29/12/2025
Naglabas ang ng mga gabay sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan ng may-ari o gumagamit sa isang 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa mga kasong kriminal.
Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol sa isang indibidwal (###) dahil sa nagawa nitong psychological violence sa ilalim ng Section 5 (i) ng 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘪𝘰𝘭𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘞𝘰𝘮𝘦𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘛𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘊𝘩𝘪𝘭𝘥𝘳𝘦𝘯 (𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘈𝘞𝘊) 𝘈𝘤𝘵 laban sa dating kasintahan (AAA) sa pamamagitan ng mapanlait na 𝘱𝘰𝘴𝘵 sa 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬.
Hinatulan si ### ng hanggang walong taong pagkakakulong at pinagmumulta ng PHP 100,000. Ipinag-utos din nitong sumailalim si ### sa 𝘱𝘴𝘺𝘤𝘩𝘰𝘭𝘰𝘨𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘴𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 o 𝘱𝘴𝘺𝘤𝘩𝘪𝘢𝘵𝘳𝘪𝘤 𝘵𝘳𝘦𝘢𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵.
Binigyang-diin ng Korte na sa mga kasong kriminal, dapat patunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati na rin ang pagkakakilanlan ng nagkasala.
Sa mga krimeng ginawa sa pamamagitan ng social media, sabi ng Korte, kailangang isaalang-alang ang mga katangian ng platform gaya ng 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬. Paliwanag ng Korte, madaling makagawa ng 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa Pilipinas, kahit ang mga nagpapanggap na labintatlong taong gulang na may 𝘦𝘮𝘢𝘪𝘭 𝘢𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴 at 𝘮𝘰𝘣𝘪𝘭𝘦 𝘯𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳. Dahil sa mga pekeng 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵, madali ring kumalat ang pekeng impormasyon, pagnanakaw ng pagkakakilanlan, o krimen.
Para matukoy ang pagmamay-ari o pagkakakilanlan ng may hawak ng 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵, kailangan patunayan ang alinman sa mga sumusunod:
1. Pag-amin ng pagmamay-ari o pagiging may-akda;
2. May nakakitang ginagamit ang account o sinusulat ang 𝘱𝘰𝘴𝘵;
3. Paglalaman ng impormasyon na alam lang ng nagkasala o ng iilang tao;
4. Lenggwaheng naaayon sa katangian ng maysala;
5. Mga rekord mula sa 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘯𝘦𝘵 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘷𝘪𝘥𝘦𝘳, 𝘵𝘦𝘭𝘦𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘢𝘯𝘺, o 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘴𝘪𝘵𝘦, at mga resulta sa 𝘥𝘦𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘯𝘴𝘪𝘤 𝘢𝘯𝘢𝘭𝘺𝘴𝘪𝘴 na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa maysala;
6. Mga kilos na naaayon sa mga dating 𝘱𝘰𝘴𝘵; o
7. Iba pang mga bagay na nagpapakita ng pagmamay-ari, pag-access o pagiging may-akda.
Gamit ng mga gabay na ito, napatunayan ng Korte na may ilang elemento nagpapakita na si ### ang nagsulat ng 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘱𝘰𝘴𝘵. Buong pangalan niya ang nasa 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘦 at kasama niya sa 𝘱𝘳𝘰𝘧𝘪𝘭𝘦 𝘱𝘩𝘰𝘵𝘰 ang anak niya sa kanyang kasalukuyang kinakasama.
Nakatanggap din ang kapatid ni AAA ng mga mensahe mula sa kaparehong 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵 sa loob ng ilang taon. Magkapareho ang sitwasyon ng mga mensahe na nagtuturo kay ### bilang siyang gumagamit ng 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵.
Basahin ang Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158535.
Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158446.
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.