17/08/2020
Mas accessible na ang way from Cavite to Laguna nad vice versa..FYI...
Ikaw, may bahay ka na ba? STOP RENTING, start owning your own home now!!!
Looking for house and lot in Cavite?
Referral/aspiring agents are welcome.
π±π§:0965-213-1287 for more details.
Nakatakdang buksan ang Laguna Boulevard, at Laguna Technopark interchanges ng Cavite-Laguna Expressway (CALAx) para sa mga motorista ngayong darating na linggo.
Ito ang naging anunsyo sa isang virtual press briefing ni Public Works Secretary Mark Villar nitong Sabado.
β[The opening] is most likely, Monday or maybe this weekend we can open it already. We will coordinate with [MPCALA] on the exact time,β pahayag ni Villar.
Sinabi ni MPCALA Holdings Inc. president and general manager Roberto Bontia na ang dalawang interchanges ng CALAx ay kumpleto na at ang kompanya ay naghihintay na lamang sa pahintulot ng gobyerno na buksan ito sa publiko.
Samantala, inaprubahan na ng Toll Regulatory Board ang singil para sa toll sa Laguna Boulevard Interchange at Laguna Technopark Interchange.
Sakaling maging operasyonal, ang mga motorista ay magkakaroon ng access papunta sa at mula sa Laguna Technopark at magkaroon ng alternatibong ruta papunta sa at mula sa Nuvali sa pamamagitan ng Laguna Boulevard at South Boulevard, sa ganitong paraan, luluwag ang Santa Rosa-Tagaytay Road at iba pang local service roads sa lugar.
Noong Oktubre 2019, binuksan ng MPCALA para sa mga motorista ang Mamplasan Toll Barrier patungo sa Santa Rosa-Tagaytay Interchange subsection ng CALAx.
Ang kahabaan ng CALAx ay mayroong siyam na interchanges sa mga sumusunod na lokasyon: Kawit, Governorβs Drive, Aguinaldo Highway, Silang, Santa Rosa-Tagaytay, Laguna Boulevard, Laguna Technopark, at sa isang toll barrier bago ang South Luzon Expressway.
Ito ay isang 45-kilometrong, apat na linyang expressway na magkokonekta sa Manila-Cavite Expressway sa Kawit, Cavite patungo sa South Luzon Expressway sa Mamplasan Interchange sa BiΓ±an.
Ang MPCALA Holdings ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation, na siya ring may hawak ng concession rights para sa CAVITEX, Cavitex C5 Link, North Luzon Expressway (NLEx), NLEx Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEx) sa Cebu.
Source: GMA News
π· GMA News