08/06/2026
🚨 5 KATAO, PINAGHIHINALAANG NA-TRAP SA GUMUHONG ESTABLISYEMENTO SA GENERAL SANTOS CITY
GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad para sa limang (5) kataong pinaniniwalaang na-trap sa loob ng Savemore Market sa Barangay Calumpang matapos ang malakas na magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani bandang alas-7:37 ng umaga nitong Lunes.
Patuloy na isinasagawa ang mga operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga posibleng biktima habang sinusuri rin ang lawak ng pinsalang dulot ng lindol sa nasabing establisyemento.
📸: Agapito Hampaslupa