𝘂𝗹𝗲 𝟭𝟭𝟯, 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟱(𝗰)]

𝙊𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙞𝙣𝙨𝙩𝙖𝙣𝙘𝙚𝙨 𝙤𝙛 𝙬𝙖𝙧𝙧𝙖𝙣𝙩𝙡𝙚𝙨𝙨 𝙖𝙧𝙧𝙚𝙨𝙩:

*𝗔𝗿𝗿𝗲𝘀𝘁 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿 𝗲𝘀𝗰𝗮𝗽𝗲 𝗼𝗿 𝗿𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 - When a person previously lawfully arrested escapes or is rescued, any person may immediately pursue or retake him without a warrant at any time and in any place within the Philippines. [𝗥𝘂𝗹𝗲 𝟭𝟭𝟯, 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟭𝟯]

*𝗔𝗿𝗿𝗲𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝗮𝗰𝗰𝘂𝘀𝗲𝗱 𝗼𝘂𝘁 𝗼𝗻 𝗯𝗮𝗶𝗹- An accused released on bail may be re-arrested without a warrant if he attempts to depart from the Philippines without permission of the court where the case is pending. [𝗥𝘂𝗹𝗲 𝟭𝟭𝟰, 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟯(𝗽𝗮𝗿.𝟮)]

Address

Room 206, Monsansto Bldg. , 2nd Floor, Tubod
Iligan City
9200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Renabor Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Renabor Law Office:

Share