13/04/2026
Mahirap mangupahan.
Anytime, pwede kang palayasin.
Hindi dahil may nagawa kang mali.
At hindi rin dahil hindi ka maayos kausap.
Ganito lang talaga
kapag inuupahan mo ang tirahan mo.
Kahit on time ka magbayad.
Kahit mabait ka pang tao.
Kahit ilang taon ka na diyan.
Isang desisyon lang,
kailangan mo na namang maghanap ulit.
And that kind of uncertainty
slowly changes you.
Hindi ka basta-basta
naglalagay ng gamit.
Hindi ka masyadong nag-aayos ng space.
Hindi ka fully nagse-settle.
Kasi may maliit na boses sa likod ng isip mo
na nagsasabing,
“baka pansamantala lang to.”
“baka palayasin na naman ako.”
“baka magka-emergency na naman.”
“baka ibenta ulit itong lupa.”
Minsan may notice.
Minsan biglaan.
Minsan may dahilan,
minsan wala.
At kahit legal,
ramdam mo pa rin yung sakit.
Kaya maraming nangungupahan
ang laging naka-alert mode.
May nakaabang na maleta.
May plan B kahit ayaw nila.
May kaba na hindi nila masabi.
Hindi dahil mahina ka.
Kundi dahil ganito ang realidad.
Renting helps you survive.
Pero bihira ka nitong bigyan ng kontrol.
At ang mabuhay nang walang kontrol,
nakakapagod sa paglipas ng panahon.
Kaya hindi masama
kung gusto mong dumating sa point
na hindi ka na nagtatanong ng
“hanggang kailan?”
“sana huling lipat na ito”
Laban lang.
Hindi ka nag-iisa sa ganitong sitwasyon.
Marami ang dumaan muna sa pangungupahan,
sa paulit-ulit na lipat,
sa kaba kung hanggang kailan.
Hindi man ngayon.
Hindi man agad.
Pero darating din yung panahon
na ang paglipat mo
hindi na dahil napilitan ka.
Kundi dahil iyon na ang huli.
Sarili mo na.
May desisyon ka na.
May kontrol ka na.
Hanggang doon,
huminga ka muna.
Maghanda.
Magtiwala sa proseso.
Makakabili ka rin
ng sarili mong bahay.
At pag dumating yon,
iba na ang pakiramdam.