MP Atty. Naguib G. Sinarimbo

Call Directions Contact the business

MP Atty. Naguib G. Sinarimbo Attorney for the Bangsamoro |
Member of the Parliament

18/09/2026

Ngayon na mayroon ng elected Members of Parliament, ano ang kailangang pagtuunan ng kasalukuyang Bangsamoro Transition Authority bago umupo ang regular Bangsamoro Parliament? Ano ang aasahan natin sa elected Bangsamoro Parliament?

Panoorin ang buong episode: https://youtu.be/btCvDqlY4Ww

Alhamdulillah. Lahat ng pagpapasalamat ay para sa Allah na Siyang nagtakda ng ating kapalaran.Maraming salamat sa bawat ...
16/09/2026

Alhamdulillah.

Lahat ng pagpapasalamat ay para sa Allah na Siyang nagtakda ng ating kapalaran.

Maraming salamat sa bawat Bangsamoro na nagtiwala at tumindig kasama natin. 31,114 ang bumoto para sa serbisyong maygaling at malasakit. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa isang partido kundi ito ay pananagutang ipinagkatiwala sa atin para sa Bangsamoro.

Ngunit hindi ganap ang ating pagdiriwang habang may mga pamilyang nagluluksa sa mga buhay na nawala sa gitna ng halalan. Nakikiisa tayo sa kanilang dalamhati at ipinapanalangin natin ang katarungan at paghilom para sa kanilang mga pamilya at komunidad.

Tapos na ang halalan. Ibaba na natin ang kulay ng pulitika at muling kilalanin ang isa’t isa bilang kapwa Bangsamoro. Pagtagumpayan natin at sama-sama nating naitayo ang isang Bangsamoro na mapayapa, nagtutulungan, at bukas para sa bawat Bangsamoro.

Sa ating mga tagasuporta, sa mga kapitan sa lungsod at ang kanilang mga opisyal sa barangay, mga g**o, watchers, legal team at mga awtoridad, sa mga purok leaders, campaigners, volunteers, mga kasamahan sa trabaho, sa aking pamilya at mga kaibigan, taos pusong pasasalamat sa inyong suporta, tulong at pagod sa ating laban. Ang panalong ito ay panalo ninyo. Ang panalong ito ay Para sa Bangsamoro.

Muli, maraming maraming salamat po. Tara, trabaho tayo.

Alhamdulillah alhamdulillah alhamdulillah. Tuloy ang trabaho para sa Bangsamoro!Kahapon ay isinakatuparan natin ang atin...
15/09/2026

Alhamdulillah alhamdulillah alhamdulillah. Tuloy ang trabaho para sa Bangsamoro!

Kahapon ay isinakatuparan natin ang ating karapatan bilang mamamayan ng Bangsamoro at bumoto sa ating presinto. Ngayong araw ay nai-proklama na tayo bilang kauna-unahang District Representative-elect ng Parliamentary District 2 sa Cotabato City. Alhamdulillah at binigyan tayo ng Allah (S.W.T.) ng isa pang pagkakataong maipagpatuloy ang ating mga tungkulin sa Parlyamento at ang ating mga serbisyo sa Bangsamoro.

Lubos na pasasalamat sa ating mga tagasuporta, sa ating mga kapartido, sa mga kapitan sa lungsod at ang kanilang mga opisyal sa barangay, mga g**o, watchers, legal team at mga awtoridad, sa mga purok leaders, campaigners, volunteers, mga kasamahan sa trabaho, sa aking pamilya at mga kaibigan, taos pusong pasasalamat sa inyong suporta, tulong at pagod sa ating laban.

Ang panalong ito ay panalo ninyo. Ang panalong ito ay Para sa Bangsamoro.

Bismillah. Pila po tayo sa polling precinct. Du’a natin na bigyan tayo ng Allah (S.W.T.) ng mahabang sabr at mahinahong ...
14/09/2026

Bismillah. Pila po tayo sa polling precinct.

Du’a natin na bigyan tayo ng Allah (S.W.T.) ng mahabang sabr at mahinahong pagboto sa buong rehiyon sa ngalan ng mga sibilyan, g**o at volunteers.

Wa billahi tawfiq wal hidaya. And with Allah comes all success and guidance.

π˜Όπ™£π™€ 𝙣𝙖 π™–π™£π™œ π™’π™œπ™– π™£π™–π™žπ™₯𝙖𝙨𝙖 π™£π™–π™©π™žπ™£π™œ 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙑𝙀𝙀𝙗 π™£π™œ π™žπ™¨π™–π™£π™œ 𝙩𝙖𝙀𝙣 𝙒π™ͺ𝙑𝙖 2025 - 2026?Sa loob lamang ng isang taon, tatlo na ang mg...
12/09/2026

π˜Όπ™£π™€ 𝙣𝙖 π™–π™£π™œ π™’π™œπ™– π™£π™–π™žπ™₯𝙖𝙨𝙖 π™£π™–π™©π™žπ™£π™œ 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙑𝙀𝙀𝙗 π™£π™œ π™žπ™¨π™–π™£π™œ 𝙩𝙖𝙀𝙣 𝙒π™ͺ𝙑𝙖 2025 - 2026?

Sa loob lamang ng isang taon, tatlo na ang mga panukala nating naging batas na sa Bangsamoro:

βœ”οΈ Salamat Excellence Award for Leadership Act of 2025
Nilagdaan bilang batas at naging Bangsamoro Autonomy Act No. 81.

βœ”οΈ Bangsamoro Parliamentary Districts Act of 2025
Nilagdaan bilang batas at naging Bangsamoro Autonomy Act No. 86. Ang BAA No. 86 ang nagbigay ng legal na batayan upang maisagawa ng COMELEC ang September 14, 2026 BARMM Parliamentary Elections, at upang maitakda ng Senado at Kongreso ang bagong petsa ng halalan sa pamamagitan ng Republic Act No. 12317.

βœ”οΈ SGADA Expansion Act of 2026
Nilagdaan bilang batas at naging Bangsamoro Autonomy Act No. 93. Magpapalawig ito sa kapangyarihan ng Special Geographic Area Development Authority upang makapaghatid ng mas malawak na serbisyo sa mga residente ng BARMM-SGA.

Bakit mahalagang malaman mo ito?

Dahil ang trabaho ng isang Member of Parliament ay hindi lamang magsalita o mangako. Kailangan niyang may kakayahang bumuo, magsulong, magdepensa, at magpasa ng mga batas na may konkretong epekto sa Bangsamoro. Ang track record sa paggawa ng batas ay isa sa mga dapat suriin bago pumili ng ating magiging kinatawan sa Parliament.

Kaya bumoto hindi ayon sa panatisismo, personalidad, o kasikatan. Bumoto nang matalino.

πŸ”΅ 4. SINARIMBO, ATTT NAGUIB
District 2, Cotabato City

π™π™π™Šπ™ˆ 𝙏𝙃𝙀 π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒπ™„π™‘π™€π™Ž: Alam mo bang Legal Consultant tayo ni Sen. Juan Miguel Zubiri nang maipasa ang Bangsamoro Organic Law...
12/09/2026

π™π™π™Šπ™ˆ 𝙏𝙃𝙀 π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒπ™„π™‘π™€π™Ž: Alam mo bang Legal Consultant tayo ni Sen. Juan Miguel Zubiri nang maipasa ang Bangsamoro Organic Law?

Malaki ang naging papel natin sa pagpasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa pamamagitan ng pagtulong sa Senate of the Philippines sa mga committee hearing at pagbabalangkas ng mahahalagang probisyon ng Senate version ng BOL.

Tumulong din tayo sa pagpapadaloy ng mga negotiation sa pagitan ni Sen. Zubiri at ng Chairman ng M**F upang maresolba ang mga pinagtatalunang probisyon ng BOL.

Walang makakapagsabing tayo ay bago lamang sa serbisyo. Nakaukit sa ating kasaysayan ang taon at pagod na iginugol para sa pagsisig**ong hindi na mauulit ang pagdanak ng dugo sa ating mahal na rehiyon at may kinabukasan ang kabataang Bangsamoro.

Hindi na panahon ng giyera. Panahon na ng pagkakaisa, kapayapaan, at sama-samang pagbangon. Ang tunay na laban ngayon ay...
12/09/2026

Hindi na panahon ng giyera. Panahon na ng pagkakaisa, kapayapaan, at sama-samang pagbangon. Ang tunay na laban ngayon ay hindi kung sino ang may pinakamalakas na salita, kundi kung sino ang may malinaw na plataporma, matibay na paninindigan, at kakayahang maglingkod nang tapat sa ating mga kababayan.

β€œNgayong nakaharap tayo sa isang mahalagang halalan, ito na ang panahon upang sama-sama nating maisaayos at maituwid ang direksyon ng pamahalaan sa Bangsamoro.

Hindi na panahon ng giyera. Panahon na ng pagkakaisa, kapayapaan, at sama-samang pagbangon. Ang tunay na laban ngayon ay hindi kung sino ang may pinakamalakas na salita, kundi kung sino ang may malinaw na plataporma, matibay na paninindigan, at kakayahang maglingkod nang tapat sa ating mga kababayan.”

Atty. Naguib Sinarimbo
BFP Cotabato City Chapter President

Miting de Avance cm Grand Rally
September 12, 2026

12/09/2026

BANGSAMORO FEDERALIST PARTY | MITING DE AVANCE CUM GRAND RALLY

Central Pilot Elementary School, Poblacion 6, Cotabato City

Address

Cotabato City
9600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63644425702

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MP Atty. Naguib G. Sinarimbo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MP Atty. Naguib G. Sinarimbo:

Shortcuts

Share